Pag may alak may balak

1.3K 67 34
                                    

Napaka hip ng bar na napuntahan nila Maymay at ng ate nyang si Baninay. Tuwang tuwa ang ate nya habang napapasayaw sa upbeat na tugtog sa dance area.

"Hay eto yung namimis ko, alam mo ba sis na hindi na ko nakaka gala ever since mag asawa ako. I dedicate my whole time para sa hinayupak ko'ng asawa. Pero now, hahahaha mag enjoy na muna tayo. Paminsan minsan lang naman to,," Masayang sabi nito sa kapatid na unti unti ng napapangiti sa mga pangyayari.

Hindi ma imagine ni Maymay na magpupunta sya sa isang bar para magsaya. Hindi yon ang forte ng nerdy character nya.

"Pero ate,,alam mo namang buntis ako, at ikaw ka bwanan mo na, anung gagawin natin dito? Hindi naman tayo pwede mag lasing at magsasayaw dyan lalo ka na, baka mabangga pa yang tyan mo." Natatawang sabi nya sa ate nya na hinila na sya paupo sa isang table.

"Anu ka ba, pwede naman tayo mag order ng non alcoholic drink dito. Ang gagawin natin mag kwentuhan, maglabas ng sama ng loob. Alam ko naman na marami kang kinikimkim jan sa flat na dibdib mo na yan kaya chance mo na to para ilabas yan,.." Natatawang sabi ni Baninay kay Maymay na napasimangot.

"Bwiset ka naman ate,,mention pa more sa flat na dibdib ko.," reklamo nito sa ate nya na natatawang niyakap sya.

"Hahaha ang cute mo kasi asarin. Pero kahit ganito kami, pati si Cora, kahit palagi ka naming binubully mahal ka namin, alam mo ba yon? Baka kasi namimis interpret mo, strong lang ang personality namin pero deep inside bunso sobrang care namin sayo." Seryosong sabi ni Baninay sa kapatid.

Napaluha agad si Maymay sa sinabi ng ate nya.

"Sorry, hormones"

"Sus nagdahilan ka pa eh kahit di ka buntis iyakin ka talaga.." pang aasar ni Baninay sa dalaga.

"Ate naman eh.."

"HIndi  nga, magkwento ka na, minsan lang to. Once in a lifetime lang tayo mag bonding at mag heart to heart talk, di pwede isama si Ate Cora dahil wala syang puso (*hahahaha)."

"Sige na nga, san ko ba sisimulan..."

Agad na sumenmyas si Baninay sa waiter para mag order ng makakain at maiinom nilang magkapatid.

"Ah, alam mo ate...nahulog na yata ako..

----

"Mr. Barber, hello sir? Attention please. Importante po ito. We need to settle the deal before we can go back to talking with Mr. Zhang." Formal na sabi ni Yong sa boss nya na busy kakatxt sa cp nya.

"I know, asan na ba sila. Let's deal with this para masundo ko na si Maymay kung saang lupalop man sila nagpunta ng kapatid nyang maingay." Iritableng sabi nito. Kanina pa nya kinokontak ang dalaga who is sweetly ignoring his calls and txts.

Agad na dumerecho sila Edward at Yong sa isang Italian Restaurant kung saan may meeting sila ni Mr. Hong. Ang mayamang business man na nagbabalak bilhin ang factory na nasa Jasmine Island.

"Kamusta Mr. Barber?" Bati ng nakakatanda sa binata.

Agad silang umupo at tinignan ang folders sa harap nila.

"Gusto kong malaman ang mga projects and plans na gagawin mo sa property namin Mr. Hong, once na nabili mo na ito sa amin." 

"Wag kang mag alala Edward, sa totoo lang wala naman ako'ng balak sa factory na iyon kundi gawin itong tambakan ng mga waste products galing sa iba ko pang factories." Kalmadong sabi nito kay Edward na nagulat sa narinig.

"What?? What the hell.." Galit na sabi nito.

"This property will be off your hands soon in exchange of money Mr. Barber. Sign the forms and lets all go home and celebrate." Sabi ni Mr. Hong.

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon