#TGCOhNo
Amber's PoV
"Ate, anong ginagawa mo dito?"
Muntik na akong mapamura ng pumasok at magsalita si Amanda.
Tinignan ko siya "uso kumatok sa pinto, Amanda"
"sorry Ate. Akala ko kasi walang tao eh"
Inirapan ko na lang siya at i-sshut down ko na sana ang laptop ni Dad ng magsalita siya.
"Ate, huwag mo muna i-shut down gagamit pa ako"
"sige" sabi ko at tumayo na saka lumabas na ng library.
Pumunta na ako sa kwarto para matulog muna dahil masyado akong na-stress sa mga articles na nalaman ko tungkol sa Phoenix na yun.
**
Anthony's PoV
"dude, ano bang problema mo?" I asked.
Tinawagan kasi niya ako dahil wala daw siyang makausap tungkol sa nangyari sa kanila kaninang hapon.
"it's about Althea"
"o, kumusta naman?"
"I lost her"
"na naman?! Akala ko ba no one should break the rule?!"
Tinignan niya ako "I know. I'm the one who push her away"
"ba't mo naman kasi pinakawalan pa?"
"coz she said she love me"
Napanganga ako sa sinabi niya. Wala pa kasing nakakapagsabi ng I love you sa kanya pagkatapos ng isang milagro sa bawat babaeng nakakasama niya sa kama. Puro lang I had fun last night mga ganoon lang. Tanging si Althea pa lang ang babaeng nakakapagsabi ng ganoon. Ewan ko nga ba diyan sa lalakeng yan. Ano namang masama kung may magsabi sa kanya ng ganoon? Big deal ba? Tsk. Para sakin hindi. Weirdo rin kasi 'to eh. Sana nga maulit muli ang nangyari sa kanya para magka-love life na 'tong leader namin at hindi na maging pusong bato.
"pero mahal mo rin?" tanong ko.
Napatayo siya "what?! No! Never!" he said at pumunta sa fridge para kumuha ng tubig.
"why you're acting like that?"
Napailing siya "nothing. It's just that I hate that 3 words when a girl said it"
Natawa ako "dude, okay lang yan. Malay mo na-in love nga sayo kaya nasabi niya yun"
"just move on" sabi niya at kinuha ang laptop niya para maglaro ng NBA.
Natawa na lang sa inasal niya. Ang weird ni Phoenix.
"oy, sali ako" sabi ko at binigyan ako ng joystick.
**
Amber's PoV
Nagising ako sa kanta ni Hailee na nagmumula sa phone ko. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag.
"hello?"
[Amber, don't forget you're contract, kailangan mapaibig mo na siya]
Napamulat ako at napabangon "Althea, hindi naman ganoon kabilis ma-in love ang isang lalake lalo na kung puro sex ang laman ng utak!" protesta ko.
I heard her laughed [I know, I'm just testing you, but okay. I'll give you 4 months to make him fall for you]
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya "buti naman"
[basta huwag mo kong paaasahin]
I rolled my eyes "of course. Ako pa? You know me Althea. I'm the most bitchy gangster you'll ever know"
[that's good. Well, goodluck Amber]
I smirked "yeah, goodluck to me. Ako pa ba?"
She laughed [bye] she said and hang up.
I will search him in every corner of the HMC university. Kahit nasan pa yang damuhong yan hahanapin ko yan para mapaibig ko siya.
"ate, kakain na raw!" sigaw ni Amanda sa labas ng pinto ng kwarto.
"okay!" sigaw ko rin at nag-ayos na ng sarili saka lumabas na ng kwarto.
Pagkababa ko nakita ko sila Mommy na magsisimula ng kumain.
"mga anak, uuwi ang Daddy niyo sa 24 kaya bukas after ng school niyo bibili kayo ng mga bagong damit at regalo. Okay?"
Natigilan ako ng sabihin ni Mommy na uuwi si Dad. "seryoso Mom? Hindi sa 23?" baka kasi mahalata nila na ayokong umuwi si Dad.
"yes, last ticket na kasi yung napa-book niya eh"
Napasimagot ako "sayang naman"
"wushuu, excited ka lang ate na umuwi" sabi ni Amanda.
"oo nga, regalo kasi ang habol" dagdag pa ni Tony.
"heh! Kumain na lang kayo" pagtataray ko at kumuha na ng kanin.
--
"Mom, mamayang umaga po magsisimbang gabi kami nina Amara" pagpapaalam ko kay Mom.
"sure anak, tapos diretso na kayo sa school, okay? Dun na kayo kumain" sabi ni Mom at may kinuha sa bag niya.
"okay Mom"
"here" binigyan ako ng 2,000 pesos na baon.
"thank you Mom" I said then niyakap siya.
"always welcome, my dear"
Ngumiti ako "sige Mom, matutulog na ako"
"good night anak" she said then kissed my cheek.
"good night din Mom" at hinalikan ko rin siya sa pisngi.
"ang sweet talaga ng baby ko. Hay, kelan ka kaya magkaka-boyfriend? For sure mas sweet ka pa sa kanya" sabay daydream ni Mom.
Napatawa naman ako "si Mommy talaga. Baka po next month meron na" natatawang sabi ko.
Natawa din siya "sige anak. Hihintayin ko yan"
Natawa na lang ako at umakyat na papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko sumalampak ako sa kama at hinigit ang unan ko.
"hala! Uuwi na si Dad sa 24, parang kinakabahan ako" Tumingin ako sa kisame at napabuntong hininga.
"hindi. Huwag kang kabahan Amber, si Dad lang yan. Kabahan ka kapag nahanap mo na yang Phoenix na yan" sabi ko sa sarili ko.
Bakit ba kasi hindi ko man lang nakikita yang Phoenix na yan? Night shift ba siya? Eh sa pagkakaalam ko wala namang night shift ang HMC eh. Siguro magaling lang talagang magtago yang kutong lupa na yan.
Kapag nakita ko talaga malilintikan yan sakin. Baka ako pa talaga ang unang ma-fall sa kanya. Nako, huwag naman sana.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Action"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)