#TGCSleepOver
Niyakap ko na lang siya ng sabihin niya yun. Ang sweet niyang boyfriend. Kahit hindi mo aakalain na lider siya ng wolves. Who would have thought na sa gwapo niyang yan may tinatago rin siyang bad side just like me?
"Ahm, Phoenix mag-uumaga na hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.
Magsasalita sana siya ng marinig kami ni Mom. Nasa tapat kasi kami ng pinto. Nandito kami sa sala at pinagtipon ni Mom kasama pa ang mga kamag-anak namin.
"No. He'll sleep here" Sabi ni Mom.
"Po? Saan naman siya dito matutulog?" Sabi ko.
Ngumiti si Mom "in your room"
Nang sabihin yun ni Mom ay halos mahulog na ang panga ko. Nakakaloka. Ba't ba kasi sa kwarto ko pa? Wala bang guest room?-- ay dito rin pala matutulog ang mga kamag-anak namin kaya no choice pero kasi... Knowing Phoenix, alam niyo na di ba?
Tumingin ako kay Phoenix at nakita ko siyang nakangiti. Yung ngiting ngiti lang. Akala ko yung may balak gawin sakin. Buti na lang.
"O tara na, matutulog na tayo" Sabi ni Dad.
Napadaan si Dad sa tapat namin at tinapik ang braso ni Phoenix "ikaw na bahala sa anak ko, huwag mong sasaktan ah?"
Napakunot noo naman ako at sumagot naman si Phoenix "I won't sir, I'll take care of her" At tumingin sakin na may ngiti sa kanyang labi.
Napangiti na rin ako at nagsalita pa si Dad "Amber, tomorrow at my office. Okay?" Napalunok ako ng sabihin yun ni Dad. Yan na nga ba yung sinasabi ko eh.
"O-okay Dad" I said at umalis na si Dad kasama si Mom papunta sa kwarto nila.
Napakagat labi ako ng dahil doon. "Hey, are you okay?" Phoenix said.
"Ha? Ahm.. Hm. Yes. I'm okay" Sabi ko at hinatak na siya papunta sa kwarto ko.
Nang makarating na kami sa kwarto ay pumunta ako ng banyo. Alam kong nahalata ni Phoenix na hindi talaga ako okay kaya sinundan niya ako sa banyo.
"You sure, you're really okay, love?"
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya "honestly love, no. I'm not okay" Sabi ko.
Lumapit siya sakin para yakapin niya ako "you'll be okay, love" Sabi nito at nagpasya na kaming lumabas ng banyo.
"Tabi na lang tayo" Sabi ko kay Phoenix.
"Sure ka?"
"Oo naman" Sabi ko at naupo sa kama.
"Talaga?" Tumabi siya sakin.
"Oo nga ang kulit" Sabay irap ko at sa di inaasahan ninakawan niya ako ng halik.
"Thank you, Love" Masayang sabi nito at nahiga na sa kama ko.
Napairap ako sa kawalan at humiga na rin. Naramdaman ko namang yumakap siya sakin.
"Love, I really want to spend the rest of my whole life with you" Sabi nito. Ba't parang totoong totoo na ang nararamdaman ko sa kanya-- I mean he always says that line. Talaga bang mahal na mahal na niya ako, as in for real?
Napaharap ako sa kanya at tinitigan ko ang mga mata niya. Nakangiti siya sakin ngayon. Nangati na naman ang ilong ko hudyat na naiiyak ako.
"Mahal na mahal mo talaga ako, noh?" Sabi ko.
He kissed me "I really do, Amber. My love for you is true" He sincerely said.
Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya "I-I love you, Phoenix" I said at umusog ako para yakapin siya.
Naramdaman kong ngumiti din siya "you're so cute, love" He said.
Bumitaw na ako sa yakap at hinalikan siya sa labi. "Good night, Love" I said.
Hinalikan din niya ako "Good night too, Love. I love you too" At ngumiti na naman siya.
--
Nagising ako sa taong humahalik sa labi ko. Pagmulat ng mata ko mukha agad ni Phoenix ang bumungad sakin.
"Good morning, Love" Sabi niya na may ngiti sa labi.
Napangiti ako at sinabing "Good morning din, Love" I said at bumangon na.
"How's your sleep?"
"It's okay"
"Napanaginipan mo ba ako?"
Tinignan ko siya ng seryoso "hindi eh" Sabi ko at natawa. Pumunta na ako sa banyo para gawin na ang morning routine ko. Narinig ko pa nga ang pagngawa ni Phoenix. Ang cute lang-- ay.
Nang matapos na ako ay nagpasya na akong lumabas. Nakita kong nakatingin sakin ng seryoso si Phoenix na parang mangangain ng buhay.
"Problema mo?" Sabi ko at nagsuklay.
"Ikaw"
Inirapan ko siya. "Tumigil ka nga, kay aga aga. Bad trip ka" Sabi ko at naglakad na papunta sa pinto. Pipihitin ko na sana ang door knob ng higitin niya ang braso ko para mayakap niya ako.
"Sorry, Love" He said.
Napairap naman ako at niyakap din siya "Love, sorry din. Gutom na kasi ako eh" I said.
Napabitaw siya sa yakap namin "tara na. Ayokong nagugutom ang love ko" Napangiti ako sa sinabi niya at lumabas na kami ng kwarto para pumunta na sa kusina.
"Tulog pa yata sila" Sabi ko. "Maupo ka muna jan, ipaghahanda kita ng makakain para mamaya makauwi ka na sainyo" Sabi ko at pumunta sa fridge para kumuha ng pasta. May natira pa kasi kagabi kaya iinitin ko na lang sa microwave.
"Ba't gusto mo na akong pauwiin? Di mo ba ako mamimiss?" Nilingon ko siya at nakita kong naka-cross arms.
"Hello? For sure, hinahanap ka na ng Mom at Dad mo pati si Alexa" Sabi ko at umupo sa tabi niya.
Napabuntong hininga siya "you know they will never find me, masyado silang busy sa trabaho"
Napataas kilay ako "hm? Christmas day you know? For sure, hahanapin ka nila"
Napabuntong hininga si Phoenix "as if but no. Alam nila na parati akong nasa galaan lalo na pag may occasion"
Parang nararamdaman ko na he needs his parents. Parang kulang siya sa pansin kaya panay ang alis niya sa bahay nila.
Hinawakan niya ang kamay ko "promise me, you will never leave me, Amber. Please?" He said sincerely na ikinagulat ko.
"Hm? Oo naman" Hinawakan ko rin ang kamay niya "I promise, I won't leave you" Sabay ngiti ko sa kanya. Is that a promise, Amber? What if you broke that? Will he trust you again?
Napangiti siya at tumayo para yakapin ako "I really really love you, Amber. I promise, I won't do a thing that can make us apart" Please, don't love me Phoenix.
Naalala ko na naman yung contract ko kay Althea. Kapag tinigil ko yun malalaman niya ang lahat lahat na isang palabas lang ang ginagawa ko sa kanya kapag pinatuloy ko pa rin 'to, mas lalong lumala pa. So, saan na ako lulugar?!
BINABASA MO ANG
The Gangster's Contract (R16)
Acción"Try to kill us and you'll regret it... forever" The Gangster's Contract ~ All Rights Reserved ©2016 Written By: MsWinx_38 (Agatha Francisco)