CHAPTER TWENTY-SIX: Unexpected Visit

210K 2.1K 147
                                    

Maaga akong umalis sa apartment kinabukasan. Ayokong maabutan ng sinuman sa mga kasama ko sa apartment. After what happened last night, I don't think I'm ready to face Ethan yet.

Sumasakit pa rin ang puso ko kapag naaalala ang mga salitang binitiwan ni Ethan. Ang tingin niya pala sa akin ay isang maruming babae dahil nagagawa kong makipaglandian sa kanya habang may "boyfriend" ako.

Kung noon tingin ko ay hindi ako bagay sa kanya, ngayon tingin ko ay ni wala man lang akong karapatan na tumingin sa gawi niya. I have become so low in his eyes, I might as well be in level with the ground beneath his feet.

Nag-iwan na lang ako ng note sa sala na nagsasabing umuwi na ako sa amin.

Matagal ko na namang hindi makikita si Ethan. Maybe the distance will be good for us. Siguro kailangan lang naming malayo sa isa't isa para makapag-isip kami ng maayos.

Kapag kasi nagkakalapit kami, it's either we become too hot or too cold. There is no middle ground. There is no balance. There is no right temperature. Para kaming isinumpang sirain ang isa't isa. Burn or freeze, that's how we are.

Ngunit kahit pagod na ako sa ganoon, natatagpuan ko pa rin ang sarili kong bumabalik at lumalapit sa kanya upang mapaso o malamigan lang uli. I guess love does make fools of all of us.

Tatlong araw na mula ng makauwi ako sa amin. Kahit papaano ay naiibsan ang lungkot ko sa pagkalayo kay Ethan dahil na rin sa pamilya ko. Kasama ko sa bahay ang mga magulang ko at ang isa kong pinsan. Ang mga kuya ko kasi, all five of them, ay may mga kani-kanila ng pamilya at nakatira na sa malalayong lugar. Tanging ang pinakamatanda kong kapatid ang naiwan sa lugar namin. Sa katunayan ay magkapit-bahay kami.

Pumupunta ako sa bahay nila ng asawa niya para makipaglaro sa mga anak nila.

Tatlo na ang pamangkin ko sa kuya kong iyon. May isa na eight years old, si Ethan. Oo, kapangalan siya ng lalaking dahilan ng kapighatian ko sa pag-ibig. Pero at least, si maliit na Ethan ay mahal ako. Kung sana pati rin si Ethan na malaki mahal ako. 

Ang pangalawa naman ay si Nica, five years old. Matalino ang pamangkin kong 'yun. Maldita rin. Ayaw magpayakap sa 'kin 'nun. Pero mahal ko pa rin siya.

Ang bunso naman ay si Botchocoy. Three years old na siya. Siya ang pinakapaborito ko kasi nauuto ko siya. Kahit anong sabihin ko ay pinapaniwalaan niya.

Madalas ako sa bahay nila tumatambay dahil wala naman akong kasama sa bahay namin kapag weekdays. Nasa barangay hall si Momskie buong araw at umuuwi lang kapag alas kuwatro na. Barangay captain kasi siya.

Si Dadskie naman ay driver ng traysikel. Namamasada pa rin siya sa matanda niyang edad. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang magtrabaho dahil wala na siyang pinapaaral na anak at sinusuportahan pa ng mga kuya ko sila ni Momskie. Pero ang sabi niya ay hindi pa siya handa na mapirmi sa bahay. Habang kaya niya ay mamamasada siya.

Ang pinsan ko naman ay nag-aaral sa high school at may pasok pa rin siya.

Kailangan ko kasi ng makakausap dahil baka mabaliw ako ng tuluyan kapag mag-isa lang ako. Puro si Ethan lang ang iisipin ko. And thinking about Ethan means getting hurt again. Hindi naman ako masokista para gawin iyon.

Nasa sala ako ng bahay ni kuya at nakikipaglaro kay Nica. Ginawa niyang pigtails ang buhok ko at pinapahiran niya ako ng make-up sa mukha. Biglang narinig ko ang boses ni Dadskie na tumatawag sa akin mula sa labas.

"Wait lang. Mukhang tinatawag ako ni Grandpops mo." sabi ko kay Nica. Lumabas ako agad ng bahay. Akala ko ay namamasada si Dadskie ng mga oras na iyon. Bakit kaya siya napauwi?

"Dadskie, ba't ka---" I stopped talking. Napahinto rin ako sa paglalakad.

He was there right before my eyes, standing like a god who looked so out of place in our quaint little town. He looked like he had just come out of a fashion magazine cover in his red chekered shirt and khaki pants, with his hair a little wild. Gusto ko tuloy padaanin ang mga daliri ko sa buhok niya.

Bakit ba ang guwapo niya?

Ayun na naman at nagsisimula na uling bumilis ang tibok ng puso ko.

Ethan will be my ruin.

"O, halika rito! May bisita ka." tawag ni Dadskie sa 'kin. Napilitan akong lumapit.

Hindi ako tumitingin kay Ethan pero ramdam ko ang mga mata niya sa 'kin.

"Veronica." sabi niya sa wakas. Tipid lang akong ngumiti sa direksyon niya pero 'di ko pa rin siya tinitingnan sa mata.

"Namamasada ako kanina at suwerte namang ako ang napagtanungan niya kung saan ka nakatira." paliwanag ni Dadskie.

"Ba't ka naparito?" Sa wakas ay nagawa ko rin siyang titigan.

"I was on my way to somewhere at naisipan kong bisitahin ka since madadaanan ko rin naman ang lugar niyo." Nadismaya ako ng kaunti. Akala ko sinadya niya talagang puntahan ako. Hay, kelan ba ako matututo? He won't do anything for me. Hindi naman ako importante sa kanya. I'm just an afterthought, hindi kailanman mangunguna sa isip niya.

"Papauwi ka ba sa inyo?" Buti na lang nandoon si Dadskie. Wala akong masabi kay Ethan.

"Hindi po. Pabalik po ako sa apartment. Galing po ako sa amin pero hindi ako puwedeng umuwi muna doon. May mga bisita po kasi ang kapatid ko doon ngayon."

At the mention of the apartment, I started to worry. Paano kaya pinakilala ni Ethan ang sarili niya kay Dadskie? Sinabi ba niyang kaibigan ko siya? Kaklase? Kasama sa apartment?

I hope it was not the last one. Hindi ko pa nasasabi sa mga magulang ko na lalaki ang kasama ko sa apartment. They are a little traditional. Hindi nila ako papayagan kapag nalaman nila ang totoo.

Nagsinungaling ako sa kanila. Sinabi ko na babae ang kasama ko. I know it was wrong, pero kinailangan kong gawin iyon.

"Nakakalungkot naman na magsi-sembreak ka lang sa apartment mo." Nag-isip sandali si Dadskie. "Bakit 'di ka na lang dito magbakasyon muna? Bilang pagpapasalamat na rin namin sa pagtu-tutor mo kay Nicnic."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dadskie pero hindi ako sigurado kung saan ako mas gulat: sa offer na ginawa ni Dadskie o sa kaalaman na ipinakilala ni Ethan ang kanyang sarili bilang tutor ko.

Sandali pang nag-alinlangan si Ethan.

"Baka po makaabala lang ako sa inyo." Umiling-iling si Dadskie at hinawakan si Ethan sa balikat.

"Hindi kami maaabala. Saka, para naman may kasama at may makausap na kaedad niya si Nicnic. Puro mga bata na lang ang nakakasama niyan. Tingnan mo nga, o. Mukhang clown na ang mukha niya." Saka ko naalala ang ayos ko ng mga oras na iyon. Agad akong napatakbo sa bahay at pumasok sa CR.

Nakita ko ang hitsura ko sa salamin. Ang puti ng mukha ko, parang nabangga ng harina. Hindi rin pantay ang kilay ko. Violet ang eyeshadow ng isang mata ko at orange naman ang isa. May pulang bilog sa magkabilang pisngi ko. Mukha akong nabugbog.

Mas mababa ang isang pigtail. Parang rainbow ang buhok ko sa mga iba't ibang kulay ng hair clip na nakakapit doon.

Shit, ganito ang hitsura ko the whole time?

Narinig kong may kumatok sa pinto ng CR.

"Titabells, sabi ni Grandpops uwi ka raw sa bahay niyo agad. Kailangan mo pa raw ihanda ang kuwarto ni Kuya Pogi." sabi ni Nica.

Walang ingay na napasigaw ako sa frustration.

Ang tahimik lang sana na sembreak ko, ngayon ay isa ng disaster!

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon