#TGCFriends
Amber's PoV
"you're here! Finally!" sabi niya at nagbeso sakin.
Halatang gulat pa rin ako ngayon. Hindi ba siya galit or something?
"hoy! Okay ka lang?" sabi niya at niyugyog ang magkabilang braso ko.
"hindi ka galit?" tanging nasabi ko.
Napakunot noo siya at natawa "ba't naman ako magagalit? Eh kahapon sinabi sakin ni Phoenix na pupunta ka and you know alam kong si Phoenix talaga ang lalakeng tinutukoy mo and I'm just acting na hindi ko kilala si Phoenix"
"ganoon?" napabuntong hininga ako "buti naman"
"parang wala ako dito ah" Phoenix said.
Natawa naman si Alexa "sorry, bro. Tara na sa loob" sabi niya.
Nauna si Phoenix samin kasi itong si Alexa kung makahatak sakin palayo kay Phoenix eh akala mo inagawan siya "ikaw ha. Alam mo maganda naman ang dinulot ng contract na tinanggap mo kay Althea, kasi noon pa lang gusto ko na kayo magkakilala ni Phoenix but then wala akong maisip na paraan kasi yang damuho kong kapatid eh lulong pa sa mga babaeng kinakama niya and thank God dumating 'tong araw na magkagusto siya sayo" masayang kwento niya habang nakakapit sa kaliwang braso ko.
"ah. So, noon pala may plano ka ng pagtagpuin kami?"
Napatango siya "yes, kasi nakikita kong bagay kayo. Pinagtabi ko pa nga ang picture niyo" sabay tawa niya.
"grabe ka. Ni hindi mo man lang ako sinabihan na may plano ka" sabi ko.
Napalo niya ako sa braso ''syempre kapag sinabi ko wala ng thrill, pero okay na rin palang hindi ako nakahanap ng tiyempo kasi si destiny na ang gumagawa ng plano ko" nakangising sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay "so, kilala ka na ni Destiny? Wow ha. Ang lakas mo naman sa kanya"
Natawa siya "oo noh. Pero ayun, may kapalit nga lang" nagdrama pa ang bruha.
"ano naman yun?"
Tumingin siya sakin "ang magiging love life ko" malungkot n sabi niya.
"seryoso? Hoy, hindi ganyan si destiny, kung alam mo lang tinatrabaho na rin niya ang magiging love life mo"
Napatingin siya sakin "talaga? Wow. Close din pala kayo?" natatawang sabi niya.
"oo naman" I giggled.
Nang makapasok na kami sa castle nila ay pinaupo muna ako ni Alexa sa sala. Grabe naman ang bahay na 'to pati mga furnitures classical din yung parang sa movie ng Cinderella. Talagang kinareer ang loob ng bahay na castle.
Hindi halatang mahal na mahal ng ama ni Phoenix ang ina niya.
"Is she here?" rinig kong sabi ng isang babae. Sa tingin ko siya na yung Mommy ni Phoenix.
"yes Mom" sabi ni Phoenix.
Tumayo na ako para makita siya. "oh my gosh! You're so beautiful iha" his Mom said and she make beso to me.
"hello po. Thank you po" magalang sabi ko. Syempre magpapa-good shot ako dito kahit bitchy ako.
Tumingin siya kay Phoenix at binaling sakin ang tingin niya "ang swerte ng anak ko sayo" napangiti ako. Di ba dapat ako ang swerte kasi mahal niya ako.
"of course Mom and I'm very lucky to have her" sabay pulupot ng kamay niya sa bewang ko.
Dumating naman si Alexa. "so, ano na bang status niyo? Nakakaloka na kasi kayo eh. Pati si Amber hindi alam ang status niyo"
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Acción"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)