To Jasmine Island

1.9K 82 25
                                    

Nagpunta si Maymay sa orphanage. Mahilig kasi sya sa mga bata, she likes their innocence at ang abilidad nila to trust. Dahil sa inosente pa, hindi pa nila alam ang kapintasan ng mga may edad na..ang pagiging judgemental.

Nag spend sya ng umaga kasama ang mga bata na agad namang nakapagpa gaang ng kalooban nya.

At ngayon papunta na sya sa office para mag file ng emergency leave. Hindi tatanggihan ang request nya na ito..malamang perfect attendance sya ever since nagtrabaho sya sa kumpanyang ito.

"Well..oras na para ayusin ko ang lahat."

++++

Meanwhile sa Mansyon ng pamilya ni Edward.

"Ah, madam..may kanina pa po may nagrerequest ng video call. Tumawag na po sya sa atin kase mukang busy daw po kayo at ayaw nyong sagutin." Magalang na pag iinform ng housemaid.

"Teka, teka..ay nako mamatay na ko. Argh! Hay nako Nelly. Di ba sabi ko wag akong istorbohin pag naglalaro ng ps4? Ayan at na deads tuloy ako.." Nagtatampong sabi ng lola ni Edward sa maid nila.

"Eh mukang importante po madam, saka ang pogi ng boses sa telepono eh naisip ko baka boy toy nyo ho." Malokong sagot nito sa amo.

Natawa na lang si Granny sa tinuring ng kasambahay.

"Haha, sa edad ko na to. Pilya ka talaga. Sige pindutin mo na yang pipindutin sa video call na yan at alam mo namang hindi pa ko gaano marunong sa mga yan." Agad namang inayos ni Nelly ang video call.

Umappear sa malaking screen sa living room si Marco.

"Hi Granny! Kamusta na po? Mukang busy kayo ah, kanina ko pa po kayo kinokontak." Masayang sabi ni Marco sa matanda na makikita ang saya sa muka ng muling makita ang binata.

"Hi Marco! It is so good to see you. So you are back here again. Good good. I hope you will stay for good?" Bati ni Granny sa binata.

"I'll stay for a while I guess. May surprise po ako sa inyo Granny. I recently availed the Happy Bowl made by your longtime friend Mr. Zhang." Napangiti si Marco ng makitang abot tenga ang ngiti ni Granny.

"Hay kay ganda ng bowl na yun..pero pano mo nakuha ang original? Kilala ko si Zhang..maloko ang matanda na yon."  Nagtatakang sabi nya sa binata.

"Granma halos parehas lang kayo ni Master Zhang..gustong gusto nya na nagagamit ang mga work of arts nya at hindi lang dinedesplay. Kaya naman pinili ko yung bowl na mukang madalas na nagagamit sa pagkain." Explain nya sa matanda.

"Good job Marco.."

"Ah, madam..nandito na po si Sir Edward." Sabi ng maid sa matanda.

"At nandito na ang pasaway kong apo. Sige na Marco. I expect you to be here soon ok? Take care." At inoff na ng matanda ang video call.

+++++

Kakapasok lang ni Edward sa kwarto ng makita nya sa screen ng laptop nya na Heaven is online and asking for a videocall.

"I'm sorry sweetie.."
Malambing na bungad ng dalaga ng iaccept ni Edward ang request.

"You know that I'm hurt..truly hurt by what you did right?" Sagot nya sa gf.

"And I am sorry, sincerely sorry. Just this one sweetheart. Pagkatapos ko sa mga goals ko sa buhay pwede na tayo magpakasal. I promise I'll be a housewife lang na 100% commited sa pag aalaga sayo at sa magiging baby natin. Pero sa ngayon I want to dance and experience this once in a lifetime moment." Malungkot na sabi ni Heaven sa bf nya.

Napatitig na lang si Edward kay Heaven. Naiintindihan nya ang gf nya. Passion nito ang ballet, mas unang minahal ng dalaga ang pagsasayaw bago pa sya makilala, at sino ba sya para ipagdamot sa dalaga ang opportunity na ito?

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon