"When you love, you are giving him or her the power to hurt you"
------------------------------------------
Ilang araw din ang lumipas na nakasama ni Maymay ang mga bata sa orphanage. Iba ibang pag uugali ng mga chikiting ang nasilayan nya. Tama nga ang sabi ng iba, hindi madali ang maging ina. Maraming sakripisyo ang gagawin, maraming pagpapasenya at pag iintindi. Pero sa tuwing niyayakap sya ng mga munting anghel nawawala ang pagod nya.
At unti unti syang nagkakaroon ng lakas, lakas para ipagpatuloy ang pagsulong kahit hindi ka aya aya ang hinaharap.
"Alam mo anak, hindi ka naman talaga mawawalan ng magulang eh, sa totoo lang madaragdagan pa nga ang magulang mo. Ako na mama mo, si papa Edward mo at si Mommy Heaven mo. Maging absent man si Mama sa mga happenings sa bahay mo, may Mommy Heaven naman na hahalili sakin para alagaan ka." Masayang kausap ni Maymay sa kanyang baby bump na unti unti ng nagiging visible.
"Hoy! Ms. Maymay napapraning ka na naman, nagsasalita ka na naman mag isa." Masayang bulahaw ni Yong sa dalaga.
"Kakagulat ka naman Yong, anong nagsasalitang mag isa may baby sa tyan ko no. Sya kinakausap ko." Natatawang sagot ni Maymay.
"Ay oo nga pala..nasa loob yung love child nyo ni Edward." Nangaasar na sabi nito na tumabi sa dalaga.
"Masarap kasi isipin na kahit sobrang liit pa nya sa tyan ko eh naiintindihan na nya ko."
Tinapik ni Yong ang dalaga sa balikat.
"Alam mo Ms. Maymay, naaawa ako sayo eh dahil sa plano nyo ni Edward eh pero curious lang ako no, Hindi nyo ba naisip na sana kayo na lang ni sir Edward? Bakit Hindi nyo na lang sya ahm..agawin Kay Mam Heaven..yung mga ganung eksena.."
"Huy, anu ka ba. Hindi naman ganun lang kasimple ang lahat di ba. Saka hindi ko naman kailangan ipaglaban kung para sa akin talaga."
"Basta ako sinasabi ko lang sayo, Malay mo tadhana talaga na kayo, napipigilan ka lang dahil nga sa komplikadong sitwasyon. Pag naging kayo talaga ni Edward ee di masaya. One big happy family."
"Hindi ko kaya, anu ba naman ang Laban ko sa mestisang gf ng asawa ko..hahaha..ang sagwa pakinggan. Weird talaga ang relationship namin no."
"Puso ang tumitibok Hindi mata..saka may feelings naman na si Edward sayo."
"Sus, kampihan mo pa yang boss mo."
"Hindi nga, nagsasabi nga ko ng totoo isipin mo na lang ah. Magseselos ba yun ng ganun kung Hindi ka nya gusto. Naiinis na nga ko sa pagka possessive nya eh." Reklamo ni Yong sa dalaga.
Napaisip si May may, Hindi naman sya tanga para Hindi Mapansin ang pagiging seloso ng asawa. Lalu na Kay Marco.
Speaking of Marco.
"Hi Maymay, may pupuntahan ako today eh. Sama ka?" Alok ng binata ng lumapit kila Maymay at Yong.
"Hmm..sige ba wala namang Gawain today eh."
"Sama rin ako.." Sabat ni Yong.
"Nah, maybe nextime Yong..it's a special place na gusto kong ipakita sa isang special person.." Nakangiting lumingon ito sa dalaga na agad ng tumayo para magpalit ng damit.
"Sus ginoo..teka. Antayin mo na lang ako magpapalit na muna ko.." Namumula ang pisngi na naglakad palayo ang dalaga.
Tinitigan ng masama ni Yong si Marco.
"Fake father Marco..I'm watching you.." Nananakot na sabi nito sa binata.
"Hahaha, wow scary. Tell your boss to get ready. Divorce is coming his way soon. Plus the baby will be with Maymay. I'll make sure of that." Confident na sabi ni Marco.

BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanficWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...