After Katie's birthday party, Ethan drove me back to the province again. Kinabukasan ay bumalik din s'ya agad sa siyudad.
Hindi s'ya umuwi pagdating ng Sabado gaya ng inaasahan ko. Hindi naman s'ya nag-text kung bakit at hindi ko na rin s'ya tinanong. Sa katunayan ay naging madalang ang texts n'ya sa linggong 'yun.
Siguro ay abala lang s'ya sa law firm. Dapat ay hayaan ko s'yang mag-concentrate muna. In a few months, he'll be graduating already.
Linggo ng umaga ay may narinig akong humintong sasakyan. Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kuwarto.
Could it be Ethan?
My heart was racing. Sabik na 'kong makita s'ya uli.
Pagbaba ko ay s'ya namang pagpapatuloy ni Ate Faye sa bagong dating.
It was Katie.
Ang saya ko ay napalitan ng kaba.
Anong ginagawa n'ya dito?
May pakiramdam ako na hindi s'ya naroon para magdala ng magandang balita.
Nakita n'ya ako at lumapit s'ya sa 'kin. I saw Ate Faye look worried as well.
"Hi." bati n'ya.
"Wala si Ethan dito." sabi ko.
"I know."
"Then why..." Kung alam n'yang wala pala si Ethan dito ay sino ba ang ipinunta n'ya dito?
"Ikaw ang sadya ko."
Sa balcony namin napagdesisyunan ni Katie na mag-usap. Nagdala ng meryenda si Ate Faye para sa 'min. She squeezed my arm and gave me a reassuring look before she left me with Katie.
Umupo na rin ako.
"Well, I won't beat around the bush anymore. I'm here to talk about Ethan." simula n'ya.
Iba na s'ya ngayon. Hindi na s'ya 'yung Katie na nakasama ko sa apartment ni Ethan dati. She was not friendly anymore. She seemed cold. Dati ba talaga s'yang ganito at 'di ko lang napansin? O ngayon lang s'ya nagkakaganito?
"Okay. Ano bang pag-uusapan natin tungkol kay Ethan?" sagot ko.
"He tried to break off our engagement." diretsa n'yang sabi.
I should've known that was why she was here. Maybe I was just hoping that she was there for a different reason.
"Kayo ni Ethan ang dapat mag-usap. That's between you and him."
"Actually, that's where you're wrong." Her looks were piercing. "It has everything to do about you."
Tiningnan ko lang s'ya. Hindi ako nagpahalata na hindi na ako mapakali sa loob ko.
I really dread confrontations.
"Ang anumang desisyon ni Ethan ay ginawa n'ya sa sarili n'ya. Walang nagturo sa kanya o nagsabi sa kanya kung ano ang dapat n'yang gawin."
Could it be possible for a person to look harder by the minute?
Para siyang bato na nagbabantang daganan ako hanggang sa ubusan ako ng hininga.
"How can you act like you're blameless? Akala ko mabait kang tao. I really thought you were cool when I met you, you know. Ginusto ko talagang maging kaibigan ka. Little did I know, you will steal away the man that I love."
I was dumbfounded to hear that she loves Ethan. Oo, nakita ko na may gusto s'ya kay Ethan. Akala ko simpleng paghanga lang ang meron s'ya para kay Ethan. Mali pala ako.

BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
Ficción GeneralPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...