Napatitig na lamang si Marco sa dalaga.
"Oo naman Maymay, welcome na welcome ka dito sa orphanage. Isa ka sa mga active na volunteers dito, you help in anyway you can so dapat lang na tulungan ka namin ngayon when you're the one in need."
"Thanks ah, mejo complicated lang kasi ang sitwasyon ngayon sa bahay." Pag explain ng dalaga sa kaibigan.
"No explanation needed, we will help you as much as we can."
"Tutulong ako sa mga Gawain dito don't worry."
"I'm looking forward to working with you." Sagot ni Marco sa dalaga.
"Sir! Nandito ko para mag volunteer work.. Saka para makitira din ho dito..kung pwede?" Masayang sabi ni Yong na walang kaabog abog na pumasok sa office area nila Marco.
"Huh? Di ba ikaw yung assistant ng fake husband ni Maymay?" Nalilitong tanong ni Marco.
"Oh no no no, legal po lahat ng papers regarding sa marriage ng amo ko..este ex among ko at ni Ms. Maymay. Sorry."
Depensa ni Yong sa boss nya."Yong..ah. Anong ginagawa mo dito.."
"Well Ms. Maymay, since ilang bwan na kong hindi nakakabayad ng upa pinalayas na ko ng landlady namin kaya naman please, take me.." Nagmamakaawang sabi nito sa dalaga.
"Pero, assistant ka ni Edward, pwede kang humingi ng assistance sa kanya."
"Well..galit kami ngayon Ms. Maymay kaya naman wala na talaga Kong malalapitan, pls. Fake father Marco, help me.." Lumingon si Yong kay Marco na napapailing na lang sa pag arte ng binata.
"You can stay, you can help but hindi ka pwedeng makialam. For example may gustong gawin si Maymay, hindi mo sya pwedeng pigilan sa kung anong gusto nya.."
"Sus..bakit ko naman pipigilan si Ms. Maymay, galit nga po kami ni Edwardo eh, team Maymay na po ako ngayon.."
"Weh?" Natatawang tanong ni Maymay sa binata.
"Oo naman..solid to."
Hinayaan na ni Marco ang dalawa na mag stay, hinatid nya ang mga ito sa mga spare rooms na nakalaan sa mga guest na bumibisita sa mga bata.
Alam nya sa sarili nya na hindi nagsasabi ng totoo si Yong. Malamang sa alamang inutusan ito ni Edward para bantayan ang asawa.
Manigas ka Edward. I'll grab this chance to steal her heart and you can't do anything about it.
---------------
Nag mall ang magkasintahan pagkatapos mag unwind. Nag enjoy naman si Edward sa company ng girlfriend nya. What more can he ask for, a lovely girl with a humor, fun to be with. May class kumilos at yung magiging proud ka iharap sa ibang tao.Pero parang may kulang...
"What do you want for your birthday?" Tanong ni Heaven sa nobyo while enjoying some cakes and coffee.
"Hmmm..ang wish ko sana magstop ka na sa career mo and sana pumayag ka na sa proposal ko para naman maging happy na ang buhay ko." Malungkot na sagot ni Edward.
"Aww..I'm sorry. Ilang years na lang naman ang aantayin mo. I mean, ako bilang na ang mga araw na tatakbo para sa career ko pero pag naging asawa at nanay na ko forever na yun. Let me have this one please.." Malungkot ring sabi ng dalaga sa bf nya.
"I know..I understand.."
Naisip ng binata, hirap na hirap yung taong mahal nya na ilet go yung career nito para sa kanya samantalang si Maymay walang patumpik tumpik na iniwanan ang lahat para lang sa kanya.
Hay, bakit ba kumplikado ang lahat?
Nagvibrate ang phone nya at agad nyang binuksan ang message galing kay Yong. May naka attach na picture ni Maymay, naka simpleng T-shirt at short lang ito, magulo ang buhok pero may malaking ngiti sa labi habang may kargang baby, akmang nagpapaligo si Maymay ng bata sa orphanage.
Napatawa sya ng mahina sa nakita, isang simpleng babae na naguumapaw sa kaligayahan, alam nya nasaktan na naman nya ang dalaga dahil sa biglaang pagdating ng gf nyang si Heaven pero masisisi ba sya ng lahat kung hanggang sa ngayon nalilito pa rin sya sa mga bagay na dapat nyang gawin?
"Ed? Why are you chuckling like a crazy person?"
"Ah, wala. May nakakatuwang picture lang akong nakita, nakaka gaan ng loob."
--------------
Masayang nakipag laro at inalagaan ni Maymay ang mga bata sa orphanage. Masaya syang makita na kahit walang mga magulang ang mga bata na nandito ay napapalaki naman sila ng maayos ng mga ate at kuya sa lugar na ito na walang sawa sa pagtulong sa simbahan.
Pero may isang araw sya na hindi malimutan. May isang two year old na bata ang maswerteng inampon ng isang dayuhang pamilya. Masaya ang mga nurses na nag alaga sa bata, sa wakas magkakaroon na muli ito ng magulang, ng pamilya at ng magandang kinabukasan.
Maraming luha ang tumulo sa pag alis ng bata sa orphanage, ang iyak at paalam ng ibang mga bata na halata ang lungkot sa mga mata, naiingit na may isa sa kanilang sinuwerte. May luha ng pasasalamat sa mga madre at pari na walang sawa sa pagdarasal para sa ikabubuti ng mga bata.
Ang pinakamasakit na luha ay luha ng mga ina,,ng mga yaya, nurse na araw araw inalagaan ang mga bata na ito na para na nilang tunay na anak, iyon yung luha ng kalungkutan dahil minahal nila ang munting nilalang na tuluyan ng lumisan. Luha iyon ng pangungulila dahil nagmahal sila, minahal nila ang isang bata na hindi man nanggaling sa sinapupunan nila ay nanggaling naman sa puso nila.
Malungkot na lumuha si Maymay ng gabing iyon. Naisip nya ang sarili sa oras na kailangan na..kailangan na nyang iwan ang anak nya. Wala syang ibang magagawa kundi lumuha at masaktan. Dahil nagmahal sya, hindi nya sinasadya pero nagmahal sya.....
Tahimik na nilapitan sya ni Marco, niyakap nya ang dalaga na patuloy sa pagluha.
"Kung ano man yang dinadala mo sa dibdib mo Maymay, iiyak mo lang lahat. Trust in the lord that he will not forsake nor forget you.."
---------------------
"Yong, why the fuck are you not answering my texts?" Iritableng sabi ni Edward sa assistant na nakatingin ng patago kila Maymay at Marco.
"Sir, hayaan nyo na muna si Ms. Maymay. Malungkot yung tao ngayon eh.."
"Bakit, anong nangyari? May nangyari bang masama, kamusta sya at si baby?"
Napabuntong hininga na lamang si Yong. Alam nyang may feelings na rin ang amo sa dalaga pero mahirap ayusin ang magulong relasyon na ito.
"Umiiyak si Ms.Maymay, may isang bata kasi na na adopt na. Nakita nyang humagulgol yung babaeng nag alaga sa baby. Siguro naisip nya magiging kapalaran nya kapag kinuha nyo na sa kanya yung anak nyong dalawa. Kawawa naman.."
"Shit"
Balisa si Edward sa narinig, gusto nyang puntahan ang dalaga para icomfort ito. Para punasan ang luha nito at sabihing "Wag kang mag alala, no one will take our baby away from you, from us.." Pero hindi pa tamang panahon. Kailangan pa nyang ayusin ang side nila ni Heaven.
"Keep watch.."
TBC
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...