Chapter 29

211 4 0
                                    

#TGCReminder

Amber's PoV

"uy si Ate Amber may boyfie na!" kantyaw nila Ashlyn, Veronica, Phoebe, Kirsten at Lacey sakin.

"kayo ah, masamang makinig sa may kausap sa phone" sabi ko.

Napa-weh sila "aminin, boyfie mo yun noh?" usisa ni Ashlyn.

"ikaw talagang bata ka!" sabi ko at pabirong pinalo ang kamay.

"sabihin mo na kasi Ate" pangungulit ng apat.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Amanda "oo mga cous boyfie yun ni Ate Amber" sabi niya at kumaripas ng takbo ng tinignan ko ng masama.

"yiee! Si Ate Amber" pang-aasar nila sabay sundot sa balakang ko.

Nakiliti naman ako "kayo talaga!" sabi ko at gumanti rin ako sa kanila ng kiliti.

Halos humiga na sila sa grass carpet sa pagkiliti ko sa kanila. Yung mga pinsan ko namang lalake andun sa room ni Tony busy maglaro ng xbox. Andami kasing naka-stock dun na xbox plus may TV pang flat screen na nakatago. Yung iba ko pang pinsan na babae at mga pamangkin nasa kusina tumutulong sa pagluluto, sadyang 'tong limang kasama ko mga tamad sa gawaing bahay.

Mga teenager pa lang sila ang pinakamatanda sa lima ay si Ashlyn 18 na siya, samantalang si Veronica 17, si Phoebe 16, si Kirsten at Lacey ay 15 years old pa lang. O di ba konti lang ang agwat namin. Well, ganyan talaga. Wala pa kasi akong pinsan na mas matanda pa sakin-- oh, scratch that meron pa pala mga tatlo pang babae, wala pa kasi sila dito eh siguro mamaya pa yun.

"Ate Amber, gwapo ba siya?" Tanong ni Phoebe.

"Oo" sabi ko.

"Pupunta ba siya dito?" Tanong naman ni Kirsten.

"Oo daw sabi niya" nang sabihin ko yun napatili sila sa kilig at ako nama'y natawa.

"Talaga ate?" Sabat naman ni Amanda.

"Oo daw. Dito siya magpapasko kasi boring daw doon sa kanila"

"Talaga? Bakit naman daw?"

"Puro daw kasi business man ang bisita nila sa bahay"

"Ah. Kaya pala. Mabuti naman pupunta siya dito, kasi para naman hindi malamig ang pasko mo Ate. Yie" sabay kiliti niya sa tagiliran ko.

"Ikaw ah!" At ginantihan ko rin siya ng kiliti.

Natawa siya at pumunta sa kusina. "O mga anak, mga pamangkin punta kayo sa kusina para ilabas ang mga niluto namin" nang sabihin yun ni Mom ay nagsitakbuhan sila papunta sa kusina para kunin yung mga niluto namin.

Papunta na sana ako ng may tumatawag sa phone ko.

Althea... Calling

Napataas kilay ako sa tumatawag. Hindi naman kasi ako sanay na tumatawag itong si Althea tuwing pasko puro lang sina Alyssa, Amara, at Alexa ang tumatawag at nagpapadala ng mensahe.

Magsasalita na sana ako ng magsalita si Althea [Merry Christmas, my dear Amber]

"Merry Christmas din sayo, Althea. Ba't ka nga pala napatawag?"

[Ah, baka kasi nakakalimutan mo yung pinagkasunduan natin, na kapag napaibig at napamahal na sayo ng lubusan si Phoenix kailangan mo na siyang...]

Pinutol ko ang sasabihin niya "yeah. I know that Althea. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sakin"

[Mabuti naman pero kapag ikaw naman ang na-fall out of love kay Phoenix, pareho ko kayong papata...]

"Oo na! Alam ko naman yan Althea, kailangan ba paulit ulit?" Inis na sabi ko sa kanya.

Nakakainis na kasi hindi naman ako ulyanin para ipaalala niya sakin ng paulit ulit. Itinataktak ko na nga sa ulo ko ang mga consequences niya na hindi ako ma-iinlove kay Phoenix kasi ayoko siyang mawala sa mundong 'to at ayoko rin mamatay.

[I'm just reminding you, my dear Amber. Masama ba yun? Well, maiba naman tayo tutal slave mo na ako, I'll do anything you want. Lahat susundin ko]

Napangiti ako "talaga?" tanong ko sa kanya.

[Of course, basta huwag muna ngayong Christmas vacation, masyadong busy dito sa bahay]

"I know, pati rin dito. See you na lang sa school next year"

[Oh yeah. Okay. Bye] sabay end niya ng tawag.

Napangiti ako ng masama at nagpunta na sa kusina.

**
Althea's PoV

Napangiti ako ng masama pagkababa ko pa lang ng tawag sa kanya.

"Akala mo Amber, okay tayo? No at hindi yun mangyayari. Kung bitch ka mas bitch ako sayo at wala pang nakakatalo sa pagiging bitch ko sadyang sinwerte ka lang" sabi ko.

Hinding hindi ako magpapatalo sa Amber na yan, kung kailangan ko siyang patayin para makuha ko ulit si Phoenix gagawin ko. Kung kailangan gumawa ng plano para maaksidente ang dalawang yan gagawin ko, kung magka-amnesia man si Phoenix gagawin ko ang lahat na ipaalala sa kanya kung anong nangyari samin kahit sila ni Amber ang nagkasama noon. Kung kailangan magsinungaling para mabalik siya sakin. Gagawin ko. I'll do everything to make Phoenix back to my loving arms again.

"I swear, I'll make Amber's life miserable"

➿➿➿

A/N: I'm back! Sorry kung natagalan ang updates dito sa TGC masyado lang pong busy sa OJT at nahumaling din po sa Bangtan kaya nawala po ako ng 2 months sa mundo ng wattpad. Kaya pagpasensyahan niyo na po. Malapit na din pong magtapos ang librong ito sana subaybayan niyo po hanggang sa huli. Thank you 😊

~Jungkook's wifeu 😉 (Pagbigyan niyo na)

The Gangster's Contract (R16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon