Monday : Messing up my mind

1.5K 72 27
                                    

Alam mo yung feeling na ayaw mo'ng umasa kasi ayaw mo'ng masaktan pero wala kang magawa kundi umasa pa rin. Napapailing na lamang si Maymay sa mga idea na pumapasok sa isipan nya. Mahirap ang hindi kiligin noh, lalo na sa asawa nyang ay kay gwapo nga naman.

Edward has been great with her these past few days, naging mas caring ito sa kanya, sa totoo lang naiisip nga nya na siguro dahil lang ito sa baby na nasa tyan nya pero kapag nahuhuli nyang nakatingin sa kanya ang binata napapaisip sya, pano kung totoo nga na may feelings na rin ito sa kanya. Ee di masaya, ang problema lang takot sya kapag sumasaya sya, at the back of her mind nasa isip nya na baka ang kaligayahan na nararamdaman nya ay pansamantala lamang. 

Inaayos na nya ang mga luggage na dadalhin nila ni Edward sa kanilang one week vacation sa hometown nya sa Jasmine Island. Masaya sya dahil makakauwi muli sya sa bahay nila. Nung nakaraang araw nga lang ay umusok ang tenga nya sa walang patid na sermon ng mama nya na bihira lang tumawag sa kanya. 

"Hay Jasmine Island, pauwi na si Maymay. Sa wakas makakalanghap na rin ng malinis na hangin to'ng baby sa tyan ko."

"Huy!"

"Ay kalabaw! Anu ba Edwardo??!!! Nakakainis ah." Masungit na sabi ni Maymay.

"Hay, ayan na ang mood swings." Napapailing na sabi ni Edward.

"Mood swings ka jan, napaka sweet ko kayang buntis. Wala ka ng makikita at makakasamang buntis na kasing behave ko noh." Nakairap na sabi ng dalaga habang inilagay na lahat ni Edward ang mga damit nya sa kama.

"Paki tupi then ilagay mo na sa luggage natin. I'm just gonna check on some things that would be left behind in my office. Ok?" Nagmamadaling nag ayos ng sarili ang binata.

"Sus, nag utos pa ang impaktong to.." bulong ni Maymay sa sarili.

Bumalik si Edward at lumapit sa kanya. 

"I'll be going then. Wag magpagod masyado after this you take a rest and eat." Hinalikan nito si Maymay sa pisngi at agad ng umalis. 

Hinawakan ng dalaga ang pisngi nya, nanlaki ang mga mata. Kumabog ang dibdib, namula ang pisngi.

"Hinalikan ako ni Edward? Arrggghhhh,,,,oh my GDRAGON...hahahha"

--------------------------------------

"HHaaaayyyy, home sweet home!!! Anu ba yan di man lang tayo sinalubong nila mama  dito. Grabe bai,.." Reklamo ni Maymay pagka baba nila sa bangka na naghatid sa kanila.

Napailing na lang si Edward, alam nyang sinadya ng manugang nya na wag silang salubungin para magdusa syang magbitbit ng mga bagahe. Pero he comes in prepared.

"Yong, kayo na bahala ng kapatid mo sa mga luggages ok? Mauna  na kami ni Maymay, we will take a walk back to her home na lang." Utos ni Edward sa kanyang assistant na sinama ang kuya nyang si Tanner para tumulong. 

Malaki ang potential ng kuya nya sa modeling field at matagal na nyang sinusuyo ang boss nya para naman mabigyan ng magandang project si Tanner sa mga upcoming projects ng BB Corp. At dumating nga ang chance para sa kuya nya ng manghingi ng favor sa kanya ang boss nya. Tanner is here para idistract ang mga kababaihan kapag may mga oras na sumosobra na sila sa pagtorture kay Edward. Katulad nga ng naisip ni Edward kanina, he really does come in prepared.

"No problem Mr. Barber." Sagot naman ni Tanner na walang kahirap hirap sa pagbuhat ng mga luggages.

Hinawakan ni Edward ang kamay ng dalaga.

"Let's go?"

Malayo layo na ang nalakad nila ng pigilan sya ng dalaga.

"Tara Edward, daan na muna tayo sa papa ko." Hinila sya ni Maymay at dumerecho sila sa isang park, hinila sya nito papunta sa pinaka malaking puno doon. Huminto si Maymay sa lilim nito.

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon