Hide and Seek

996 71 24
                                    


"Touch down, here I come Maymay." Bulong ni Edward sa sarili habang pinipilit ang utak na mag focus sa mga upcoming activities nya sa dito sa China. He came here for business, panahon na para palakasin ang sales abroad and what more can he ask for sa bansang ito? Big country, big population means big sales and more money for him to save, para sa future ng anak nya.

"Nandito na po tayo sir, shall we go?"

Agad na tumayo si Edward at hinayaang iassist sya ng assistant at kaibigan nyang si Yong.

Habang naglalakad sila Yong keeps on talking about his agenda for today at nanatili na lamang na tahimik ang binata. Tumango tango lamang sa lahat ng sasabihin ni Yong na napailing na lamang sa itsura ng kaibigan nya ngayon. Ever since umalis si Maymay sa buhay ng binata nag iba na ito, para na lamang syang isang humihinga at kumikilos na nilalang pero deep inside wala ng buhay, Maymay take his life with her when she went away.

Isa na lamang empty shell si Edward, a pale version of his former self at nalulungkot si Yong sa sinapit nito. Hiling nya na sana kung hindi man sila itinakda ni Maymay ay mahanap na ng binata ang kaligayahan na laan para sa kanya.

"May 30minutes to spare pa tayo once we arrived at the hotel, after that the investors will meet up with you on one of the hotel's VIP rooms and then we will have a meeting with Mr. Xiao for upcoming marketing strategies in stored for our business here."

Tahimik lamang na nakikinig ang binata sa litanya ni Yong ng makita nya ang service na pinadala ng hotel, napatulala sya. Kahawi na kahawig ng van na ito ang van na sinakyan nila ni Maymay patungong Pavillion hotel.

---------------------------------------------------------------------

FLASHBACK

 Nang mag end na ang call ay agad syang nagtungo sa labas para hanapin ang service van. Nang makasakay na sya dito akala nya agad na silang magtutungo sa Pavilion pero ng tanungin nya ang driver at crew kung bakit hindi pa umaalis..

"May isang client pa po tayong hinihintay sir. Si Ms. Marydale Entrata." Explain ng crew sa kanya.

"Well you should call that girl and say hurry up. We dont have to waste our time waiting for her" masungit na suggest nya dito.

Nahalata naman ng crew na naiinip na ang binata kaya sinunod nya ang suggestion nito.

"Hello? Ms. Marydale we're waiting for you at the parking lot po." Agad na sabi nya rito.
"No mam, hindi po silver ang kulay ng van..black po na may logo crest na gold sa gitna. Ok po mam" Binaba na nito ang cellphone sabay lingon sa binata.
"She's on the way na po sir nagkamali lang pala ng hinahanap na van. Makakaalis na rin po tayo agad."

Tumango lang si Edward. Ng biglang may kumatok sa window pane ng van. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala kung sino ang nasa harap nya.

"Oh no..not that girl again" naiinis na sambit nya.

Ganun din naman ang reaksyon ng dalaga ng makita ang kasabay nya sa van.

"Grabe naman..ang malas ko talaga." Napapikit na lang si Maymay at derechong umupo malayo kay Edward. Hindi naman ito nagsalita kaya pinili nyang iignore na lang din ito.

"All aboard! Lets go!" Masayang pag aanounce ng crew at agad ng umandar ang van nila.

"Mag eenjoy po kayo for sure sa Pavilion Hotel. And if you're looking for love this is the place to be. Marami na po ang nag meet sa hotel namin and they ended up being together or else married. So goodluck sa inyo mam and sir." Good natured ang crew, halatang friendly at masayahin kaya naman ngumiti lang si Maymay sa sinabi nito. Inignore naman ni Edward ang crew at nag iwasan sila ng tingin ni Maymay.

------------------------------------------------------------------------------

Napangiti ang binata sa naalala. Manghang mangha naman si Yong habang nakatingin sa amo nya na bigla na lang ngumiti ng walang dahilan.

"Nako, patay na nabuang na to si Edward." Bulong ni Yong na agad tinapik ang amo sa balikat.

"Uy sir, long time no smile ah. Kung ano man ang naisip nyo ah, I like it. Matagal tagal na rin mula ng mag ngingiti kayo ng ganyan." Nanunuksong sabi ni Yong sa binata na namula ang pisngi sa hiya.

"Ah,,wag mo na lang akong pansinin. May naalala lang ako." Sagot ni Edward na agad ng pumasok sa van kasunod ni Yong.

"Sus..alam ko kung ano yang naalala nyo na yan."

"Yong..shut up."

---------------------------------------------------------------------------------

"Thank you Maymay ah, ikaw pa mismo ang nagdala ng mga cupcakes na inorder ko. Nakakahiya naman sayo." Sabi ni Mrs. Sy sa dalaga na ngumiti na lamang sa babae.

"Wala po yun Mrs. Sy, excited nga po ako kasi nakapasyal ako sa ganitong klase ng hotel, ay grabe napakayaman po pala ng asawa nyo'ng Chinese no?" Manghang mangha ang dalaga.

Isa si Mrs. Sy sa mga mayamang pinay na naka based sa China, isa sya sa mga sinwerte sa buhay at nakapangasawa ng mayaman. Linggo linggo itong nagsisimba sa Catholic Church kung saan nagse serve si Maymay at rumaraket sa pag gawa ng cupcakes at iba pang mga pastries.

"Sinwerte lang at naging mabait sakin ang tadhana. At ngayon isasama kita sa mga panalangin ko, na sana bumait bait naman ang tadhana sa iyo at sa baby mo ha? Dont forget, you can always come here and ask for my help sa kahit anong bagay."

Masayang tumango na lamang si Maymay, sana nga kahit ngayon lang maging pabor naman sa kanya ang mailap na tadhana.

Nang makapag bigay na ng bayad ang kliyente ay agad ng nagpaalam si Maymay. Sa wakas tapos na sya sa pagdedeliver ng mga na bake nya na cupcakes and cookies. Naging magaang ang loob nya ng maisip na mayroon na syang kaunting ipon para masimulan ang business na gusto nya.

"Para sayo to anak."

Naglakad sya papunta sa elevator, ng nasa lobby na ay napansin nyang napigtas ang bracelet na suot nya, nahulog ito sa lupa. Biglang kumabog ang dibdib nya.

"Huh..grabe. Bakit ako kinabahan, bracelet lang naman ito. Hay Maymay, kape pa more." Sita nya sa sarili agad nyang kinuha ang bracelet sa sahig, sakto namang daan ng dalawang lalaki na may dalang isang malaking painting with gilded frame.

Parang eksena sa pelikula, yung tipong pakiramdam ni Maymay huminto ang lahat.

Tud, tud, tud....

----------------------------------------------------------------------------

Habang inaayos ni Yong ang details sa reception area nauna ng mag explore si Edward. He heard from a friend na may magandang view ang hotel na ito from the rooftop and he's itching to go there as soon as they got here. Naglakad sya ng hindi nagpaaalam kay Yong, he quietly looks around. Saktong pag daan nya ay may nakasabay syang dalawang lalaki na may dalang isang malaking painting with gilded frame.

Painting ito which illustrates a long distance love between couples. Napatingin sya dito, turning curious hanggang sa mas pinili na lamang nyang maglakad patungo sa elevator. Never once looking back.

---------------------------------------------------------------------------

Nang makuha na ni Maymay ang bracelet nya, naalala nyang isa ito sa mga bagay na binigay ni Edward sa kanya, noong mga happier days pa nila. Napa iling na lamang sya, dahil siguro sayo kaya kumakabog kabog na naman tong puso ko...........

Hindi nya mawari kung bakit sya napalingon, anung meron? Hanggang sa napatingin sya sa isang lalaki na naglalakad palayo...

Tud, tud, tud....

"Hay, nako Maymay. Watch dramas pa more. Imposible namang si Edward yun no,, hello?" Agad ng lumabas ang dalaga at hindi na inisip pa ang mga weird na pangyayari nung araw na iyon.


TBC^^

A/N : Need ko ng partner para kay Marco. Shall we vote?

           Pls. choose between Kisses or Vivoree.

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon