#TGCStatus
Amber's PoV
"ilang araw na lang pala magpapasko na" sabi ko habang nakatanaw pa rin sa grass field.
Nandito pa rin kami sa loob ng cabana. Nag-ssight seeing lang. Magkatapat kami ni Phoenix sa table.
"yeah. Where do you spend christmas?"
"dun sa bahay namin. Mamaya uuwi na ako dun"
Nakita kong napatango "oh. Can I come?"
Napatingin ako sa sinabi niya. "ha? Baka hanapin ka ng Mom at Dad mo niyan"
Napailing siya "no. They would mind if I'm not there"
"bakit naman?"
"they'll gonna be busy for their clients. Kasi may christmas party na magaganap this coming 24"
"oh, ba't hindi ka na lang mag-stay dun? Eh mukhang masaya naman"
Napailing siya ''I'm not in the mood for that. It's gonna be business again. It sucks"
Grabe naman siya. Akala ko ba business minded 'to? Ba't parang nagbago?
Tsk. Pati ba naman siya magbabago?
"grabe siya, pero kailangan nandun ka baka hanapin ka nila"
"no. They'll gonna be busy for that"
"ganoon? Kung sabagay" sabi ko binaling ko ulit ang mga mata ko sa grass field.
"so, can I come?"
Tinignan ko ulit siya. May magagawa pa ba ako? Eh nagpa-cute na ang damuho!
Napabuntong hininga ako "okay. Fine"
"really?" he asked
Ngumiti ako "oo nga! Ang kulit"
"yes!" Halatang masaya siya. Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako. "thank you so much" masayang sabi niya.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Ganyan ba talaga siya sa babae kapag naiinlove? O sakin lang?
Weird eh.
--
"thank you for bringing me here" I said pagkapasok sa kotse niya.
He smiled "you're always welcome Amber, till next time?" he asked.
I smiled too "of course. I would love too"
"okay" he said and starts the engine and we go back.
Grabe parang kalahating araw akong nawala sa mundong sinilangan ko. Para kasing ibang mundo ang pinuntahan namin eh. Ang ganda nga talaga kapag tahimik lang ang lugar. Marami kang maiisip, madami kang ma-rrealize at madami kang maaalala tungkol sa past mo.
Parang ang sarap lang isipin na ang isang Amber Dela Vega ay mahuhulog sa Phoenix Marquez na yun kasi parang isa siyang loving boyfriend kapag kasama mo siya at sa tuwing kayo lang dalawa tsaka maalaga siya. Lalo na kanina medyo kasi lumamig ng konti ang simoy ng hangin. Para ngang kanina nakalanghap ako ng sariwang hangin yung walang halong usok o kemikal. Kapag binigyan ako ni Dad ng pambili ng lote magpapatayo ako ng bahay dun mismo sa sanctuary kuno ni Phoenix. Sigurado yan.
Nang makarating na kami sa building ng condo ko ay lumabas na ako ng kotse pati rin siya "thank you ulit" sabi ko.
"you're welcome and thank you for spending time with me" he smiles.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Acción"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)