Friday Flashback

1K 56 29
                                    

"Good morning" masayang bati ni Edward na kagigising lamang pero nagulat sya ng makita ang asawa na nagsusuka. Agad nya itong nilapitan.

"Oh my God..Maymay what happened? May nakain ka bang Hindi maganda?" Nag aalalang tanong ng binata na hinimas ang likuran ng dalaga para I comfort ito.

Agad hinilamusan ni Maymay ang bibig at saka nagmumog. Ngumiti sya sa asawa na para bang walang nangyari.

"Wag kang mag aalala. Normal lang ito sa pagbubuntis ko, may mga pagkain na na ayaw tanggapin ng tyan ko mukang maarte ang baby ko nagmana yata sayo." Biro nito sa binata na nakahinga ng maluwag sa sinabi nya.

"Akala ko kung ano na. Sorry ha, nasa shoulders mo ang burden ng pagbubuntis. I appreciate what you do for our child."

"Ha anong what I do..naapreciate mo na nagsusuka ako. Grabe ah.."

"Don't twist my words ok. Naapreciate ko na kahit nahihirapan ka sa pagbubuntis you still have a positive outlook over every thing, pinapakita mo na kahit mahirap Worth it pa rin ang pagbubuntis na ito dahil sa baby natin. Thanks "

Ngumiti na lamang si Maymay sa asawa. Minsan talaga nakakataba ng puso kapag naapreciate ka.

"Anyways ano ba ng ang activity nation ngayon?" Tanong ni Maymay habang inaayos ang sarili.

"You will come with me to the factory, para makita natin ang property, I'll asses it kung ano pa ang pwedeng gawin para maimprove ito." Sabi ni Edward sa dalaga na napatingin sa kanya na may kislap sa mga mata.

Parang kailan lang..napaka cold ni Edward regarding sa factory na iyon na balak pa nga nitong ibenta sa ibang  kumpanya. Mabuti na lang talaga at nagbago ang ihip ng hangin at bumait ito sa kanila.

Ng magtungo sila sa factory nakita ni Maymay kung gaano karami pa ang dapat gawin para muling mapakinabangan ang factory na ito.

"Mukang matagal tagal pa bago mo marenovate ito.."

"Sakto lang pero desidido na ko na ayusin to para naman mapakinabangan..ng magiging anak natin. Sya rin naman ang magmamana ng lahat ng ito." Naka ngiting sabi ni Edward sa dalaga.

Napatitig na lamang ang dalaga sa binata..sino ba naman ang hindi mahuhulog sa mokong na to kapag nakalunok ang binata ng gmrc at maging gentleman.

"Huy! Nakatulala ka Jan? Nagagwapuhan ka saken noh?" Panunukso ni Edward sa dalaga na agad namula.

"Kapal ah..feeling ka na naman.."

Natatawang napailing na lamang si Edward.

"Hayaan mo mapapaganda ko rin ang lugar na to.. Para sayo, sa anak natin at sa mga tao dito sa lugar nyo. Promise ko yan sayo."

--------------------------------------

Napahawak na lamang sa batok si Yong..kumontak na sa kanya ang galit na galit na si Heaven.

Ayaw man nyang gawin, kailangan na nyang ipaalam sa amo nya na nasa hospital ang dalaga.

"Ehem..sir Edward.. Pwede po ba kayong makausap saglit?"

"Bakit Yong..what is it?"

"Ahm..ayoko pa sana sabihin to pero.." Nilingon ni Yong si Maymay na busy sa pakikipag kwentuhan sa mga ate nya.

"Boss..si Mam Heaven nasa hospital. Ayoko sana maistorbo ang bakasyon nyo mag asawa kaso tinawagan na ko ng gf nyo..mukang nag eeskandalo na ho sa hospital dahil wala kayo." Marahang bulong nito sa binata.

Nagulat si Edward sa narinig at hindi naiwasang mag alala sa kalagayan ng dalaga.

"What? But that's important Yong, kamusta sya ngayon."

Baby on the way (Mayward)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon