The Flight

870 59 10
                                    

Kanina pa paikot ikot si Maymay at balisang balisa pagkatapos nyang makausap sa phone ang ate nya'ng si Cora, ngayon lang nya nalaman na may malubha'ng karamdaman ang mama nya. Napag taasan pa tuloy nya ng boses ang ate nya, buwan buwan syang nagpapadala sa mama nya ng pera pang gastos pero mas pinili pa rin nitong magpa admit sa pampublikong hospital.

Hindi naman sa minamata nya ang kakayahan ng mga public hospital sa Pilipinas pero ngayong may pera naman sya na naipon she wants nothing but the best para sa mama nya.

"Knock knock..Zeke is asleep now. Come here.." Marahang sabi ni Edward na talaga namang nag alala sa pagka balisa ng dalaga.

"You know that your mom is strong right? Don't panic and she will make it. I already booked a flight for us so magready ka na ngayon okay? Pack your bags and I will pick you and Zeke up tomorrow."' 

"Edward,,,kakapasok mo lang ulit sa buhay ko and you're already taking charge." Reklamo ni Maymay sa binata na napailing na lang.

"You can't make decisions right now babe..look at you. You're on full panic mode inside, wag ka ng mag deny. I know you and I want to help in any way I can alright? Wag mo'ng masamain ang mga ginagawa ko para sayo..."

Napa buntong hininga na lamang si Maymay dahil alam nyang totoo ang sinabi ng binata. Sa sobrang stress nya naibubuntong na nya ang galit nya dito.

"I'm sorry Edward..Stress lang ako at pasensya ka na kung sayo ko natutuon ang galit ko."

"You don't need to explain babe..I'm always here to understand you okay? Go on and sleep. We will get over this."

Napa oo na lamang si Maymay. Nagpapasalamat na mayron syang Edward na masasandalan sa mga ganitong sitwasyon.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mama...san tayo pasyal?" Tanong ni Zeke habang kinakabit ni Maymay ang safety belt sa anak. They just boarded the plain at kinakabahan sya sa muli nyang pagbalik sa Pilipinas.

Dumating si Edward galing sa CR at pinilit pagkasyahin ang paa sa upuan.

"Bwisit na legs to...ang haba." Bulong ng binata sa sarili.

"What's bwisit papa?"

Napalingon si Edward sa anak.

"Ahhh wala baby..that's a bad word so don't say it okay? Are you okay babe..come on and relax. In a few hours nasa Manila na tayo."

"Kinakabahan ako sa kalagayan ni Mama."

Hinawakan ni Edward ang kamay nya to comfort her.

"Don't be..I'm here with you and I won't go anywhere."

"Where are we going papa?"

"You're going to meet your grandma and granny. Gusto mo ba yon baby?"

"yes!!!!"

Sa isip ni Maymay, sana iba na lang ang dahilan ng muli nyang pagbalik sa Pilipinas.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Edward..ang sabi ko direcho na tayo sa hospital..bakit dumaan pa tayo dito sa bahay nyo?" Nag aalalang tanong ni Maymay ng makababa na sila sa sasakyan.

"Bahay natin..let us take a break kahit saglit lang babe please., look at our son." Pagdadahilan ni Edward while pointing at Zeke na halatang inaantok na.

Nagdalawang isip si Maymay sa gagawin nya, nakontak na agad nya ang mga ate nya at ni reassure sya ng mga ito na mabuti na ang pakiramdam ng mama nila sa ngayon. Napatingin sya sa anak at wala na syang choice kundi mag give in sa suggestion ni Edward, kailangan nyang unahin ang kapakanan ng anak.

"Hay...saglit lang ah tapos puntahan na natin si Mama."

"Yes!! Come on Zeke let's go inside and meet them.." Excited na sabi ni Edward habang karga karga ang anak.

"Them? Sino..madami bang tao sa loob?" Nacu curious na tanong ni Maymay habang papasok na sila sa Mansyon.

"SURPRIIIIISSSEEEEEE" Malakas na sigawan ang bumulaga sa kanila pagpasok sa loob na lubhang ikinagulat ni Maymay.

Nilibot nya ang paningin sa mga taong nasa harapan nya, may baon na ngiti para sa kanya.

"Ate..Mama?..Granny...Yong...teka..bakit nandito kayo lahat? Mama akala ko may sakit ka.." Shock na tanong ng dalaga sa ina na umiling sa sinabi nya.

"Matibay pa to anak...pasensya ka na kung naging kasabwat ako sa plano nilang pag surprise sayo. Hahaha gusto ko na rin kasing umuwi ka na dito..hindi ko naman kailangan nung pera. Matanda na ko at sanay sa simpleng pamumuhay, ang gusto ko lang nandito kayong mga anak ko, malapit sa akin. Oh tignan mo,,ang laki na ng apo ko sayo..ni hindi ko man lang nagawang paliguan sya noong pagkapanganak mo..ang dami naming na missed sa buhay nyo anak." 

Napaiyak na lamang si Maymay dahil sa nabunutan na sya ng tinik sa dibdib.

"Mama naman pinakaba mo ko. Akala ko kung napano ka na,.."

"Nako ha Marydale kailangan pa ng near death experience bago ka bumalik dito tuktukan kita eh..Hi Zeke..ako ang grandma mo. " Masayang sabi ng mama nya kay Zeke na biglang nahiya sa atensyong nakatutok ngayon sa kanya.

"Sorry ma mejo Mahiyain sya ngayon..come on son. She's your grandma say hi." Sabi ni Edward sa anak na nag wave naman sa kanila.

"Hello..."

"AHhhhh ang cute..mana saken.." Tili ni Cora habang pinipisil ang pisngi ng bata.

Ibinaba ni Edward ang anak na sumama na sa Mama ni Maymay.

"Ehem..Maymay now that we're finally here may sasabihin sana ako sayo."

Nagtilian na ang mga kaibigan at kapamilya nila na pinalibutan ang dalawa.

"Maymay, we started wrong and yet fate makes it right for us. Alam ko I am the most imperfect man alive para sayo, ni wala akong karapatang icompare sa perfect man ng buhay mo (Maymay's father) pero sa tagal ng panahon na minahal kita alam ko, sure ako sa sarili ko na I will give my best to be the right one for you. Nasaktan kita and I will bear that burden for the rest of my life, I am sorry and I promise to prove my love to you every single day. Will you stay by my side forever?" Edward said habang dahan dahang inilabas ang engagement ring na pinagawa nya.

"Oh my goshh...Edward.." Gulat na sambit ni Maymay habang nakatingin sa nakaluhod na binata.

"I love you Marydale, will you marry me again, be my wife and mother to my children?" 

"Ahh..shucks..wait. Okay ba ko sa video na yan teh. Okay..oh..ahh children ba? Mga ilan muna para mapag isipan ko..."

"MAYMAY..." Masungit na sagot ni Edward habang natatawang umoo na lamang ang dalaga.

"Yes EDWARDO..I WILL MARRY YOU AGAIN."


TBC

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon