"Ay ginoo.. Anu ba?? Talaga ba'ng trip mo mang gulat ha?! Kaloka naman to." Hawak ni Maymay ang dibdib nya nang mabilis syang humarap kay Edward.
Tinitigan lamang sya ng binata na bahagyang nagtaas ng kilay.
"No..you're the one who's always oblivious. Come inside, Grandma is already waiting." Agad tumalikod ang binata na hindi man lang tinulungan si Maymay para buhatin ang mga bags na dala ng dalaga.
"Sunget mode na naman sya. Tsk." Tahimik na hinila ni Maymay ang trolley bag at iba pang bags na dala nya at agad na sumunod sa binata.
"Waahh..grabe. Mansyon nga.." Namamanghang bulalas ni Maymay sa sarili habang nakatingala sa magarbong tahanan nila Edward.
"Isara mo yang bibig mo. Halatadong hindi ka sanay sa mga ganitong klase ng lugar. You have to change that attitude if you want to be seen beside me. Tandaan mo, hindi ako sanay sa mga taong walang class." Seryosong sabi ng binata ng makita nito ang expression sa muka ng dalaga habang nakatingin sa mansyon nila.
Inirapan na sya ni Maymay dahil sa inis.
"Lakas naman ng aircon sa mansyon nyo, grabe ang lamig mo sir nag chi-chill ho ako. Makapasok na nga,.." Naiinis na sabi nya rito at mabilis syang pumasok sa bahay. Kinakabahan syang pumasok sa malaking living room ng..
"Maymay! My grand daughter in law nandito ka na pala apo. Halika, ano kamusta naman ang byahe mo iha? Napagod ka ba, gusto mo na bang magpahinga na muna?" Nag aalalang tanong ni Granma kay Maymay na agad nyang hinatak at pinaupo sa sofa katabi nya.
"Ah, maayos naman po ako Granma. Mejo nalate lang kasi natraffic po ako saka mejo marami akong dala kaya sagabal sa byahe." Sagot ni Maymay sa matanda.
"Bakit ka mamomroblema sa mga dalahin mo iha eh pinasundo kita kay Edward? Teka, wag mo'ng sabihing.."
"I'm a very busy person Granma. Wala akong panahon para sunduin si Maymay kaya naman pinabyahe ko na lang syang mag isa." Explain ni Edward sa matanda na napakunot ang noo.
"Alam mo iho..alam ko'ng medyo may kagaspangan yang ugali mo pero sana man lang be considerate sa babae'ng magluluwal ng anak mo. Hay nako..ang mga lalaki nga naman. O sige na iha, kung gusto mo ng magpahinga magpunta na kayo ni Edward sa kwarto nyo."
"Ahm..Granma..kwarto po namin?" Nagtatakang tanong ni Maymay sa matanda. Naisip nya sa laki ng mansyon na yon panigurado maraming empty rooms na pwede pa nyang gamitin. Bakit naman pumayag si Edward sa ganung set up.
"I'll explain everything once we're on my room ok? Come on..bilisan mo."
Utos na naman ng binata sa dalaga. Agad na lumakad patungo sa hagdan si Edward. Tumayo na si Maymay, nagpaalam kay Granny at sinundan ang binata.Once they are in Edward's room
"Stay here, I'll just get something then we'll talk."
Tahimik na umupo si Maymay sa sofa, inilagay ang handbag sa center table. Nagulat na lamang sya ng biglang bumukas ang flat screen tv sa harap nya. Aksidente palang nadaganan ng bag nya ang remote..
"Hi everyone..this is My sweetest sweetheart Edward. Ang pogi nya no. Sobrang mahal ko po ang lalaking ito dahil he lets me pursue my dreams kahit na ilang beses ko na syang nasasaktan." Sabi ng isang boses na alam ni Maymay na si Heaven. Agad na nafocus ang camera sa muka ni Edward na hawak hawak ang isang cute na cute na shi tzhu.
"Ano ba yan..irerecord mo na naman tong pambabasted mo saken." Nagtatampong sabi ng binata sa camera.
"No I'm recording how much I love you. I promise na pagkatapos ko ma achieve ang mga pangarap ko magiging masaya na tayo as Husband and Wife. Konting tiis na lang mahal ko. I love you." Biglang nagulo ang camera at ngayon ay nafocus na sa muka ng dalawang magkasintahan. Masayang nakangiti si Heaven sa camera at agad na hinalikan sa cheeks si Edward na biglang napangiti.

BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
Hayran KurguWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...