#TGCSearchingPhoenix
Amber's PoV
Nagising ako ng 3:00 am dahil start na ng simbang gabi mamayang 4, naligo na rin ako kahit sobrang lamig. Bahala na kung magkasakit. Iinom na lang ako ng vitamins para iwas sakit.
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng damit. Blouse at pants lang ang suot ko pero may dala akong dress at stilleto para pagpasok namin sa campus after ng simbang gabi.
"Mom, I'll go ahead" paalam ko sa kanya. Pagkababa ko.
''sige anak. Ingat" sabi ni Mom at hinalikan ko siya sa cheek.
"bye, pakisabi na lang po sa kanila"
"sige"
Pagkalabas ko ng bahay nilakad ko na lang papunta sa labasan ng subdivision at doon naghintay ng masasakyan.
Nang makakita ako ng taxi pinara ko yun at sinabi ang simbahang pupuntahan ko.
One new message received.
Nang silipin ko ang phone may isang nag-text.
From: Amara
We're on our way to church, Amber. See you there :*
To: Amara
Me too. See you girls :*
Nang makarating na ang taxing sinasakyan ko sa simbahan ay nagbayad na ako at lumabas na ng taxi.
Nagpalinga-linga ako kung nandito na ba sa labas ng simbahan ang tatlong kasama ko. Pero wala pa.
To: Amara
I'm already here.
From: Amara
We're almost there.
At maya maya lang ay nakita ko na sila. "Hi girls!" bati ko sa kanila.
"Hi Amber" at nagbesohan kami.
"let's go" sabi ko at pumasok na kami sa loob ng simbahan.
After 1 hour..
Nanalangin ako kanina na sana hindi ko masabi sa kanila ang plano namin ni Althea dahil kapag nadulas 'tong bibig ko baka magalit sila ng sobra kapag nalaman nila na nakipagkasundo ako kay Althea pero kapag napaibig ko talaga yang Phoenix mas sasaya siguro sila dahil slave na namin ang tigress.
"girls, uwi muna ako. Inaantok pa ako eh" sabi ni Alexa.
"okay, see you na lang mamaya" sabi namin.
Ngumiti na lang siya at sumakay na sa kotse niya.
"punta na tayo sa campus" alok ni Amara.
"tara! Magpapalit pa ako" sabi ko.
"ako din" sabay nila ni Alyssa.
Sumakay na kami sa kotse ni Amara papuntang HMC University.
"girls, have you met the leader of wolves?" tanong ni Amara.
Napakagat labi ako. Ayokong magsalita baka kung saan pa umabot ang usapan at baka madulas 'tong dila ko.
"not yet. Why d'you ask?" si Alyssa sumagot.
"nothing. Nakaka-curious kasi ang itsura nila. I really want to see them"
"nako, huwag mo ng balakin pang makita ang wolves baka ang papanget nila" except lang kay Phoenix.
"grabe ka naman Amber, malay natin sila pala yung nakatadhana satin. Yieee" at kinilig si Amara.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Action"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)