Ikaw na ba si Mr. Right?

1.5K 103 53
                                    

"Don't wait up on me ok? May importante ako'ng aasikasuhin. Big client to kaya I have to make the right impression" pag eexplain ni Edward kay Maymay thru the phone.

"Pero bakit madalas naman yata. Ni hindi ka na nakakapag stay sa bahay. Mayaman ka na huy..workaholic masyado." Reklamo ni Maymay sa asawa habang inaayos ang mga damit nya sa drawer.

Magto-two weeks na silang kasal ni Edward pero halos mabilang lang nya sa mga kamay ang mga sandaling nakakasama nya ang mister.

"Hey, ano gusto kasama mo ko araw araw 24/7..miss mo ko no?" Nag iinis na tanong nito sa dalaga.

"Huy! Anung miss miss ka jan. Hindi no..ahm..si Granma..miss ka na ng lola mo. Ikaw talaga alam mo namang matanda na yun hindi mo pa ienjoy yung mga araw na nakakasama mo pa sya." Namumula ang pisngi ni Maymay habang idinadahilan ang matanda.

"Kunwari ka pa...Teka Granny said na you two are going to this benefit party so...alam mo na." Sabi ng binata na busy sa pagpirma ng mga papeles.

"Huh? Anung alam ko na?" Nagtatakang tanong ni Maymay habang karga si Baby Ji, nagtungo na sya sa kwarto nilang mag asawa na nakadikit pa rin ang cp sa tenga.

"Hay..be on your best behavior kapag nandun ka na sa event. Magpaganda ka..wear a sexy dress and for *** sake please put that contact lense." Naiiritang sagot ni Edward sa dalaga..

"Sus..nagsimula na naman sa kasungitan.." Bulong ni Maymay sa aso...

"What did you say?"

"Ah..nothing pating..sir.." Malambing na sagot ni Maymay.

"And one more thing..dont flirt with anyone else there..or your dead..get it? Now magpahinga ka na..eat some veggies.."

Beep.

Agad na inend ni Edward ang call at patuloy na binasa ang mga nakatambak na reports sa mesa nya.

"Ayyiiiiee...ang tamis naman Mr. Barber..mukang nagkaka igihan na kayo ah. Nagseselos ka pa ngayon sir .. Imagine pinagbawalan nyo pa makipag flirt si Mam Maymay." Nanunuksong sabi ni Yong sa binata.

"Shut up Yong .. I only said that dahil mapapahiya ako sa event kapag nakita nilang nakikipag flirt sa iba ang asawa ko. Im not jealous. " madiing sagot ni Edward.

"Yeah..ulit ulitin nyo pa'ng sabihin yan sir hanggang sa mapapaniwala nyo ang sarili nyo. Hahaha^^" natatawang sagot ni Yong sa boss nya.

"Yong..remind me again kung bakit hindi pa kita sinesesante?" Naiiritang sagot ni Edward sa personal assistant.

"Because you love me sir..and I love you too. Hahaha." Halos sumakit ang tyan ni Yong kakatawa sa amo nya na wala ng ibang nagawa kundi ang mapailing sa kakulitan nya.

----

"Try this one iha..you will look cute in this terno." Agad na sinenyasan ni Granma ang stylist na pinapunta nya sa bahay.

Ng makita ni Maymay ang terno na tinutukoy ni Granma ay nanlaki ang mga mata nya.

"Ah..granma..di ba party po pupuntahan natin? Benefit event lang naman po..bakit filipiñana costume po ang isusuot ko?" Pinagpapawisan si Maymay sa nerbyos..ayaw nya isuot ang damit na napili ni Granma.

"Ah..as always. Ang mga kabataan talaga ngayon. Hindi na maapreciate ang beauty and elegance of our national costumes/clothes.." Napapabuntong hininga na lang ang matanda.

"Ah..hindi naman po sa ganun..ang sabi po kasi ng apo nyo kapag hindi ako maayos mamaya sa event eh papatayin nya ko..haha kaya ayaw ko ho suotin yan..baka matriple murder pa ko." Pag eexplain ng dalaga sa matanda.

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon