#TGCHurt
Amber's PoV
Pagkarating ko sa bahay saktong walang taong nakasalubong sakin kasi ramdam kong mugtong mugto na ang mga mata ko, kanina nga sa taxi panay ang tingin ng driver sakin kasi nga namumula yung mata ko baka isipin niya nakahithit ako ng ano eh. Binalewala ko na lang yun.
Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa banyo. Naghilamos ako ng mukha kasi haggard na. Letse naman kasi ng nangyari eh.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. "maganda ka naman ah, ba't kaibigan lang ang turing niya sayo?"
Tinitigan ko naman ang dibdib ko "malaki naman. Ano bang ayaw niya sayo? Ba't kaibigan lang?!"
Nangati na naman ang ilong ko. "ano ba yan?! Hindi pa ba sapat ang iniyak mo kanina sa taxi!?"
Konti na lang talaga maloloka loka na ako sa ka-kakausap sa sarili ko.
Pinihit ko ang gripo at naghilamos ulit. "ba't mo ba yun iniiyakan? Tsaka di ba napaibig mo na siya? So, pwede mo na siyang pata-- hindi, hindi pwede. Masama yun, Amber" umiling iling ako.
Naghilamos ulit ako "mag-move on ka na lang. He's not worth of your tears. Baka hindi talaga siya ang nakatadhana sayo" sabi ko sa sarili ko at nagpunas na.
Pagkatapos ko sa banyo naupo ako sa kama ko "move on Amber, move on" sabi ko na lang at nahiga na.
Wala na akong ganang kumain ngayon ng dahil kanina.
**
Alexa's PoV
Nang makapsok na ako sa loob ng bahay ay naabutan ko sila Mom at Phoenix na nag-uusap. Nakatayo lang ako habang tinitignan sila.
"what happened Phoenix? I thought she's you're girlfriend? Then why you said to her that she is just your friend? Alam mo ba ang mararamdaman niya?!"
Oo nga. Ang sakit kaya nun at alam ko na nasasaktan si Amber kanina nung tinanong ko siya kung okay lang siya. Kilala ko yun eh. Si Amber yung great pretender sa grupo namin. Mahilig siyang magtago ng totoong nararamdaman niya. Ang galing niya nga eh, saludo na nga ako dun. Yung tipong napagalitan namin siya pero ni hindi namin siya nakitang naiyak sa harapan namin ang parati niyang pinapakita na ugali ay ang pagiging matapang. Kahit minsan hindi ko man lang siya nakitang umiyak o kaya humagulgol. Wala. As in, kung anong problema na nga ang naharap niya pero hindi ko man lang siya nakitang umaayaw o kaya naman nasasaktan. Walang ganoon. Kaya bilib talaga ako kay Amber. Siya na talaga ang marunong itago ang tunay na nararamdaman.
Tinignan ko naman si Phoenix na nakayuko. "I know Mom and I feel sorry to say that when I realize it"
Napataas kilay ako at sumingit na sa usapan nila "ngayon mo lang na-realize? Wow. Grabe! Ayos ka rin ano? Talagang hindi mo iniisip bago mo ilalabas sa bibig mo! Alam mo Phoenix, minsan isipin mo muna ang sasabihin mo dahil baka may nasasaktan ka ng tao" sabi ko at nag-walk out na.
Ayoko ng magtalak pa dahil hindi naman ako ang nanay niya tsaka I'm just his sister. Bahala na si Mom sa kanya. I know she can do it, she's the mother eh.
**
Phoenix's PoV
"your sister's right, kaya konting preno naman sa bawat salitang bibigkasin mo"
Napakamot ako sa batok "I know Mom, I'm sorry"
"ba't ka sakin mag-ssorry? Ako ba ang nasaktan? Ako ba ang kaibigan mo? So, you better go to Amber and apologize"
Napabuntong hininga ako ''Mom, maybe she needs space. I know I hurt her"
Inirapan ako ni Mom "okay. Sa party niyo mag-apologize ka"
Napatango ako "okay Mom. Sorry din po kung umasa kayo na girlfriend ko siya"
Tinignan lang ako ni Mom at saka iniwan ako sa sala na nakatayo.
Oo inaamin ko mali ang sinasabi ko but that is what I'm feeling right now.
I didn't figure out what is the status about us all I know was we're friends and I love her company.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Action"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)