CHAPTER THIRTY-TWO: Shadows That Haunt

150K 1.7K 64
                                    

"Hey, Veronica. You okay?"

Agad naman akong natauhan sa nag-aalalang mukha ni Caleb na nakatingin sa akin. We were in a cafe. Hindi ko na naman namalayan na nasa malayo na pala ang isip ko. Lately, it has been like that.

Isang linggo na mula ng mangyari ang confrontation na iyon sa pagitan namin ni Ethan. I never saw him since.

Hindi rin kami nakapag-usap uli. Well, I texted him para ipaalam sa kanya na kukunin ko na ang mga gamit ko sa apartment. He only replied with "okay". Iyon lang ang last conversation namin.

Nang kinuha ko naman ang mga gamit ko three days ago, wala naman siya sa apartment, which was good for me. Hindi ko pa yata siya kayang makaharap.

It was Caleb who helped me find a new place. Tinulungan rin niya ako sa paglilipat.

Hindi ko pa nakukuwento sa kanya ang buong pangyayari, ang totoong dahilan kung bakit lumipat ako ng matitirhan. Hindi naman siya nag-usisa, na siyang ipinagpapasalamat ko.

"Yeah." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Mukhang 'di naman siya kumbinsido pero nanahimik lang din siya.

"By the way, this Saturday ang birthday ng lolo ko. I want you to come with me. That is of course, if free ka." sabi niya. Tumango ako.

"Yeah, I can come." Ngumiti siya ng malaki.

"Great! Excited akong ipakilala ka sa pamilya ko."

I just smiled at him.

I was still his pretend girlfriend. Plano ko na sanang sabihin sa kanya na ayoko ng ipagpatuloy ang pagpapanggap. I just couldn't find myself to continue the ruse anymore. Parang mula ng umalis si Ethan, wala na akong gana sa anumang bagay.

Pero hindi ko makuhang sabihin kay Caleb na tigilan na namin 'to. He has been a great help to me, not to mention, a great friend. Siguro makakaya ko pa namang maipagpatuloy 'to for some more time. Ayoko namang iwan siya ngayon na higit na kailangan niya ng tulong ko.

Siguro kapag medyo ayos na ang lahat, saka ko na tatapusin 'tong pagpapanggap namin.

Itinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa pagkain.






Pinili kong magsuot ng simpleng black dress na pinaresan ko ng silver high heels. I just let my hair down. Naglagay rin lang ako ng light makeup.

Dadalo kami ni Caleb sa birthday ng lolo niya. It was a semi-formal event.

Sinundo niya ako sa boarding house around six thirty. Pagkababa ko ng hagdan ay napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.

His did not try to hide the admiration on his face.

"God, I don't deserve you." sabi niya ng makalapit sa akin. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin kaya ngumiti na lang ako.

Caleb was perfect. Guwapo siya, mabait, mula sa magandang pamilya. Any girl would want him as a boyfriend. Siya ang tipo ng lalaki na hindi ka mag-aalangang ipakilala sa pamilya mo.

But...

Pinilit kong alisin sa isip ko ang mukha ni Ethan. Now is not the time to be thinking about him. In fact, hindi ko na siya dapat iniisip pa.

"Every man in that party would envy me when they will see you." dagdag pa ni Caleb.

"Sus, tama na 'yang bola mo. Let's go! Para 'di tayo ma-late. Ayokong mag-grand entrance." sabi ko na lang. I should be flattered, but I'm not.

Ang sabihin mo, kung si Ethan pa ang nagsabi 'nun, siguradong gugulong ka na sa kilig.

Pinatahimik ko ang boses na 'yun sa isip ko. Ayokong ma-bad trip.

"Hindi ako marunong mambola." Caleb offered his arm to me. Tinanggap ko naman iyon.

I knew that. Hindi siya ang tipo na nambobola. Everything he says always comes from the heart. At iyon ang ikinaaasiwa ko.

Hindi ko lang talaga matagpuan sa sarili ko na tanggapin ang mga 'yun.

If it was E---

No, I won't go there.

"Let's go na?" tanong ko na lang kay Caleb. Sana hindi na siya humirit pa. Maisip ko lang kung ilang beses kaya akong mag-tsi change topic ay parang ayaw ko na tuloy sumama sa party.







May kutob na akong mayaman ang pamilya ni Caleb, pero hindi ko pa rin inasahan na ganoon kalaki ang bahay nila. Hindi yata bahay ang tawag doon kundi mansiyon.

Nalaman kong nagmamay-ari pala ng malaking kompanya ang pamilya niya. They were in the construction business.

Siya lang ang nag-iisang anak at nag-iisang apo ng pamilya niya.

Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na ang lalaking kasama ko ang magmamana ng nakakalulang kayamanan na nakikita ko sa ngayon.

Muntik na nga akong umatras ng nasa gate na kami. Ayokong ma-out of place sa party. Noon ko lang naisip na bukod kay Caleb, wala na akong ibang kakilala pa roon.

Pero pinakalma naman niya ako at in-assure na wala akong dapat ipagkaba.

Kaya hayun at nakilala ko nga ang pamilya niya. Okay naman sila. Hindi naman sila tulad 'nung napapanood ko sa mga teleserye na mga mayayaman na titingnan ka mula ulo hanggang paa at sasabuyan ng wine, sabay sabing "hampaslupa".

Kaso natakot ako sa lolo ni Caleb. Naalala ko kasi na siya 'yung nagpipilit na ipakasal si Caleb sa isang babae. But he just looked at me and curtly nodded when I greeted him.

Mas mabuti na rin siguro 'yun kesa sa wala.

Naiwan ako sa mesa kasama ang ibang mga bisita. Kinuha kasi siya ng papa niya para ipakilala sa kung sino. Nakikinig lang ako sa usapan. Hindi rin naman kasi ako makasali dahil wala rin akong alam sa pinag-uusapan nila. They were talking about business.

Uminom ako uli mula sa kopita ng alak.

That was when I saw him.

Hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Katie na nakakapit sa braso niya.

They were greeted by Caleb's mother.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Parang lumiit ang daanan ng hangin sa lalamunan ko.

He looked every bit the heartbreaker that he was. Ganoon siguro talaga ang mga tulad niya, lalong gumaguwapo pagkatapos makasakit ng ibang tao.

I never saw him in a dark tuxedo, until now. And I wish na hindi ko nalang sana siya nakitang nakaganoon. Mas mahirap na yatang mag-move on ngayon.

The clothes only accentuated his lean, muscular body. Ang tikas at tindig niya ay binagayan rin ang suot niya. He didn't have dark circles under his eyes from being unable to sleep, 'di tulad ko. Sa katunayan, parang kagagaling lang niya sa isang relaxing na bakasyon.

Samantalang ako...

Napatayo ako at nagmamadaling umalis roon.

I can't let him see me right now, not when I'm a mess.

Nakita ko ang CR at nagkulong ako roon.

Pinakalma ko ang sarili ko.

Buti nalang at wala namang kumakatok para gumamit din ng CR.

A few minutes later, naisip kong baka hinahanap na rin ako ni Caleb. Sasabihin ko na lang din sa kanya na mauuna na akong umuwi.

I can't stay anymore.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng makitang nakatayo sa labas ang lalaking iniiwasan ko.

"Veronica."

Napalunok ako.

"E-Ethan."

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon