On the other side

1K 86 50
                                    

It's been months, siguro dadalawang taon na rin sya dito sa Beijing China, nakakagulat hindi ba? Sa dinami dami ng lugar na mapupuntahan nya dito pa sya napadpad.

Isa sya sa mga orphanage volunteer para sa isang Catholic church na naka base sa China, oo maliit lang na community ito sa Bansang iyon pero masaya si Maymay dahil nakakatulong sya sa mga bata. Natuto sya ng basic Mandarin mula Kay Marco, and from then on mas naging fluent na sya sa pagsasalita nito.

Pauwi na sya ng may marining syang isang masayang tinig.

"Mama!!"

Napalingon na lamang sya at nakita ang anak na si Eziekel na karga ni Marco.

"Oh hi baby ko. Wow naman nasurprise naman ako, Hindi ko alam na susunduin nyo ko ng Tito Marco mo.." Malambing na hinalikan nya sa pisngi ang anak na walang tigil sa paghagikgik.

"Sorry, mukang gusto na naman kasi maglakwatsa ni Zeke kaya dinala ko sya dito. Hindi ako nakatiis eh haha."

"Thank you Marco ah, for giving some time para sa anak ko."

"Wala yun, alam mo namang parang anak ko na rin ang Turing ko sa anak mo."

Napangiti na lamang si Maymay kahit may lungkot na nararamdaman. Bakit ba kasi Hindi nya maibigay ng buo ang puso nya sa napakabait na lalaking to, kahit anong pilit nya tila ba may pumipigil.

Alam naman nya ang dahilan..o kung sino ang dahilan.

Minsan talaga pag natatanga ang puso derederecho na..wala ng hinto. Yung tipong kahit wala na kayo kuntento ka na na mahal mo sya, kahit Hindi ka nya mahal.

"Tara..let's have dinner dun sa bagong pinoy resto malapit lang dito. Treat ko."

"No, I'm the one who's paying the bills..please Maymay. I know na short ka sa funds, what with the expenses para sa inyong mag ina, nagpapadala ka pa ng pera sa pinas para sa mama mo. Let me help you in any way I can." Tahimik na sabi ni Marco sa babaeng nagpapatibok ng puso nya.

Napabuntong hininga na lamang si Maymay.

"Alam mo Marco sa twing titignan kita nakakaramdam ako ng guilt. Alam ko pinaasa lang kita, sorry." Kagat labing sabi ni Maymay sa binata who smiled bitterly in response.

"Alam ko naman May eh, mula pa nung umpisa kaya lang alam mo naman ang pag ibig..nakakatanga. Makaka move on din ako wag kang mag alala at sana maka move on ka na din. Di ba?" Nanunuksong sabi into sa dalaga.

"Ui wala na yun no. Kinalimutan ko na ang nakaraan." Defensive na sabi ng dalaga.

"Sus, try mo mag kita kayo ulit tignan ko kung wala ka ng maramdaman."

"Marco!!!"

"Mama, mamam.." Reklamo ni Zeke na bored na bored na sa usapan ng mga matatanda.

Napatingin ang dalawang magkaibigan sa bata at sabay napatawa sa kakulitan ng bata.

"Hay, Tara na nga at kumain. Libre naman tayo ng Tito Marco mo eh."

And the three of them went on to have dinner not knowing na pinagtitinginan sila ng mga tao, saying that the three of them look good together. Like a real happy family.

-----------------------------------------

Two years, dalawang taon na since he's been jilted by his ex wife. Oo ex wife, Hindi nya lubos maisip kung paano nagawa ito ni Maymay sa kanya. The divorce paper that he signed way way back, ang papel na matagal na ring pinirmahan ni Maymay noong unang beses na binanggit nya ang terms ng kanilang fake na nasal at nakiusap ang dalaga for him to protect Jasmine Island in exchange of her full cooperation. Ang papel na tatapos sa lahat....

Nagwala sya ng malaman kay Yong na napasa na ang divorce paper sa legal council at pinaprocess na ito. Gulat na Gulat si Edward sa mga pangyayari. How did Maymay ends up with those papers? Ang alam nya tinago nya ito sa closet nya, and alam din nya na never nangialam ang dalaga sa mga gamit nya. So how?

Nagsisi sya, sana pala noong una pa lang ay pinunit na nya ang papel na yon.

"Sir? Andito na po ang files from the private investigators." Magalang na sabi ni Yong na agad lumapit sa table ng CEO para iabot ang isang manila envelope.

Napangiti si Edward, sa wakas, after how many years mate trace na din nya ang asawa at anak nila. Oo he's been having nightmares for years, what if..may masamang nangyari sa mag ina nya. Pero kahit ganun pa man Hindi nya naisip kahit minsan na wala na ang anak nya, Maymay is different. Mabuti syang tao and he knows that she will protect their baby as much as she can.

Kinakabahan nyang tinignan ang envelope. Nagpapawis ang mga kamay habang dahan dahan ito ng binuksan.

Agad binasa ang files na nakapaloob dito, napangiti sa tuwa. Safe si Maymay, masaya sa trabaho at safe din ang anak nila. Si Ezekiel E. Barber, born in Shanghai China. Lumabas na lamang si Yong ng makitang lumuha ang boss nya. Naawa sya dito pero ano bang magagawa ng isang dakilang P.A laban sa tadhana.

Napakunot naman ang kilay ng binata ng mabasa ang pangalan ni Marco sa report. Matagal na nyang alam na kasama ni Maymay ang fake na father Marco na yon, napaka laking coincidence naman na sabay ang pagkawala nito sa pagkawala ng asawa nya. Pero to see the thruth in print is really something else.

Sino ba naman ang Hindi magagalit, nandun si Marco on every memorable moment sa buhay ng mag ina nya and here he was wallowing in misery.

"That should have been my place Marco..I should be the one beside them.. Not you."

Edward called Yong inside his office again.

"Yong, paki ayos ang business tour ko sa China this month, paki adjust ang schedule ko. Matatagalan ako ng stay sa bansang yon."

Tumango lang si Yong at agad na inayos ang itinerary ng boss nya. Sa palagay nya mukang nahanap na into ang matagal na nyang hinahanap..sa bansang ilang oras lang ang layo kapag sa eroplano ang byahe.

"Maymay, wait for me..I will come and get you and our baby. I promise." Bulong ni Edward sa sariling habang napasandal sya sa upuan nya at napapikit. Inaalala ang muka ng isang simpleng dalaga na nagpasaya sa puso nya.

-------------------------------------

Napa igtad na lamang si Marco ng makagat nya ang labi nya habang kumakain ng dinner with Maymay and little Zeke.

"Aray..nakagat ko pa talaga labi ko haayst."

Napangiti na lamang si Maymay sa binata.

"Baka may nakaka alala sayo kaya nakagat mo ang labi mo."

"Baka nga..hey ubusin nating lahat tong in order ko ah. Kaya ba Maymay and baby Zeke?"

"Sus, inaya mo pa anak ko eh kaunti lang ang kakainin nyan, one year and six months pa lang ang bata."

"Kaya nya yan..big boy yan eh. Mana..saken. Hahaha."

May bitter smile sa labi ng dalaga. Ano nga kaya kung si Marco na lang ang aksidenteng naka buntis sa kanya. Siguro wala sya sa ganitong sitwasyon ngayon. Siguro hindi sya malungkot at nag iisa.

TBC

A/N : Sa mga patuloy na nag aabang sa mga upcoming chapters ng Mayward fanfic na to, salamat. Sa totoo lang sinulat ko ang story na to para saken, naghahanap kasi ako ng Mayward story na nakakakilig, nakakalungkot, nakakainis, nakakainip at kung ano ano pa eh wala ko mahanap kaya I improvised my own. Hindi ko akalain na madami pala ang mahohook sa storyline na to kaya sayo..oo sayo na nagbabasa nito..super THANK YOU.

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon