Bago pa man makauwi si Maymay sa bahay nila Edward, nalaman nya kay granma na nauna ng umuwi ang binata para kumuha ng mga damit. Hindi ito nagpaalam kung saan pupunta pero mga ilang araw na rin itong hindi pumapasok sa kumpanya.
Tapos na ang one week leave ng binata pero wala pa rin sya.
Napabuntong hininga na lamang si Maymay, ayos na ang lahat eh biglang naging magulo na naman. Siguro nga Mali ang desisyon nya na ipush ang binata pabalik kay Heaven.
"Hey, ang aga aga simangot ka Jan papangit baby mo nyan."
Lumingon sya at nakitang nakatayo si Marco sa pintuan.
"I'm here para bisitahin si granma, kamusta?"
"Ok lang."
"Trouble in Paradise?"
"Sus palagi naman.."
"Sabi ko sayo iwan mo na yang hayup na Edward na yan at sumama ka na lang sakin." Nangaasar na sabi nito sa dalaga.
"Mahal ko na eh.."
"Ha.."
"Mahal ko na si Edward.."
"Mahal ka ba?"
"Hindi..pero kuntento na ko na mahal ko sya."
"Ay tanga..ako mahal kita."
"Sus..mahal din kita Marco..bilang kaibigan.."
"Mahal kita..ng higit pa sa kaibigan at totoo yan. Hindi ako katulad ng asawa mo'ng sinungaling."
Tinitigan lang ni Maymay ang binata na ngayon ay katabi na nyang nakaupo sa sofa.
"Hindi ko na malaman kung nagloloko ka ba o seryoso eh."
"Seryoso nga..promise. Gusto talaga kita, tahimik lang ako saka syempre may asawa ka na kaya kinokontrol ko sarili ko pero since alam naman nating dalawa ang fake relationship nyo, hayaan mo na kong mahalin ka kahit si Edward pa gusto mo."
"Hahaha..kaloka ka Marco. Manhid ka rin noh."
"Nagsalita ang reyna ng mga manhid. Basta ah..kapag gusto mo mag get away, iwanan natin lahat ng kashitan sa mundo call me."
"Sige ba..basta ikaw bahala sakin ah.."
"Ikaw pa.."
----------------------------------------
Isang gabi..umuwi ang binata. Napatulala na lamang si Maymay. Aba himala naalala pa nito na dito ang bahay nya.
"Hey, kamusta na Maymay? How's our baby.?"
Nilapitan sya ng binata at niyakap na para bang miss na miss na sya nito. Masuyo syang hinalikan sa pisngi ni Edward.
Napataas ang kilay nya dito.
"Excuse me..sino ka. Parang hindi yata kita kilala." Mataray na sagot nya sa binata.
Agad namang napabuntung hininga ang binata.
"I know galit ka..and confused ka sa mga nangyayari pero sana pang hawakan mo yung sinabi mo bago umalis ng Jasmine Island..sabi mo may tiwala ka sakin di ba." Edward leaned down at inayos ang buhok ng dalaga, he tucks the strand behind her ears.
"Edward, magtitiwala ako kung alam ko ang mga nangyayari pero hindi eh. Hindi naman ako manghuhula." Reklamo ng dalaga.
"I don't want to tell you anything dahil alam kong maiistress ka lang, makakasama iyon sa baby natin."
Napakagat labi na lamang si Maymay na tumingin sa mga mata ng asawa.
"Wag mo sirain ang tiwala ko Edward."
![](https://img.wattpad.com/cover/93102553-288-k788491.jpg)
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...