Chapter 27

454 17 0
                                    

#TGCWelcomeHomeDad

Amber's PoV

"pauwi na ang Dad niyo, malapit na raw siya dito" sabi ni Mommy.

Oo, tama kayo ng basa. Pauwi na nga si Dad at habang papalapit na ang kanyang pagdating yung puso ko sobrang lakas ng tibok. Tsk! Dinaig pa ang kabog sa tuwing nakikita ko siya.

"yes!" Amanda.

Si Anthony naman wala dito sa bahay, ewan ko dun kung saan naman pumunta.

"nasan si Anthony?" tanong ko.

"pinabili ko ng cake, bakit anak may ipapabili ka?" tanong ni Mom.

"wala naman po"

Nangalumbaba na lang ako. Tumabi sakin si Amanda. "uy Ate, may problema ba?" tanong niya.

"wala naman"

"hmm... let me guess, si Phoenix?"

Napatingin naman ako sa kanya "paano napasok si Phoenix sa usapan?"

Nagpeke siya ng tawa "e di ba siya lang naman yung lalake sa buhay mo?" at nginitian niya ako ng mapang-asar.

"ha? Pinagsasabi mo?"

Nag-make face siya "huwag ka nga Ate! Alam ko kung paano ka kiligin, kaya tell me.." lumapit siya sakin "kayo na ba?"

Napaatras naman ako "paano kung sabihin kong hindi?" Maniniwala ka?"

Tinitigan niya ako. "I can see through your eyes that you're lying!"

Nakipagtitigan naman ako "no. I'm not"

"yes, you are and I can see your lips are moving"

I rolled my eyes "malamang! Kasi nagsasalita ako!" sabay palo sa braso niya.

Nag-make face naman siya "Ate, just say the truth, besides I won't tell Mom about your relationship with Kuya Phoenix"

"talaga?"

Ngumiti siya at nagkunwaring zinipper ang bibig at nanumpa.

"Okay... yes we're officially together. Happy now?"

Nakita ko ang mukha niya, hindi ko mawari kung nabigla siya, masaya o kinilig?

"really? Oh my gosh!" di makapaniwalang salita niya.

Ngumiti ako saka tumango.

Napatakip siya ng bibig at niyakap ako "oh my gosh Ate! Congrats!" kumalas na siya sa yakap at nakita kong naiiyak siya.

"ba't ka umiiyak?" natatawang sabi ko sabay pinunasan ng kamay ko ang mga luha niya.

Natawa rin siya sabay kuha ng tissue sa table para punasan ang luha niya "kasi... finally, you found your man that will love you until you grow old" naiiyak na sambit niya.

Buti na lang may inasikaso si Mom kundi nako baka narinig niya ang usapan namin pati ang pag-iyak nitong si Amanda.

Natawa naman ako "para kang baliw!" sabi ko.

"ganyan talaga Ate" nagpakawala siya ng hininga "huwag ka munang magpakasal Ate ha? Ako muna baby mo"

Tinapunan ko siya ng tissue "sira ka talaga!" natatawang sabi ko "ang bata pa namin noh! Tsaka wala pa kaming isang buwan.. Huwag kang atat!"

Napataas kilay siya "talaga? Eh, weeksary na-celebrate na ninyo?"

Napataas din ako ng kilay "weeksary? Sine-celebrate pa ba yun?"

"oo naman Ate, lalo na kung yung guy sobrang in love sayo. Kahit nga daysary sine-celebrate pa ng iba"

"hmp? Talaga?"

"yup!"

"eh, hindi kaya magsawa na sila niyan?"

"hindi, tsaka Ate kapag sobrang in love si guy dun sa girl... everyday is special when he's with her" ang daming alam nito. Dinaig pa ang may jowa.

Napakunot noo ako "san mo nakuha ang mga ganyan? Parang ang dating sakin ikaw pa 'tong nagkaroon ng love life?"

Natawa siya "sa wattpad lang naman Ate"

"ah, kaya naman pala" sabi ko na lang.

"I'm so happy for you talaga Ate, o siya, labas lang ako" paalam niya. Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Tatayo na sana ako ng mag-ring ang phone sa bulsa ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sino.

Phoenix... Calling

[Hi Love] Sabi niya. So, love na ang tawagan namin?

"yes, Phoenix?" sabi ko at naglakad papuntang garden.

[why you calling me Phoenix? Call me Love as I call you too] ang arte niya.

Napairap ako "Okay... Love" There I said it.

[It's perfect... Love, I miss you so much] Ganyan ba siya kung maka-miss?

Ano nga bang isasagot ko? Di ba kayo na nga? Ba't ka pa mag-iisip ng sagot kung alam mo naman ang dapat isagot sa sinabi niya?

"I miss you too"

[can I go to your house?]

"ha? Ano kasi... pauwi na kasi si Dad galing abroad"

[oh, but can I come?] makulit talaga 'to minsan.

"ahm.. hi--" naputol ang sasabihin ko ng sumigaw na sila na nandito na si Dad. "o sige Love, mamaya na lang nakarating na si Dad" paalam ko.

[okay, Bye. I love you]

"I love you too" sabi ko at pinutol ko na ang tawag.

Tinago ko na ang phone sa bulsa ko at pumasok sa loob ng bahay. Pagkarating ko sa sala ito lang ang nasabi ko "welcome home, Dad!" sabay gesture ko pa ng welcome.

Oh no. Dad is here...

The Gangster's Contract (R16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon