Empty bottle of beers..
Many empty bottle of beers. Naka ilan na nga ba si Edward? Ni hindi na nya mabilang, sumasakit na ang ulo nya sa lakas ng tugtog sa bar na kinaroroonan nila. Habang patuloy sa paglagay ang ate ng asawa nya ng alak sa baso nya.
"Arrggghh!!! When will I finish this goddamn thing?? It keeps on refilling itself?" Sigaw nya sa baso na wala namang alam sa pinagsasabi nya.
"Ah, sir. Tagay ho ang tawag dyan at kanina pa kayo tinatagayan ng sister in law nyo so basically lasing na po kayo kaya pag gising nyo bukas malamang may hang over kayo at hindi nyo na matatandaaan to'ng mga pinagsasabi ko." Masayang sabi ni Yong sa boss nya na kanina pa nya kinokotongan. Ganti nya sa mga panahong sobrang inis na sya dito pero wala syang magawa, hindi naman maalala ni Edward ang mga gagawin nila ngayon kaya naman enjoy na enjoy si Yong pagtripan ang boss nya.
"Ate, baka pwedeng tama na yang tagay na yan kay Edward. Tignan mo oh, shenglot na talaga sya." Sabi ni Maymay sa kapatid habang tinitignan nila si Edward na nakayakap sa bote ng alak at tila nagso sorry dito.
"Oo nga ano? Tignan mo yang impakto na yan. Sa bote pa ng alak nakuhang mag sorry. Ay nako siraulo talaga." Natatawang sabi ni Baninay sa kapatid. Sinenyasan na nito ang waiter na kanina pa nag aasist sa kanila.
"Eto yung card namin, paki credit na lang dyan yung bill namin."
"Alis na tayo? Awww nag eenjoy pa ko eh" Reklamo ni Yong.
"Oy oy, tama na yan ah. Kayo ng ate ko, may violent tendency kayo. Sige na Mr. Yong paki assist na lang muna si Edward." Sabi ni Maymay habang inaalalayan din ang asawa sa pagtayo. Napa sandal bahagya si Edward na agad umakbay sa asawa.
"Maymay, my wife. What the hell are you doing here? You should be at our home not some bar...I'm sorry. Sorry.." nag slur na sa pagsasalita ang binata dahil sa kalasingan kaya naman napailing na lang si Maymay.
"Hay, ni hindi ko masigurado kung sincere ka ba o hindi"
Sa tulong ni Yong nagawa nilang makauwi ng safe sa Mansion nila Edward. Gabi na masyado kaya naman tulog na si granny pag uwi nila. Inasikaso ni May may ang lasing na asawa.
Dahan dahan nyang inalis ang damit into at pinahiga ng maayos sa kama nilang mag asawa ng magulat na lamang sya ng hilahin sya nito. Napahiga sya sa ibabaw ni Edwards.
Niyakap sya ng binata.
"I'm sorry. From the bottom of my black heart. Hindi ko sinasadya na masaktan ka sa mga salitang nabanggit ko. You mean something to me. Remember that." Lasing na sabi nito.
Pinigilan ni May may ang pag ngiti.
"Hindi..lasing lang sya May may, wag ka magpadala." Bulong nya sa sarili.
Humiga sya sa tabi ng binata at nakatulalang tumitig sa kisame. Nag iisip.
"Alam mo madalas Hindi ko na alam kung san ko ilalagay sarili ko sayo."
Malungkot na banggit nya sa nahihimbing na binata.
------------------
Author's Note : Chapter's will be finish first sa drafts ko before I publish. This story will be finished before I publish the sequel of DEAR FUTURE BOYFRIEND. Thanks
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
Fiksi PenggemarWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...