#TGCCan'tExplain
Amber's PoV
"Ate, why you're not here yesterday?'' Nagtanong na si Amanda. Baka mag-isip na siya kung saan ako nagpupupunta.
"ahm, may pinuntahan kasi kami nila Alexa kaya wala ako dito" Hay! Nakapalusot din. Muntik na ako dun ah.
"ah, saan kayo pumunta?"
Napaisip na naman ako. Nakakainis talaga 'tong magtanong. "sa bahay nila Amara"
Napatango siya ng dalawang beses "so, Ate may boyfriend ka na?"
Napataas kilay naman ako "ba't mo naman yan natanong?"
"kasi ang ganda mo. Malay ko bang may boyfriend ka na? Uyy" sabay kiliti niya sakin. "sabihin mo na ate. Hindi ko naman sasabihin kay Mom eh"
Psh. Kung alam niya lang si Mommy pa ang nagpu-push sakin na magka-boyfriend na.
Napabuntong hininga ako "hindi ko alam kung ano kami" yun lang ang nasabi ko.
Totoo naman eh, I don't know what is the real score between us. Pero sa totoo lang, okay lang sakin kung ganito lang kami... yung siya lang parati ang nagsasabing I love you at tinatrato niya akong parang girlfriend niya, pero sa kabilang banda magiging unfair ako sa part niya kasi siya lang yung sabihin na nating 'nagmamahal' saming dalawa kaya kung dumating man yung oras na maging kami ibabalik ko rin ang mga ginawa niya sakin para patas na kami, di ba?
Ang sakit ng unrequited love kasi parang wala lang kayo kung si boy lang ang nagmamahal at nagpapatatag ng pagsasama niyo. Ang unfair nun.
Pero para sa part ko, okay lang talaga and to be honest.. masaya na akong parati kong nakikita at nakakasama ang isang Phoenix Marquez.
Nakita kong napakunot noo siya ''what?! Seriously? Pero nag-ddate kayo?"
Napaisip na naman ako "well, I'll consider the hang outs as dates"
Mas lalo pa siyang naguluhan "ano? Anong klaseng lalake yan,Ate? Pero, did he just say I love you?"
Napangiti ako ng konti "oo, madalas"
I saw her eyes widened "OMG!? Talaga ate?!" nagpipigil siya ng kilig.
"yep"
"waaaa!" at ayan na napatili na siya sa kilig.
Namiss ko 'tong bond namin at I'm really thankful na bumabalik na kami sa dati.
"tsk! Magtigil ka nga!" natatawang sabi ko.
"kasi naman ate. Nakakakilig ang kwento mo. Kelan mo siya ipapakilala samin?"
Hindi naman halatang excited siya noh?
I formed a smile "soon"
"naks! Sige Ate. Hihintayin ko yan"
Natawa na lang ako. Hay nako, kung alam lang nila mas madami pa ang mga flings ko kesa sa boyfriend.
--
"o, ba't bihis na bihis ang dalaga?" Si Mom. Pagkababa ko kasi ng hagdan nakita niya ako.
Hm, ano kayang pwedeng ipalusot?
"ahm, may event lang po kasi akong pupuntahan"
"talaga? Wow. Anong event ba yan anak?"
Napaisip na naman ako "ahm, sa clothing line Mom, I'm one of the guest"
"wow. O sige, mag-iingat ka ha? Text ko na lang si Anthony para sunduin ka"
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Azione"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)