Chapter 30

88 1 0
                                    

#TGCPhoenixXDeLaVega

Amber's PoV

Dumating na rin ang iba pa naming pinsan na kaedaran namin ni Anthony at as usual nagpagandahan na naman kami ng damit. Buti na lang nagpalit ako, dahil pupunta si Phoenix. Syempre kailangan ko ring magpaganda para mas lalo pa siyang mainlove sakin.

Mahirap ng maagaw siya ng iba lalong lalo na ni Althea.

Nang matapos na akong mag-ayos may kumatok sa pinto ko. Pinagbuksan ko naman at nakita ko si Amanda na ngiting ngiti.

"Anong ngiti yan?"

"Ngiting nasa labas ng gate yung boyfriend mo"

"Ha? Ba't di mo pinapasok?" Sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdan para pagbuksan siya ng gate.

"Gusto ko kasi ate ikaw ang magbukas ng gate para sa kanya" Habol nito sakin.

"Hay nako, Amanda. O sige na pumunta ka na sa garden. Maya maya papakilala ko na siya" Sabi ko ng makalabas na ako ng bahay.

Nakita ko ang kotse ni Phoenix at siya na nagkakalikot sa phone niya. Siguro tatawagan ako.

"Phoenix!" Sabi ko at napatingin naman siya sakin na may ngiti sa labi.

"Hi Love" Bati naman niya at pinagbuksan siya ng gate.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit na para bang ang tagal naming hindi nagkita.

"I really really missed you, Amber" Sabi niya habang nakayakap pa rin sakin.

Sobra niya talaga akong namiss. Bakit kaya?

"Hmmp, sobra ka naman makamiss love" Natatawang sabi ko.

"Because I love you that much, kaya sobrang miss na miss kita" Sabi nito ng bumitaw na sa yakap.

"Hmp. Ikaw talaga" Sabi ko at lumalapit siya sakin para halikan ako ng matagal. Siguro mga 12 seconds.

"I love you, Amber" He said after the kiss.

"I love you too, Phoenix" I said at hinawakan ko na ang kamay niya.

"Halika, ipapakilala kita sa pamilya ko at sa relatives namin" At pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Sige. I really want to meet them" Excited nga siya.

Nang makarating na kami sa garden ay nagsitilian ang mga pinsan at pamangkin ko na babae pati na rin si Amanda.

"OMG! Siya na ba si Kuya Phoenix, Ate Amber?" Sabi ni Amanda.

"Boyfriend mo ate?" Sabi naman ng mga pamangkin ko.

Yung mga Tita at Tito ko naman ay nagulat sa nakitang kasama ko. Sina Mom napangiti, si Dad seryoso, at si Tony parang mangangain ng buhay ng makita si Phoenix. Di kaya magkakilala sila?

Pumunta kami sa gitna ng garden. "Ahm, family. Meet Phoenix Marquez, my boyfriend" Pagpapakilala ko sa kanya sa pamilya ko.

"Nice to meet you, Phoenix" Sabi ni Mom at nakipagbeso siya kay Phoenix.

"Thank you po, nice to meet you rin po" Sagot naman ni Phoenix kay Mom.

"So, ikaw pala ang boyfriend ng anak ko?" Sabi ni Dad at tinignan si Phoenix mula ulo hanggang paa.

"Opo sir"

Tinignan ko si Dad na parang nag-aalangan na makipagkamayan kay Phoenix.

Tumango-tango si Dad "nice to meet you, Phoenix" Sabay lahad ni Dad ng kamay nito kay Phoenix.

Nakipagkamayan naman si Phoenix kay Dad "nice to meet you rin po"

"Alagaan mo anak ko at huwag mong paiiyakin" Sabi pa ni Dad.

"I will take care of her, sir and I won't make her cry" Sabi naman ni Phoenix.

Pinaiyak mo na kaya ako.

Binati rin siya ng mga tito at tita ko lalo na ng mga pinsan kong babae at lalake pati rin mga pamangkin ko.

Nagsimula na kaming kumain after ng pagpapakilala ko kay Phoenix sa pamilya ko.

"Ang saya ng salubong niyo sa pasko. Sana ganito rin samin" Sabi nito at nalungkot agad.

"Magiging masaya rin sainyo katulad ng samin" Sabay ngiti ko.

Napangiti rin siya "thank God you're here with me to spend this Christmas" Sabi niya.

"Thank you rin kasi mas lalo pang naging masaya ang pasko ko ng dahil nandito ka"

Hinalikan niya ako sa labi ng mabilisan "thank you for being my girlfriend Amber, I promise I will be a good boyfriend to you"

Pinisil ko ang ilong niya "hindi mo kailangang magbago ng dahil lang sakin, dahil mahal kita kahit playboy ka pa" Taray ng pagkakasabi ko. In love ka na ba Amber?

Maya maya lang ay nag-countdown na kami at ng sumapit na ang 12 am ay nagbatian kami ng Merry Christmas.

"Merry Christmas" Sabay namin ni Phoenix.

Niyakap niya ako "I love you, Amber" He said between our hugs.

Napangiti ako "I love you too, Phoenix" Totoo na ba yan, Amber?

Pagkatapos ng batian namin ay dumiretso na kami ng sala para magpalitan na ng regalo, yun nga lang si Phoenix lang yung walang regalo sakin pero may regalo ako para sa kanya.

"Sorry, I don't have a gift for you this christmas" Malungkot na sambit niya.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya "ano ka ba? Sapat na sakin ang nandito ka kasama namin para salubungin ang Pasko. This the best gift that you gave for me"

Niyakap niya ako at hinalikan ang ulo ko "I'm so lucky to have you in my life, Amber. I can't imagine my life without you"

Nang sabihin niya yun may kumurot sa bandang kaliwa ng dibdib ko. Para yatang nakokonsyensya na ako sa ginagawa ko kay Phoenix. Kasi kahit sinabi niyang kaibigan lang ako sa harapan nina Alexa at ng Mom niya hindi ko mapagkakaila na totoo ang pagmamahal niya sakin. Lalo na ngayon ramdam kong totoo ang nararamdaman niya sakin.

Kaya ko kayang suklian ang pagmamahal niya?

Bakit hindi na lang totohanin ang lahat?

Kapag tinotohanan ko na 'to may magsasakripisyo. May mamamatay at yun ang pinakamasakit na parte sa buhay ko na mag-alay ng buhay nila ng dahil lang sa letseng contract na yun. Kapag nalaman 'to ni Phoenix paniguradong kamumuhian niya ako, masasaktan niya ako ng dahil sa ginawa ko sa kanya.

Kung pwede lang totohanin ko na ang nangyayari saming dalawa ni Phoenix mas mabuti pero may kapalit kapag nalaman ni Althea na mahal ko na si Phoenix, mamamatay siya at yun ang ayokong mangyari. Lalung-lalo na kapatid niya si Alexa, isa pa siya sa magagalit sakin. Pinagkatiwalaan ako ni Alexa ayoko namang sirain yun lalo na ang pagkakaibigan namin.

Kung bakit ba kasi hindi ko muna inisip kung anong mangyayari kapag tinanggap ko ang kontrata na yun, di sana wala akong pinoproblema ngayon yun lang kay Dad ang dapat na pinoproblema ko.

Hay nako, Amber. Ano ba 'tong pinasok mo?

The Gangster's Contract (R16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon