CHAPTER THIRTY-NINE: Single-handedly

131K 1.6K 343
                                    

I let out a heavy breath.

Nakatayo ako sa labas ng isang clinic. Nandoon ako para sa first prenatal check-up ko.

It was one of those private OB-GYN clinics in the hospital.

Mga sampung minuto na rin siguro akong naroon, walang ginagawang anuman para buksan ang pinto.

Tinitingnan na nga ako ng mga dumaraan na mga tao. Nang makita kong medyo suspicious na sa akin ang security guard dahil nakita ko siyang pasimple akong tinapunan ng tingin mula sa kinatatayuan niya ay nagdesisyon na akong pumasok.

Binuksan ko ang pinto at agad akong sinalubong ng malamig na silid. Hindi ko na-realize na medyo mainit pala sa labas. Masyado akong abala sa pag-iisip.

May isang mag-asawa ang nakaupo sa isang tabi. They looked like they were newlyweds. Halata na ang laki ng tiyan ng babae. Panaka-naka ay tinatanong siya ng asawa niya kung okay lang siya, kung nauuhaw ba siya, kung gusto ba niyang mag-CR.

Sa tabi nila ay dalawang teenagers, isang babae at isang lalaki, siguro nasa eighteen ang edad ng mga ito. Mukhang magkasintahan ang dalawa at hindi nag-uusap. You can tell by their body language na nag-aaway sila. Tulad ko, hindi pa halata ang umbok sa tiyan ng teenager.

Sa isang banda naman ay dalawang babae na nag-uusap. They looked like my age. I heard the girl, 'yung obviously ay 'di buntis, na sinasabi kung gaano siya kagalit sa isang nagngangalang "Gio" na siyang nakabuntis sa kasama niya. The pregnant girl didn't seem to be listening to her friend. Mukhang iba ang nasa isip niya, probably 'yung ama ng ipinagbubuntis niya.

I suddenly wanted Ethan to be with me. Akala ko kaya kong gawin 'to ng mag-isa. Hindi pala. So much for acting brave.

Nahihiya ako, natatakot. I need someone to be with me, kahit sino. Basta may kasama lang ako.

Hindi 'tong ako lang mag-isa, walang kakampi, walang kasangga, walang karamay.

Hindi ko sinabi kay Ethan na magpapa-check-up ako.

If I was totally being honest, I was scared he'd say he can't come with me. Kasi gusto ko talaga siyang sumama. Gusto kong nasa tabi ko siya habang tinatanong ako ng nurse at habang nag-e-explain sa 'kin ang doktor. Kasi, what if may hindi ako masagot o may hindi ako maintindihan? I'm sure matutulungan ako ni Ethan. He was calm and he would know what to do.

Kahit 'di na niya hawakan ang kamay ko o kausapin ako, okay lang. Basta nasa tabi ko siya.

Ano bang alam mo? What if sasamahan ka naman pala niya basta lang nagsabi ka?

I would feel guilty. Kasi by then, iisipin ko naman na inaabala ko lang siya. I don't want to add anymore burden on him. Marami na siyang itinutulong sa 'kin. Kung hihingin ko pa ang oras niya para samahan ako sa pagpunta sa doktor, ang labas n'yan ay inaabuso ko na siya. At ayokong isipin niya na ginagamit ko lang siya.

Lumapit ako sa receptionist. In-entertain naman niya ako agad. She gave me a form to fill-up. Sinagutan ko agad 'yun.

Nang ibalik ko sa kanya ang form at ballpen, sinabi niya sa 'kin na umupo muna ako at tatawagin lang niya ako if it was my turn.

Pagkaupo ko sa isang bakanteng upuan, noon naman lumabas ang isang babae at ang isang matandang babae na mukhang nanay niya mula sa loob ng consultation room. Tinawag na ang susunod na pasyente. Tumayo 'yung dalawang babaeng magkaibigan.

I had no one. Kahit kaibigan o kapamilya.

Oo nga pala, there is still that matter about my family. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang sitwasyon ko. Napagkasunduan namin ni Ethan na ilihim lang muna sa kanila ang pagbubuntis ko, na hihintayin ko munang makapanganak ako bago ko ibunyag sa pamilya ko ang nangyari. Just to make sure...kung sino nga ang ama.

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon