The result

2.2K 108 23
                                        

Dinala ni Edward si Maymay sa Pavillion Hotel's Rooftop kung saan makikita ang 360 degree spectacular view ng buong bayan. Maraming mga couples ang kasalukuyang nagdidinner habang nakikinig sa live singers na nagpeperform.

"Waaahhh...hindi ko alam na ganito pala ang scene sa rooftop." Amaze na amaze si Maymay sa nakikita.

"Well pasalamat ka at nakilala mo ko kaya naexperience mo to. This place is exclusively for couples at mejo pricey ang bayad para makapag dinner dito."

"Palagay ko sulit naman ang bayad..ang ganda eh. Teka, di ba nabanggit mo na magpopropose ka na sa girlfriend mo? Nasan na ba sya?" Tanong nya kay Edward na biglang napasimangot, halatang naiinis pa rin sa ginawang pangiinjan ng gf nya.

"Hayaan mo na yun. As expected..mas pinili pa rin nya yung career kesa sa tahimik na buhay kapiling ko. Kaya ayun..jilted fiancee ako. Haha" Edward chuckled to himself while Maymay patted him on the back. Nagtungo sila sa railings na matatagpuan bandang gitna ng rooftop space, naka elevate sila sa dining area kung saan maraming mga magkasintahan ang nageenjoy na kumakain at nakikinig sa musika.

"Sorry to hear that. Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala at sa tingin ko mabait ka naman. Sana sa susunod hindi ka na injanin ng mahal mo." Biro ng dalaga sa binata na napangiti sa kanya.

"At ikaw naman..sana makahanap ka na ng magseseryoso sayo. Maging matalino ka sa pag pili. Saka mag ayos ka..tignan mo ngayon. You look breathtaking." Compliment nya sa dalaga na namula ang mga pisngi. Napalingon silang dalawa ng biglang lapitan ng dalawang musicians na nagpe-play ng violin.

"What the..oh no..nakalimutan kong sabihan si Manager." Sambit ni Edward.

"Huh? Anung ibig sabihin nito Edward?" Gulat na tanong ni Maymay.

Agad na sinundan ng dalawang staff na may dalang white coated choco moist cake at may mini sparkler na candle on top ang dalawang musicians. Lumapit na rin ang manager.

"Congratulations sa inyo Mr. Barber and Miss Heaven." Bati nito sa kanila.

Agad na napagtanto ni Maymay ang sitwasyon. Naisip nya..ngayon sya naman ang magliligtas kay Edward. Hinawakan nya ang kamay nito at masayang nag pasalamat sa manager.

"Thank you sa effort nyo." Confident na sagot nya. Tinignan sya ni Edward, may kinuha ang binata sa bulsa ng coat nya. Binuksan nya ito at lumuhod kay Maymay.

"Heaven, will you marry me?"

"I will." Nakangiting sagot ni Maymay at agad na isinuot ni Edward ang singsing sa daliri ng dalaga.

"Congrats! Now may i present po sa inyo ang aming customized couple stuff toy. May paniniwala kasi ang karamihan na kapag dito nagkakilala or nakapag propose ang magkasintahan ay hinding hindi na sila muling maghihiwalay. Goodluck sa inyo mam sir!"

Busy naman sa kakakuha ng pictures ang staff at agad silang nag cheer ng yumuko ang binata para halikan si Maymay.

"Hala..hindi ito ang first kiss ko pero bakit ang lakas ng tibok ng dibdib ko.." Naisip ng dalaga ng dahan dahang dumampi sa labi nya ang mga labi ni Edward.

Kung sya lang sana talaga ang bida sa eksena na yon malamang nahimatay na sya sa sobrang kilig. Kaso hindi. Ngayong gabi lang ito..umaarte lamang sila. Bukas pag gising nya back to reality na naman sya.

Inakbayan sya ng binata at ngumiti sa camera. Pagkatapos silang icongratulate ng mga kinikilig na staff inaya ni Edward si Maymay sa exclusive spot ng rooftop. Naupo lang sila at nagrelax habang magkatabi. He held her hands and gently said..

"Babaeng stalker..salamat ah."

Napangiti lang si Maymay habang patuloy na tinitignan ang kalangitan.

Baby on the way (Mayward)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon