"Carlo?" Bulong ni Maymay ng makita nya ang bf nya na naglalakad sa hallway papunta sa elevator.
"Ga!" Sumigaw sya para mapansin nito. Lumingon ito sa kanya na nabigla dahil hindi nya expected na makikita ang girlfriend nya.
"Oh, Maymay. You're here." Ninenerbyos na sagot nito sa dalaga.
"Uy buti na lang nakita kita..san ka galing? Dito rin ba sa floor na to ang room nyo?" Masayang tanong nya habang tumingkayad para mahalikan sa pisngi ang bf nya.
"Ah oo eh. Ikaw san ka galing? San ba ang kwarto mo dito?" Patingin tingin sa paligid ang binata habang kausap sya.
"Ha? Sa room 86 ako. Di ba sinabi ko na yun sayo. Tinext ko pa nga eh." Malungkot na sagot ni Maymay, mukang hindi na talaga iniintindi ng nobyo ang mga sinasabi nya.
"Ok..pupuntahan kita sa room mo mamaya ok? Kaya mag antay ka lang sa loob ah. Stay in your room and wait for me. Sige na..tatapusin ko lang ang ginagawa ko." Nginitian sya nito at bahagyang tinulak papalayo.
"Sige ah. Antayin kita. I love you" kumaway pa sya habang nakapasok na sa elevator ang binata.
Masayang pumasok sya sa loob ng kwarto at naghanda sa mga isusuot nya mamayang gabi. Matagal na rin ng pumorma sya. Sa sobrang pag aasikaso nya kasi sa iba nakalimutan na nya ang sarili nya.
Pero ngayon mag aayos na syang muli. Simpleng make up lang ang kailangan para sa simpleng dinner date kasama ang mahal nya. Habang nag aayos ay ininom ni Maymay ang wine na offer ng Hotel para sa mga guest nila. Busy busyhan ang dalaga kaya naman hindi nya namalayan na nakalahati na nya ang bote.
"Achoo!"
Anu ba yan..mukang sisipunin pa ko. Teka may gamot akong dala dito eh."
Hinalungkat nya sa bag ang gamot na binili. Binasa ang nasa warning note ng box.
"Can cause dizziness and headache..aba eh inumin ko na ngayon para mamaya ok na." Bulong nya sa sarili.
Agad nyang kinuha ang isang pill at ininom. Maya maya pa eh bigla nyang napansin na wala ang wallet nya. Dali daling lumabas ng pinto si Maymay para balikan kung saan sya nagpunta, baka sakaling nalaglag lang nya iyon kung saan.
++++
Nasa lobby na ulit si Edward ng mga panahon na yon. Katatapos lang nya imake sure sa plano nya mamayang proposal sa girlfriend. Alam na ng manager ng Hotel ang mga gagawin.
Akmang paalis na sya ng lapitan uli sya ng dalawang lalaking kumausap sa kanya kanina.
"Mr. Barbers..pasensya na kanina kung nairita namin kayo. Wala naman sa intensyon namin na masira ang araw nyo sir." Panimulang sabi ni Ricky sa binata.
"Oo nga boss..dahil sa nagawa namin gusto sana naming mag offer ng drink sa inyo. Kahit isang tagay lang boss." Magalang na alok ni Rhey.
Napangiti lang si Edward.
"Pasalamat kayo good mood ako ngayon. Sige isang tagay tapos wag nyo na kong kulitin pa ulit pls. Lang.
Nagka ngitian ang mag-ama at nag order ng 3 inumin para sa kanila. Habang kausap ng nakatatanda si Edward agad namang nilagay ng anak nito ang isang herbal na gamot na dala dala nila sa inumin na para kay Edward ng matapos haluin ay agad na inubos ni Edward ang kanya.
"Cheers!"
"Salamat Boss..till next time. Pasensya na ulit." Mabilis pa sa alas kwatrong umalis ang mag ama.
"Mga weirdo..sa umpisa mangaaway ngayon naman makikipag bati. Pasalamat sila mabait ako. Ha." Bulong ni Edward sa sarili.
Tumayo na sya ng biglang nakaramdam ng pagkahilo.
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...
