Edward walk with his son on his arms. Mabilis ang mga hakbang ni Maymay na palingon lingon sa likod nya, hindi nya mawari ang nararamdaman nya. Natutuwa sya na after ng mga nangyari ay narito na si Edward, kasama nilang mag ina. The truth is out in the open ika nga, at the same time naman ay nalulungkot sya, nanghihinayang sa mga panahon na nasayang at huli, natatakot sya, who knows baka may kinikimkim na galit sa kanya ang binata at basta na lamang kunin ang anak nya. Hindi nya kakayanin yon pag nagkataon.
Hanggang sa eventually ay narating na nila ang apartment na nirerentahan ni Maymay, they walk inside her unit and Edward did made himself comfortable sa sofa. Enjoy na enjoy naman si Zeke sa company ng binata and the child just wont leave Edward alone.
"Sandali lang Edward ha, magbibihis lang ako. Kung pwedeng paki bantayan na muna si Zeke."
"Sure, babantayan ko sya. "
Agad nag ayos ang dalaga at inihanda na ang sarili sa pag uusapan nila. Umupo sya sa tabi ng binata at agad kinarga ang anak at iniupo sa gitna nila.
"Ahm..so andito na tayo..ah simulan na natin." Sabi ni Maymay habang nahihiyang tumingin sa binata.
"Ok I'll start first, Maymay I just wanted to ask, alam mo ba kung sino ang nagfile at nag asikaso sa divorce paper natin?"
"Ha? Anong ibig mo'ng sabihin, hindi ba ikaw ang nagtago ng papel na yon. Wait ibig sabihin ba nito na file na yon..which means..hindi na tayo kasal?" Natitigilang sabi ng dalaga.
Napabuntung hininga na lamang si Edward, alam nya deep inside na walang kinalaman ang dalaga regarding sa divorce.
"Yes Maymay,we are officially and legally divorced. I just dont know who did it. Now, my next question is...bakit ka lumayo? I mean I know that I'm an ass and all that shit pero..okay naman tayo noon di ba? I was actually..akala ko makakapag hintay ka habang may inaayos ako. Right?"
Napalunok na lamang sa kaba si Maymay, eto na yon. Ang masaklap na paliwanagan stage, yung tipong mas okay pa ang umalis na lang at magtago kesa harapin ang lahat. Napayuko sya.
"Noon time na yon..wala ka palagi. Kapag tinatawagan kita hindi ka sumasagot, ang dami mo'ng dahilan kesyo busy ka, kesyo may meeting ka kahit tinatawagan ko si Yong at nalalaman ko na wala naman. Tumagal din na ganon ang sitwasyon..pero one time habang malungkot ako nakita kitang masaya, kasama sya." Bulong ni Maymay habang napapikit na lamang si Edward.
"Nung una, inintindi ko. Baka one time lang yon, or baka friendly date lang yon pero natalo ako Edward, natalo ako ng mga insecurities ko at alam mo sa bawat segundo na iniignore mo ko mas tumitibay yung doubt ko sa sarili ko, sayo...satin. Kaya wala akong nagawa, hinayaan ko yung sarili ko na maging mahina, hinayaan ko na maging makasarili naman ako kahit minsan lang.."
"Maymay..."
"Naging makasarili ako dahil sa unang pagkakataon inisip ko na muna ang sarili ko bago ikaw, inisip ko na mas makakabuti sakin, samin ng anak mo kung lalayo na muna ako kase Edward hindi na ko makahinga, minsan kasi kapag kasama kita sobrang sakit na. Iniisip ko kung ano ba talaga, mahal ba ko ng tao na to oh.."
"Mahal kita..."
Natigilan si Maymay habang nakatingin sa asawa.
"Mahal kita Maymay and I am sorry...sa lahat. I'm sorry for all the pain and all the shit that you went through pero ayoko'ng mag doubt ka sa sarili mo. Noong mga panahon na yon I've kept something from you..I was with Heaven..she had..cancer and I spent the remaining days with her bago pa sya magpagamot. The only thing I did wrong is natakot ako..natakot ako na sabihin sayo kase baka magalit ka.."
Nagulat si Maymay sa nalaman. Si Heaven may cancer that time?
"Hindi ako nagtiwala sa atin..trust should make our relationship better and stronger pero it seems walang trust na namamagitan sa atin. Heaven..she..she died last year, hindi kinaya ng katawan nya ang treatment at eventually tinigil na lang nya and she spent her days travelling around. Heto may iniwan sya na letter para sayo." Binigay ni Edward ang isang folded paper sa kanya.
"I am sorry Edward hindi ko alam.."
"I am sorry too Maymay, I hope you can find it in your heart para mapatawad ako sa mga nagawa ko'ng mali. And sana makapag simula tayo ulit."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Maymay opened Heaven's letter ng mapag isa na lamang sya sa kwarto, nag stay si Edward para maka bonding pa ang anak nila, kasalukuyang nililinisan nito si Zeke sa bathroom.
Dear Maymay,
Surprise, hindi mo akalain na susulatan kita no. Well ganito na talaga siguro pag malapit ng mamatay, people tend to do things na hindi naman nila usually ginagawa. By the time you read this one baka wala na ko..I bet Edward already told you everything. I just want to apologize to you, alam ko nasaktan ka dahil saken and what can I say napaglaruan tayo ng tadhana and malas mo at natapat ka saken.,hahaha I am not the nicest person to be with. Alam ko isa ka dun sa mga mababait na tao kaya naman I know na mapapatawad mo ko di ba. Last I just want to ask a favor..sana mahalin mo si Edward, love him right, kiss him right, hug him right and be the perfect pair for each other, please Maymay. I know na mahal ka nya, and It would make me happy to know na nasa mabuti syang kamay. Matigas lang ang ulo nyan pero mabait yan. Can you do that for me Maymay? Kung saka sakali na mapunta ko sa taas..I will watch over you guys.
Heaven
Lumuha si Maymay. Isang dalaga na nagmahal at nasaktan, hindi nya masisisi si Heaven kung nagalit man ito sa kanya, si Edward ang buhay nya, na amaze sya sa katapangan ng dalaga, to beg someone to love the man she loves, in the face of death Heaven shows na hindi sya selfish..she gave, she apologized and Maymay hopes that the girl found peace and solace.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Zeke, halika dito anak..."
'Mama..."
"May gusto akong ipakilala sayo. Sya si Edward..sya yung papa mo."
'papa?"
Edward looks at his son and smiled warmly.
"Yes anak, your papa is home na."
Edward hold Maymay's hand.
"Thank you."
TBC^^
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanficWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...