#TGCExchangeGift
Amber's PoV
"exchange gifts time!" sigaw ni Amara.
Naexcite naman ang mga kaklase namin.
"sino mauuna?" tanong naman ni Alexa.
"ang PhoeBer muna!" sigaw ng ibang kaklase namin.
"oo nga!" pagsasang-ayon rin nila.
"sina Phoenix at Amber muna" sabi ni Alyssa.
Tumayo na kami ni Phoenix at kinuha ang regalo namin. "my gift is for Alyssa" sabi ko.
Nagbunutan na kami kanina at ang nabunot ko ay si Alyssa. I wonder who is my monito or monita?
"aww, thank you Amber" she said and hugged me.
Naupo muna ako habang si Phoenix ay nandun pa rin. Akala ko nga sabay kami magbibigayan ng regalo.
"my gift is for Amara" masiglang sabi ni Alyssa.
Tumayo naman si Amara at may sinabi siya sabay kuha ng gift at niyakap si Alyssa.
Umupo naman si Alyssa at si Amara naman ang kumuha ng regalo niya "itong regalo ko ay para kay... Alexa!"
Napatayo si Alexa "oh my gosh! Sabi ko na e!" sabi niya at kinuha kay Amara ang gift niya saka niyakap at hinalikan sa cheek si Amara.
"thanks for this again, Amara!" sabi niya at kinuha ang regalo niya.
"itong regalong hawak ko ay para kay..." napasimangot siya. Tumingin siya kay Phoenix at binigay sa kanya "Phoenix" sabi nito at bumalik na sa inuupuan niya.
Natawa naman kami sa inasal ni Alexa. Mukha namang nagulat si Phoenix sa pagbigay ni Alexa ng kanyang regalo "serious? Is this mine?" di makapaniwalang sabi ni Phoenix.
Tumingin naman kami kay Alexa "malamang!" sabi niya.
Napangiti si Phoenix at sinabing "thanks Alexa" sabi niya at kinuha ang regalo niya.
Napa-wow kami dahil mas malaki pa sa kanya ang bitbit niyang regalo "masyado bang malaki ang regalo ko?" sabi niya.
Sumagot naman kami ng "hindi naman" in a sarcastic way.
Napatawa siya "this gift is for the one who makes my heart beat fast and each in everyday I love her" sabay tingin niya sakin.
Sinisiko na ako nila Amara, Alexa at Alyssa at sinasabi pang "ayiee! Ikaw yun!"
Hindi ko naman inakalang ako ang nabunot niya dito sa pagpalitan ng regalo.
"may I?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya.
Ngumiti na lang ako at pumunta na kami sa harapan. "this gift is for you, Amber" sabi niya.
Napangiti naman ako at niyakap siya "thank you" sabi ko, gumanti rin siya ng yakap at ramdam kong nakangiti din siya.
"woo! Kayo na!"
"PhoeBer! PhoeBer!"
"whiwit! Kiss!"
Natawa naman kami sa mga sinasabi nila. Mga kaklase talaga namin o!
Kinarga na lang ni Phoenix ang regalo papunta sa upuan namin.
"uy, buksan mo na yan" sabi ni Amara.
"mamaya na Amara, bakit sayo ba yan?" sabi ni Alexa.
"sorry naman na-ccurious lang ako kung anong nasa loob niyan" sabi pa niya.
Kinapa naman ni Alyssa ''uy, malambot at medyo fury..ah! teddybear yan sigurado ako"
Napa-weh naman kami sa sinabi niya "mamaya ko na lang yan buksan pagdating sa bahay" sabi ko.
Napatango na lang sila sa sinabi ko. Maya maya lang ay kumain na kami ng pinaorder namin sa greenwich.
"ahm... Amber" Phoenix
Tumingin naman ako sa kanya "hmm"
"after this, I'll have something for you"
"meron pa?"
Ngumiti siya "yup"
Ngumiti na lang din ako. Akala ko ito na yung regalo niya sakin kaya pala kanina nagmadali siyang umalis ng matapos kming magbunutan at yun pala ako yung nabunot niya. Kaya naman pala malaki pa sa kanya ang regalong dala niya.
--
Nandito kami ngayon sa ground floor ng entrepreneurship building. Medyo gabi na rin kaya hindi ko na makita ang mga mukha ng dumadaang kapwa naming estudyante.
"so..." pagbabasag ng katahimikan sa aming dalawa.
Tumingin siya sakin habang magkahawak pa rin ang aming kamay "you know Amber... I can't start a conversation with you" hmm... bakit naman kaya?
"bakit naman?"
"nahihiya kasi ako eh" pfft! Ano daw?
"ha? Seryoso?" natatawa ako sa pinagsasabi ni Phoenix ngayon.
"it's true.. but I'm trying to get rid of this" tumingin siya sakin "I have something for you" sabi niya at may nilabas sa bulsa niya.
Nagulat ako ng ilabas niya ang parisukat na hindi naman gaanong kalakihan Binuksan niya yun "I saw this awhile ago in the department store after I bought the gift that I've given for you and I find it beautiful when you wear this"
Nagulat ako kasi ito yung necklace na hinawakan ko nung isang araw lang. Wow. Akalain mo nga naman mabibili niya at mareregalo pa niya sakin? Ganyan ba siya kayaman at ka-in love sakin?
Pumunta siya sa likuran ko para isuot sa leeg ko. Tinignan at hinawakan ko ang 'always' "Wow, hindi ko inakalang mabibili mo 'to kasi iisa na lang 'to ng huli kong makita" sabi ko.
Naglakad siya papunta sa harapan ko "isa lang ang ibig sabihin niyan..."
"na?"
"that necklace is meant for you" at lumapit siya sakin sabay halik sa noo ko.
"and we're meant for each other" dagdag pa niya.
Napayakap na lang ako sa kanya at napaisip.
Talagang nahuhulog na siya sakin!
Ipagpapatuloy ko pa ba 'to o huwag na lang? Masyado na kasi siyang sweet sakin at hindi ako sanay sa mga ganyan. Kapag tinigil ko naman ang relasyon namin baka magalit sakin si Alexa kapag ginawa ko yun. Kapag pinatuloy ko naman habambuhay na ang pagiging slave ni Althea sakin, pero kapag tuluyan na siyang malunod sa pagmamahal ko baka kung saan pa mapunta ang pagpapanggap ko at kapag nalaman niya ang lahat baka makalaban pa namin ang wolves at tuluyan ng mawala ang pagmamahal niya sakin.
Paano kung ako naman ang mahulog sa sobrang sweet niya? E di lagot na! Dahil kapag nalaman ni Althea ang pagkagusto ko kay Phoenix baka mapatay niya rin ako.
Ano ba 'tong pinasok ko?!
Pesteng contrata kasi yan eh! Kung hindi nakipagtalik yang bruhang Althea na yan kay Phoenix 'di sana walang gumugulo sa utak ko! Imbes na si Dad lang ang iisipin ko ngayon dumagdag pa 'tong Phoenix at Althea na 'to sa buhay ko!
Oh Gosh! My life is so strange!
---------
Good news:
Sa 15 pa magkakakuryente dito sa subdivision namin. Palagi na akong mag-uupdate ng TGC!
Bad news:
1 week pa bago magkakuryente at last week episodes na lang ng TIMY ang mapapanood ko. Tsk!
~ Ate Agatha
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Aksi"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)