#TGCHisSanctuary
Amber's PoV
Nang makarating na kami sa sinasabi niyang sanctuary ay nauna siyang lumabas ng kotse at umikot papunta sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Nilahad niya ang kaliwang kamay niya at hinawakan ko naman yun para alalayan akong makalabas sa kotse.
"thank you" I said at inayos ng konti ang damit ko.
"it's my pleasure" he said.
Napatingin naman ako sa paligid. Grabe ang ganda para ngang nasa paraiso kami na kulang na lang may dagat dun sa malawak na grass field na yun.
Napabuntong hininga ako. Parang ang sarap manirahan dito. Ang sarap ng simoy ng hangin. Pagtingin ko naman sa kaliwa ko may nakita akong parang cabana pero malaki siya sa usual na cabana.
Ang cabana parang tent siya na pwedeng cottage pero itong cabana na pinagawa ni Phoenix ay fully furnished na kulay white with a touch of gold.
"wow" yan lang ang nasabi ko habang tinitignan ko ang magandang tanawin.
"did you like it?" He asked.
Tumingin ako sa kanya "super" Naglakad ako "alam mo parang paraiso 'tong sinasabi mong sanctuary mo. Grabe, hindi ko naman aakalain na ang isang lider ng wolves ay may tinatago palang lugar na ganito?"
I saw him smiles. Shit talaga ang ngiting yan! Para yatang na-iinlove na ako?
"yeah. Siguro kapag nakita 'to nila Cooper baka magulat sila. 'coz they know me as the playboy who loves to have sex with a girl, yes I do admit it but I love nature. Sobra, so I decided to build my own sanctuary here..in this place"
Napatango ako at naglakad pa pero hindi pa malayo sa kinatatayuan niya. "infairness, talagang maganda 'tong sanctuary mo" humarap ako sa kanya "I love it"
He smiles and walk towards me. "I knew you will like this place, besides you were the first person that I brought here"
Nagulat naman ako sa sinabi niya "seriously? Talaga?"
"yes. Ikaw palang"
Napakunot noo ako "bakit? Kahit kapatid mo, Mom mo at Dad mo hindi pa nakakarating dito?"
"yep. They didn't know about this place"
"bakit naman? Eh ang ganda kaya ng lugar na 'to. Sayang naman kung hindi nila makikita"
"maybe some other time, I'll bring them here"
I nodded "so, ba't ako pa lang ang taong sinama mo dito?"
He looked into my eyes "coz you're.. special to me"
Napahinto ako at medyo napanganga sa sinabi niya. Seryoso ba yun? Special daw? Wow. Pero teka lang, di ba sabi nila ang mga playboy raw mabubulaklak ang mga sinasabi? Kaya huwag muna akong mag-assume dahil masasaktan lang ako.
"talaga?" tangi kong nasabi.
He smiled "yes. You're really special to me, Amber. Among all the flings I've played before.." he hold my right hand "you are the most fragile girl, I've ever wanted to spend the rest of my life with" he sincerely said.
Napalunok ako. Hala! This can't be. Pero kailangan kong gawin 'to para habambuhay ng maging alipin ko si Althea but on the other hand, he can't love me forever, just because he might die. Kaya nga pinipigilan ko ang sarili kong mahalin din siya dahil yun ang ikinakatakot ko. Okay lang sanang kiligin pero hindi naman ganitong sobrang kilig dahil sa bawat araw na nakakasama siya ay unti unti rin akong nagkakagusto sa kanya.
But still, like pa lang naman but when love strikes me.. I'll be dead. Hindi talaga maaari ang gusto ko dahil ayoko siyang mamatay, ayoko siyang patayin ni Althea dahil hindi naman talaga siya damay dito eh pero oo nga pala siya pala ang puno't dulo ng contract na 'to. Peste naman kasi si Althea eh, nakipag-sex na nga kay Phoenix nagbitaw pa ng I love you yan tuloy ako pa yung nadamay at ako naman 'tong si shunga na tinanggap ang contrata para makilala lang ang lider ng wolves.
Minsan talaga hindi marunong mag-isip ng mabuti ang isang tulad ko.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya dahil wala akong maisip na sasabihin sa kanya.
"tara! Dun tayo" sabi niya at naglakad kami papunta sa cabana na magkahawak ang kamay.
--
Althea's PoV
"so, anong gagawin mo sa kanila?" Lorraine
"yeah. Now that Phoenix is in love with that girl" Shane
"eh di ano pa? Papatayin. Dun naman ako magaling di ba?"
They laughed "yeah. We know you can do that without the help of us" Lorraine said.
"yeah. I know"
"so, when will you start the plan?"
"when they finally falling apart. Doon na ako magsisimula"
Kapag nakita kong totoo na ang pagmamahal na pagpapanggap ni Amber kay Phoenix doon na ako magsisimulang sirain ang buhay nila pero syempre mild muna at kapag nagtagal na mas matindi na ang mga gagawin ko sa kanila.
"oh. That is so scary" Shane.
"yeah, but it's exciting" Lorraine.
I smirked with that thought. This gonna be fun. *insert evil laugh*
You will never win this fight Amber, I swear.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Action"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)