Araw-araw sa mga nakaraang dalawang linggo ay pumupunta sa bahay si Ethan. Bumabawi s'ya sa mga pagkakataong hindi niya nakasama si Nathan. Mabilis n'yang nakuha ang loob ng bata. S'ya na nga ang nagpapatulog kay Nathan gabi-gabi, bago s'ya umalis.
My parents weren't happy that Ethan was always there. Although, they didn't try to kick him out of the house. They also didn't stop him from visiting.
Hindi rin naman sinusubukan ni Ethan na makipaglapit sa mga magulang ko. Hindi pa rin n'ya mapatawad ang mga nagawa nila.
Ako rin naman ay hindi pa rin sila mapatawad, pero hindi ko na mapanindigan na manatiling galit sa kanila. They had their reasons for doing what they did.
What matters to me now is Nathan. Kontento na 'ko na may ama na s'ya ngayon. Kasi kahit alam ko na hindi naman ako nagkulang bilang ina kay Nathan at mayroon naman s'yang mga ama-amahan, aminado naman ako na iba pa rin talaga ang pag-aalaga ng isang tunay na tatay. I'm just glad that he would no longer have to wonder what it feels like to have a real father.
Napag-usapan na rin namin ni Ethan ang tungkol sa kalagayan ni Nathan. Gusto n'ya na sumubok pa kami uli na ipagamot ang bata. Sabi ko naman sa kanya na 'yung huling doktor na gumamot kay Nathan ay ang pangatlo ng doktor na nalapitan ko.
He insisted we should explore other options---surgeries, transplants, maybe even herbal medicine.
Gusto ko rin naman gawin ang lahat para mailigtas si Nathan. Kung puwede ko lang i-donate ang kalahati ng lifespan ko ay gagawin ko.
Pero hindi kasi nakita ni Ethan ang paghihirap ng bata noong ginagamot pa s'ya.
I had to watch through the grievous process. Hindi madaling makitang mamilipit sa sakit ang sarili kong anak. Ang mga sigaw n'ya at ang mga iyak n'ya ay sapat na para ako na mismo ang magsabi na itigil na ang lahat.
It didn't look like I was saving Nathan. Ang pakiramdam ko noon ay pinapatay ko s'ya.
Ayoko na uling masaksihan ang ganoon. Ayoko na uling marinig magmakaawa si Nathan.
When I look at my son now, I see him smile and laugh again. I see him have fun like any healthy child his age. I see him enjoy life.
I don't have the heart to take all of that away from him.
Muntik pa kaming mag-away ni Ethan dahil doon.
"So, you're just going to give up like that? Hindi ka man lang lalaban?" Nasa labas kami ng bahay. Ihahatid ko na sana si Ethan papunta sa sasakyan n'ya. Nabanggit n'yang gusto n'yang ipa-check up sa isang espesyalista si Nathan.
"It's not like that. Ang punto ko lang ay nasubukan na namin ang lahat at walang gumana. The doctors said that Nathan's case has a poor prognosis." My lips quivered with the last sentence.
"Kahit na..." Unti-unti na ring tumatamlay ang boses ni Ethan. "We should still try. Hindi puwedeng wala tayong gawin."
Naaawa ako kay Ethan. Alam kong hindi madali sa kanya ang lahat ng 'to. I had time to adjust to Nathan's condition, to accept that we have done everything already and that his life is no longer up to human hands.
Pero si Ethan, wala s'yang oras para masanay sa sakit ni Nathan. Every second with his child counts. At bilang magulang, naiintindihan ko ang kadesperaduhan n'yang makabili ng mas maraming oras na makasama ang anak n'ya.
"May ginagawa naman tayo ah." sabi ko sa kanya. "Inaalagaan natin s'ya. Minamahal natin s'ya. We're trying to give him a normal, happy life." I swallow hard. "We're making memories with him."
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
General FictionPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...