"Anung pinagsasabi nyo na si Edward to? Assistant nya yan..si sir Yong. Ay jusmiyo..mabait yan bakit nyo naman nabugbog ng ganyan." Reklamo ni Manong Ricky sa mga kasamahan.
"Eh yun ang sabi ng daughter in law nyo kaya sya sisihin nyo. Haha.." Sagot ng kagrupo nila habang inaalis ang tali sa kamay ni Yong.
Papasok na sila noon sa pabrika ng mapasigaw si Baninay.
"Rhey! Asawa ko.! Panginoon ko..patay na sya papa!" Bulalas ng buntis sa father in law nya ng makita nila ang marka ng ketchup sa polo nito.
"Hayup talaga yang Edward na yan! Mamamatay tao!" Sigaw ni Rhey.
"Uy grabe sya oh. Masama ugali ng amo ko minsan pero hindi po yun mamamatay tao. Saka buhay po yang anak nyo oh. Look." Senyas ni Yong sa kanila.
"Pa! Ok lang ako..kaso yung memory card nakuha na ni Boss Edward." Sabi ni Yong sa ama habang hinihimas ang balakang nya.
"Patay tayo jan. Kailangan nating makita si Sir Edward. Hanapin natin sya sa buong Isla. Tara na, sama ka muna sa amin Sir Yong at kunwari eh hostage ka namin haha." Sabi ng matanda kay Yong.
"Ayos lang. Basta libre food ah? Hehe" sagot naman ng binata sa kanila.
++++
"Sige ipaliwanag mo ang mga ginawa mo'ng kalokohan Maymay. Una, may dumating dito na bill galing sa credit card mo. Na max out mo na ito at ngayon sinisingil ka na ng bangko sa interes. Anak?! Alam ko magaling ka sa pag iipon para sa kinabukasan mo ano ang ibig sabihin na ganito kalaking pagwaldas sa pera mo?" Nagagalit na tanong ng mama nya kay Maymay.
"Ah..anu kasi Ma..nag vacation kasi kami ni Carlo sa isang maganda at sikat na Hotel kaya ganyan kalaki ang nagastos ko." Paliwanag ni Maymay sa mahinang boses nya.
"Ah! Ma, narinig mo yon? Sya pa talaga ang gumastos sa lalaki na yon! Alam mo little sis, ang liit lang ng padala mo sa mama natin pero kung gumastos ka sa lalaki parang wala ng bukas!" Reklamo naman ng ate Cora nya sa kanya.
Napayuko na lang si Maymay sa kahihiyan.
"Sorry Ma, alam ko'ng mali yung ginawa ko. Sana hindi ko na lang naisip na gawin ang plano na yon..ee di sana..ayos pa sana ang lahat." Malungkot na sagot nya sa Mama at ate nya.
"Damn that Carlo..I will break his bones pag nakita ko sya ulit." Bulong ni Edward sa sarili habang patuloy sa pagtatago malapit sa bintana nila Maymay.
"At ngayon naman anak..uuwi ka sa atin ng ganyan ka? Hindi ba palagi kitang tinuturuan sa ganyang mga bagay? Na wag na wag mo'ng gagawin yan hanggat hindi ka pa kasal dahil isa lang ang magiging resulta nyan! Problema!" Patuloy na pagsesermon ng mama nya.
Problema? Ganun ba palagi ang itatawag nila sa baby ko? Hindi isang blessing kundi isang problema. Kawawa ka naman anak, walang ibang gustong magbigay ng pagkakataon sayo kundi ako. Ako na mama mo, isang mahinang nilalang na palagi lang tinatangay ng agos.
Malungkot na napayuko si Maymay, pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata.
"At ngayon Maymay, hindi ko akalain pero ayan buntis ka na. I'm sure gusto din ni Mama na maayos ang lahat kaya bakit hindi mo sinama si Carlo dito para magpaliwanag?" Tanong ni Cora sa kapatid.
Nagulat si Maymay at napa angat ang muka sa pagkaka yuko.
"Ahh..ate..kasi ganito kasi yon. Ahm. Hindi naman si Carlo yung ama ng baby ko." Explain nya sa ate habang awkward na naka-ngiti.
"Dyos ko..Cora. Tubig. Bilis." Sabi ng Mama nila na nanghina at napaupo sa bangkuan hawak ang dibdib nya.
Nanlalaki ang mga mata ni Mayang sa nerbyos. Eto na yun..ang pagsabog ng galit ng Mama nya kapag nalaman ang sitwasyon nya. Tinignan nya ang feather duster na hawak ng mama nya. Maraming taon na mula ng paluin silang magkakapatid ng mama nya pero baka this time she will break the record.
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...
