Agad na hinanap ni Maymay si Baby Ji sa area na malapit sa Orphanage. Nagtulong tulong na sila ng mag bata pero hindi nila nakita ang aso kaya naman umuwi na muna sya sa Mansyon.
Inilagay nya ang stroller sa gilid ng sofa at pagod na umupo saglit. Saktong pagpasok ni Granma sa living room ng makita sya.
"Iha, kamusta. Masaya naman ba ang pamamasyal nyo ni Edward? Asan na ang apo ko na yon bakit hindi mo kasama?" Tanong ni Granma kay Maymay na maluha luhang tumingin sa kanya.
"Granma..lagot po ako kay Edward. Nawala ko po si Baby Ji."
"Ha? Nako..paano at saan area sya nawala? Hay wag kang mag alala iha ipapahanap ko sya sa iba nating kasambahay dito ha. Wag ka ng mag alala dahil bawal ka ma stress para kay baby." Pinapatahan sya ni Granma pero hindi pa rin maiwasan ni Maymay ang matakot.
Hanggang sa nag ring ang cellphone nya.
"Hello, naka uwi na ba kayo ni Baby Ji? Hey..may kausap ba ko?" Sabi ng iritableng boses ni Edward.
"Edward,, ano kasi..ahhh.." Nauutal na sabi ni Maymay ng bigla na lang hinablot ni Granma ang cp nya.
"Ang ibig sabihin ni Maymay..oo nandito na sya sa loob ng bahay naten. Bakit ba nasa labas ka pa iho? Pumasok ka na nga sa loob." Sabay end ng call. Humarap sya kay Maymay.
"Wag mo na munang sabihin na nawawala yung aso iha..habang hinahanap pa natin ok?"
Agad na pumasok si Edward at lumapit sa lola at asawa nya na nakaupo sa living room.
"Sorry mejo na late ako..are we going to eat na? Teka nasan si Baby Ji? Nagpaluto ako ng chicken for him alam nyo naman na favorite yon ng alaga ko. Baby Ji! Andito na si daddy..teka asan na ba yun? Ei? Maymay..nasan na yung aso?"
"Nawala ko sya.." Mahinang sagot ni Maymay na sinabayan naman ng malakas na sagot ni Granma.
"Nasa kwarto mo" malakas na sagot ni Granma.
"Ha..teka hindi ko kayo maintindihan eh..nasan na yung aso?" Nalilitong tanong ni Edward.
"Nawala ko nga sya.." Mas malakas na sagot ni Maymay na sinabayan nang muli ni Granma sa pagsasalita.
"Nasa banyo.." Sagot ng matanda sa apo.
Hindi na nakatiis si Maymay kaya naman tumayo na sya para sabihin kay Edward ang totoo.
"Sorry Edaward. Nawawala si Baby Ji at ako ang may kasalanan. Kanina ko pa sya hinahanap pero wala talaga." Mangiyak ngiyak na sabi nya sa binata.
Nagpipigil ng galit si Edward sa narinig pero hindi nya napigilan ang damdamin.
"Napaka careless mo! Walang muwang ang aso na yon sa labas! Wala yung ibang mundo kundi sa loob ng pamamahay na to. Binilin ko sya sayo para alagaan hindi para iwala! Nakaka inis ka, napakahalaga ni Baby Ji, mas mahalaga pa sya sayo dahil bigay sya sakin ni Heaven. Dapat ikaw na lang ang nawala eh!" Galit na bulyaw ni Edward kay Maymay na tuluyan ng umiyak dahil sa masasakit na salitang narinig nya mula sa binata.
"Hoy! Edward sumusobra ka na..bakit ganyan ka magsalita sa asawa mo?!" Sigaw ni Granma sa apo na patuloy pa rin ang pagtitig ng masama kay Maymay.
"Dapat lang nyang marinig ang totoo. Nandito ka lang dahil sa bata na dinadala mo..winala mo ang aso namin ni Heaven and Baby Ji was here first. Gawin mo ang lahat para mahanap mo sya! Move!" Pasigaw na sabi nya kay Maymay.
Niyakap ni Granma ang dalaga na agad umalis.
"Maymay! Iha, bumalik ka dito!" Tinatawag ng matanda ang dalaga na patuloy sa pagtakbo papalabas ng Mansyon.
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...