Masaya si Maymay sa mga pangyayari kahapon. Hindi pumasok sa trabaho ang asawa, instead sinamahan sya nito sa mga gawain sa orphanage. Akalain mo un, may kind bone pala sa katawan si Mr. Edward Barber.
Gumising sya ng may ngiti sa labi, tinitigan muna nya ang maamong muka ng asawa, oo magkatabi na sila matulog sa kama ngayon at aaminin nyang enjoy iyon para sa kanya. At least bago man lang sya umalis eh nakaipon na sya ng masasayang memories na maari nyang baunin.
Tumayo sya para maghanda ng almusal, pakanta kanta na lang ang dalaga ng lapitan sya ng ate Baninay nya na bagong gising rin.
"Good mood ang loka..nadiligan ka no..." Nang aasar na sabi nito sa kapatid na agad syang sinaway.
"Ate! Kaloka ka naman, baka marinig tayo ng kasambahay matsismis pa ko. Nu ba to, nakakahiya.." Namumulang sabi nya sa ate nya na agad kumuha ng sand which at palaman.
"Basta ko masaya ko kung masaya ka pero hinay hinay lang, alam mo na, bandang huli ikaw lang naman ang masasaktan." Payo nito Kay Maymay.
Inabot ni Maymay ang mainit na gatas para sa ate nyang buntis rin.
"Opo, kumain ka na. Kelan ba lalabas yang pamangkin ko?"
"Ewan ko ba..uuwi na ko sa atin mamayang gabi. Susunduin ako ng asawa ko. Kaya ikaw, alam mo na ah, lumaban ka. Wag kang magpapa api!"
Dingdong...Dingdong
"Hm? Sino naman ang bibisita ng ganito ka aga?"
"Aba Malay ko.."
Agad na nagtungo sa pintuan si Maymay para buksan ang pinto.
"Hi! Is Edward here? Ah..asan yung dating maid? You're quite new.." Masayang bati ni Heaven sa natulalang si Maymay.
Oh my God. Nandito na sya..ang legal wife sa puso ni Edward. Anong ginagawa nya dito??
"Hello? Ate? Ok ka lang, mukang natulala po kayo?" Nag aalalang sabi ni Heaven Kay Maymay.
Maymay shakes her head to clear her mind, ngumiti sya sa dalaga at agad na binuksan ang pinto.
"Ah pasensya na mam, ang ganda nyo kasi kaya natulala ako. Pasok po kayo, kaya lang po tulog pa si sir Edward. Kung gusto nyo po gigisingin ko muna sya, mag antay lang po muna kayo dito sa living room." Mahabang pag explain ni Maymay.
"No need, I can go to his room and personally wake him up. Ok lang saken, I usually stay in his room naman whenever I visit." Sagot ng dalaga na akmang papunta na ng room ni Edward, buti na lang dumating si Granma.
"Heaven iha, long time no see. Come with me to the living room habang ginigising ni Maymay si Edward." Mariing utos nya sa dalaga na walang nagawa kundi sumunod.
Salamat kay Lola, naku kung sakali nito mabubuko pa kami ni Edward.
Balisang nagtungo si Maymay sa kwarto nilang mag asawa at niyugyog si Edward para mabilis na magising.
"Ah fuck! May how could you..I was having a nice dream." Reklamo ng binata ng mahimasmasan sa antok at agad na napaupo sa kama.
"Bakit napanaginipan mo ba yung gf mo.." Irritableng sabi ni May may habang tinititigan ang binata.
"No..I was dreaming about us and our baby." Nahihiyang bulong ni Edward Kay Maymay.
Pinigilan nya ang pagngiti, pero ng makita nya kung gaano kapula ang pisngi at tenga ng binata Hindi nya na napigilan ang kilig na naramdaman.
Kaso may isang taong nag aantay sa asawa nya, dun sa living room. Isang tao na mas mahalaga kaysa sa kanya at sa anak nila.
"Ed, nanjan si Heaven sa living room kausap si Granma, hinahanap ka nya. Alis na"
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...