Confrontation

1K 59 14
                                        

Maagang gumising si Maymay para asikasuhin ang mga kailangan ng asawa bago pumasok.

Inilagay nya ang painkiller pills at isang baso ng tubig sa bedside drawer nila. Marahan syang sumampa sa kama para gisingin si Edward.

"Edwardo..gising na uy. May pasok ka pa." Niyugyog nya si Edward. Agad namang nagising ang binata ngunit napangiwi sa sakit ng ulo.

"Damn, hangover." Hawak nya ang ulo habang umiikot pa ang paningin.

"Nalasing ka kasi kagabi. Nanjan yung gamot at tubig sa drawer. Uminom ka na para mabawasan yang sakit ng ulo mo."

"Thanks May.." Marahang sagot ni Edward. Tinitigan lamang sya nito at agad ng lumabas ng kwarto ang dalaga.

Napabuntong hininga na lamang si Edward. Alam nya hindi makukuha ng simpleng sorry lamang ang masasakit na salitang na banggit nya.

"Hay, sa to too lang Hindi ko na din alam ang gagawin ko." Sabi ng binata sa sarili na pinilit ng tumayo para simulan ang umaga.

--------------

"Breakfast is ready apo. Hayan kumain ka na.," masayang bati ni grandma sa apo.

Mabilis na nilibot ni Edward ang paningin, pasimpleng hinahanap ang kinaroroonan ng asawa.

"Wala si Maymay dito iho. Niluto nya lang ang breakfast mo then umalis na sya." Sabi ng matanda ng mapansing may hinahanap ang apo.

"Where did she go? It's too early in the morning." Nakakunot noo'ng tanong nya.

"Sa orphanage yata. Tinawagan sya ni Marco dahil may feeding program ngayon sa simbahan."

"What??? Kasama nya ang fake father na yon?" Galit na sigaw ni Edward. Napatulala ang matanda sa reaksyon ng apo.

"Ah..oo? As far as I know they are good friends, bakit apo? Selos ka?" Nangaasar na tanong ng matanda.

"Of course not.." Gigil na nginuya ni Edward ang almusal na hinanda ng asawa. Mabilis nya itong naubos, nagpaalam sa Lola nya and he goes out to meet Yong outside waiting for him.

"Let's go sir?"

"Let's go..to the orphanage."

Gulat na napalingon si Yong sa boss nya.

"Sir? Tama po ba ang narinig ko? Ano naman po ang gagawin natin sa orphanage?"

"To pick up my wife." Iritableng sabi nito sa assistant, agad namang sumunod sa instruction ang driver.

"If that fake father dares to touch Maymay I will kill him with my bare hands."

"Wow, parang totoo sir ah. Haha"
------------------

"Mabuti naman at nakapunta ka ngayon Maymay, kala ko sobrang busy mo na." Masayang sabi ni Marco sa dalaga habang inaasist nila ang mga bata sa paghahanap ng mauupuan.

"Nako sa totoo lang tumakas lang talaga ko. Yung husband ko kasi mejo di maganda yung ugali. Hindi ko maintindihan kung anong gusto."

"Well I hope na sana mapadalas pa yung pagpunta mo dito para palagi kitang nakakasama." Masuyong nginitian ng binata ang dalaga na napayuko na lang sa hiya.

Naku eto na naman ako. Maymay pigilan mo sarili mo. May asawa ka na lumalandi ka pa, pero shete naman kasi ang pogi rin ni Marco. Anu ba yan..

"Well well well, look what we have here.." Sarcastic na sabi ni Edward habang tinitignan ang dalawa.

"Oh, Mr. Barber, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Masayang bati ni Marco sa binata.

"Well nandito ako para sunduin ang asawa ko." Seryosong sabi ni Edward na agad na tumingin sa dalaga.

"Sorry kung di ako nakapag pa alam nagmamadali na kasi ako." Agad na sabi ni Maymay.

"I don't care, tara na and I'll bring you back home."

"Pero gusto ko magspend ng time dito sa orphanage, Simula ng naging asawa kita hindi na ulit ako naka tulong dito." Malungkot na sagot ni Maymay.

"Ah..how sad. Mas pinahahalagahan kasi ni Mr. Barber ang salapi kaysa sa pag tulong sa kapwa. Intindihin mo na lang sya Maymay." Sabi ni Marco na nakatitig sa binata.

"Shut up you don't know me so better not judge me."

Agad syang tumingin sa dalaga na para bang nagmamakaawa sa kanya na wag na muna silang umalis.
-------------

"Why the hell am I doing this?" Sabi ni Edward habang sinusubuan nya ang isang two year old na bata.

Kasalukuyan silang nakaupo sa mga kiddie chair kasama si Yong.

"You are doing this for love sir. Aja kaya mo yan. Wag kang magpatalo sa fake father na yun. Fighting!" Masayang sagot ni Yong habang sinusubuan rin ang bata na nakakakandong sa kanya.

"Hay nako.."

Napalingon si Edward sa kabilang table kung nasaan ang asawa nya na nag assist din sa mga bata. Saktong paglingon din nito sa kanya, napangiti na lamang si Maymay sa asawa.

"Thank you" bulong nito sa kanya.

Nag thumbs up lang si Edward kay Maymay.

Naisip nya, mas masarap sa pakiramdam na nginingitian sya ng asawa kesa sa sinisimangutan sya.

TBC

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon