Chapter 22

479 22 0
                                    

#TGCDefinitelyFine

Amber's PoV

"have yourself a merry little christmas, make the yuletide gay"

Nagising ako dahil sa kanta na yan. Palagi na kasi rito nagpapatugtog ng mga christmas song sa bahay para ngang nasa mall ako eh. Ang pasimuno nito ay sina Mom at Amanda, sila kasi ang naka-assign para sa kanta at mamaya din ang christmas party namin.

"from now on our troubles would be miles away"

Napabangon na ako at dumiretso na sa banyo para maghilamos. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng banyo at kwarto.

Pagkababa ko nakita ko sina Amanda at Mom na busy sa pagbabalot ng regalo.

"good morning" bati ko.

Napatingin naman sila sakin saka ngumiti "good morning din" sabi nila.

Hindi nila alam na umiyak ako, well ganyan talaga ako mahilig magtago ng tunay na nararamdaman at problema. Ayoko na kasing dumagdag pa sa kanila dahil ayoko naman na isipin nila na may problema ako.
"here we are as an olden day happy golden days of your faithful friends who are dear to us gather near to us once more"

"wow naman. Excited na kayo sa christmas ah" sabi ko at kumuha ng regalo.

"syempre naman ate tsaka mamaya party na namin"

"kami din. Ano bang susuotin mo?"

"yung binili kong dress nung isang araw"

Napatango ako "ah"

"ikaw ate?"

"yung dress kong red yun na lang ang susuotin ko"

"bakit anak? Hindi ka ba nag-shopping?"

"hindi po Mom, regalo lang po ang nabili ko"

"ah. Gutom ka na ba? Ipaghahain na kita" sabi ni Mom tatayo na sana siya ng pigilan ko.

"no Mom, ako na lang po" sabi ko.

Ngumiti na lang si Mom at dumiretso na ako sa kusina.

Mabuti naman hindi nila napansin na umiyak ako. Mas okay na yun kasi naka-move on na ako.

Kumuha na lang ako ng slice bread at nilagay sa toaster saka nagtimpla ng milo. Ayoko kasing uminom ng kape eh masyado akong naninerbyos.

"nak" napalingon ako sa nagsalita.

"Mom"

Lumapit sakin si Mom "okay ka lang?"

Tumingin ako kay Mom ''oo naman po, bakit niyo natanong?"

"alam kong umiyak ka kagabi hindi mo yan mapagkakaila sakin kasi nanay mo ko"

Napangiti na lang ako. "ano bang nangyari sa party'ng pinuntahan mo?"

Napabuntong hininga ako "Mom, hindi naman po party ang pinuntahan ko"

Napakunot noo si Mom "ano?"

"dinner date po"

"kanino? May boyfriend ka na?" Hindi po boyfriend kundi boy na friend.

''sa pamilya po ng mga Marquez pero hindi po natuloy"

Mukhang naguluhan naman siya "bakit? At sinong Marquez? Sina Phoebe at Nickson Marquez ba?"

Napakunot noo naman ako "kasi po pinakilala niya ako pero hindi ko pa po alam ang pangalan ng mga magulang ni Phoenix"

Tsk. That guys name irritates me.

"na girlfriend ka niya?" this time nakangiti na si Mom.

Nalungkot ako at napailing "no Mom, it's not girlfriend instead I'm his girl-friend. Magkaibigan lang po"

Napakunot noo si Mom "ano?! Ang kapal naman! Anong ginawa mo? Kaya ka ba umiiyak?"

"wala Mom. Opo. Sorry po kung iniiyakan ko na ang isang lalake" at nangati na naman ang ilong ko.

Niyakap ako ni Mom "no anak, it's okay. Normal lang yan. Parang ako lang nung sinabihan din ako ng Dad mo sa harapan ng magulang niya"

Napakalas naman ako sa yakap niya "really Mom?"

Tumango siya "oo sa maniwala ka't sa hindi iniyakan ko rin siya"

"but look at you now Mom, you have Dad and I'm thankful na kayo ang naging magulang ko"

Napangiti si Mom "thank you anak. Hayaan mo darating din ang lalakeng para sayo" pagpapagaan ng loob ni Mom sakin.

Napangiti ako "sana nga Mom"

Niyakap na lang niya ako para ipalala niya na nandito lang siya sa tabi ko parating umaalalay at gumagabay samin.

--

"Hi Amber!" bati ng tatlo kong kaibigan pagkarating ko sa classroom namin.

"hello" sabi ko naman at nakipagbesohan kami.

"you're stunning tonight, Amber. Are you moving on on something?" Alyssa said.

Ngumiti ako "yes and I'm proud of it"

"aww" at niyakap nila ako. Na-weirduhan naman ako sa dalawa. Si Alexa kasi alam niya ang nangyari kaya hindi na siya yumakap sakin.

"okay ka na ba talaga?" tanong ni Amara.

Napakunot noo naman ako "oo naman tsaka ba't pa ako magmumokmok, bakit worth it ba siya?"

"No. Buti naman naka-move on ka na. Sinabi kasi samin ni Alexa ang buong nangyari. Sorry we didn't visit you yesterday di sana nadamayan ka namin"

Napangiti naman ako "no need to. Nakaya ko naman tsaka he doesn't deserve my tear" He deserve pero umiyak at namaga pa ang mata? Tsk. Don't me Amber.

"waa! Lakas ah!" Alexa.

Natawa naman ako. "alam mo Amber sana katulad ka din ng mga babae yung paggising niya ng umaga naka-move on na siya sa heartbreak" Alyssa said.

"oo nga. Hawaan mo nga ang mga kauri natin para hindi sila magsayang ng tissue" Amara.

Natawa naman ako ''mabuti kung ganoon lang kadali, eh marami kayang katulad natin na ilalaban pa rin hanggang sa huli ang pagmamahal niya sa kanya kahit sinaktan pa siya emotionally"

"kung sabagay" sabi nila.

"huwag na natin yang pag-aksayahan ng oras. Magsaya na lang tayo" sabi ko at nilagay na sa table ang regalo ko. Marami na rin kasing regalo na nakalatag sa table.

Sana hindi ko na siya makita simula ngayon.

The Gangster's Contract (R16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon