Chapter 3
Pagkatapos naming mag-usap ay sumakay kaming dalawa sa van dahil may pupuntahan daw kami. Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain at saka huminto sa lugar na di ko alam kung parte pa ba ito ng pilipinas.
"Madame, we're here" na-una siyang bumaba saka ako bumaba. Ilang oras din ang lumipas bago kami nakarating.
"Where are we?" Bukod sa napapalibutan kami ng puno. Wala ring katao tao sa paligid.
Hindi niya ako pinansin at nag-umpisa na maglakad papunta sa masukal na gubat. Seriously?
Ang tataas ng puno at mukhang walang katapusan ang gubat na ito.
"Maglakad ka lang nang diretso. May titignan lang ako. See you later" bago pa ako makapagsalita ay nawala na lang siya na parang bula.
Sa isang araw ko lang na nakasama siya ay parang marami na akong alam sakanya. Kinakatakutan siya ng maraming tao, nirerespeto, at may naiiba siyang galing. Ang bilis ng mga reflexes niya at ibang klase ang talino niya. Hindi kaya kabilang siya sa isang mafia?
Naglakad lang ako ng diretso gaya ng sabi niya kahit na hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba ako. Gumagabi narin kaya wala na ako masiyadong makita.
Tsk. Bakit pa kasi ako sumama sakanya? Siguro kapag di ako sumama ay baka hanggang ngayon hinahabol parin ako.
Napapikit ako ng aking mga mata nang may nakakasilaw na liwanag ang biglang umilaw di kalayuan saakin. Nakita ko ang mga nakalinyang poste at mukhang ito ang kailangan kong sundan.
Sinundan ko lang ito hanggang makarating ako sa isang bahay. No, bodega. Malaking bodega
"Finally. Akala ko tuluyan ka ng naligaw" hindi ako sumagot
Naglakad siya papasok sa bodega kaya sinundan ko lang siya. May tinapon siya saaking supot nang pagkain. Nasalo ko naman
"Eat then after that sunod ka na sa loob" tinignan ko muna ito saka tinapon kung saan. Busog pa ako
Pumasok na ako sa loob. Nakakapagtaka na wala itong kalaman laman.
"This is what we called war room. Where illusion, manipulation, and your greatest fears exist" hindi ko alam kung saan galing ang boses dahil nag echo sa buong paligid.
Nakita ko naman sa pinakadulo ang isang kwarto na gawa sa salamin. Siguradong nandiyan siya.
Biglang dumilim ang paligid. Nagulat ako nang may lumabas na apoy sa gilid ko. Lumaki ito nang lumaki hanggang sa nagsilbi itong ilaw para makita ko ang lahat
Nanlumo ako nang makita ko ang bahay naming nasusunog. Papasok sana ako nang bigla akong may naalala. Illusion. This is just an illusion.
Nagbago ang paligid. Nawala ang apoy at dumilim nanaman. Ilang segundo lang ang lumipas ay lumitaw ang isang maliit na ilaw.
Tinignan ko itong mabuti. Hanggang sa dumami ito nang dumami. Mga tao naman ngayon. Sila ang mga taong nasiraan ko ng mga gamit. At ang tatlong lalaking naka-itim
"There she is. Patayin niyo siya!" saka sila tumakbo papunta saakin
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Kung isang illusion lang ito ay hindi nila ako masasaktan at di ko sila masasaktan. Kaya nang nay papalapit na suntok saakin ay hinayaan ko lang.
Pero di ko inaasahan ang pangyayari. Naramdaman ko ang suntok at pumutok ang labi ko
Dahil sa inis ko. Hinila ko ang sumuntok saakin at sinuntok nang pagkalakas lakas. Tumilapon siya at nauntog sa pader, pagkatapos nun ay bigla nalang siyang naging abo
Ginawa ko sakanilang lahat ang ginawa ko sa babae kanina. Hanggang sa mawala na silang lahat.
Muling nagbago ang ang paligid. Napayakap ako sa aking nang biglang lumamig.
May lumabas na isang babaeng naka hood. Di ko maaninag ang mukha niya pero nang makalapit na siya ay napa urong ako
"Ate Illiana?" Kahit na alam kong patay na siya at illusion lang ulit ito ay nasasaktan ako. Bakit kailangan niya pang gamitin si Ate?
"Bakit mo ako hinayaang mamatay?"
"Diba mag kaibigan tayo?"
"Bakit?! Bakit?!" Nawala ang maamo niyang mukha at napalitan ito nang galit "Papatayin kita!" Naglabas siya nang katana at agad akong sinugod. Tanging pag-iwas lang sakanya ang aking nagawa.
"Lumaban ka?! Duwag ka! Isa kang malaking duwag at hanggang ngayon di mo pa ako napapaghiganti sakanila! Napaka duwag mo!" Puno nang galit ang mga mata niya. Ganyan ba ang mga gusto niyang sabihin saakin? Nag sisisi na ba siyang niligtas niya ako?
Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang bawat galaw niya. Nang makuha ko na ay isang iglap lang ay ako na ang may hawak nang katana at agad ko itong isinaksak sa kanyang puso.
Napa-iyak nalamang ako habang nakikita kong unti-unting nagiging abo ang katawan niya
"Bakit ka umiiyak?" Napahinto ako nang marinig ang boses na yun. Paglingon ko ay hindi nga ako nagkamali
Siya ay ako
"Bakit ka umiiyak?" Pag-uulit niya. Pinunasan ko ang mga luha ko saka hinarap siya
"Ano? Dahil ba tinawag kang duwag ni Illiana? Totoo naman diba? Isa kang malaking duwag! Dahil kung hindi ka duwag, mamamatay ba si Illiana? Hindi! Isa pa, baka nakakalimutan mo hindi lang si Illiana ang namatay nang dahil saiyo, pati ang mga magulang ni Illiana. Nag sakripisyo sila para lang saiyo, dahil mahina ka"
Nanatili akong tahimik habang inaalala ang mga pangyayari noon. Tama siya! Isa akong mahina dati kaya namatay sila. Ang mga tinuring kong pamilya.
"Bata ka palang hindi kana inocente Jacquie. Dahil bata ka palang marami ka nang napatay. Ikaw ang may kasalanan nang lahat! Ikaw! Tandaan mo Jaquie ika--"
Nakita ko nalang ang sarili ko na nakangisi habang hawak hawak ang katana na nakatusok sa puso niya
"You're right. You're absolutely right! Ako ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya ko at si Illiana. Tama ka, mahina ako. Duwag ako! Pero may isa kang pagkakamali... Wala. Akong. Kasalanan. It's their choice to die and save me. They choose to sacrifice their own lives over me. At hindi ko na kasalanan yun"
Mas idiniin ko pa ang katana sa puso niya hanggang sa unti-unti siyang nawawala.
Nang mawala na siya nang tuluyan ay muntik na akong mapa-upo nang may sumalo saakin
"You make me proud of you Jacquie" saka siya ngumiti. "From now on hindi na ikaw ang Jacquie Walter na mahina, at duwag. From now on, ikaw na si Samora Sazunne, ang matapang at malakas na Samora. Kakatakutan ka nang lahat, igagalang ka, at luluhod ang lahat nang nagkasala saiyo sa harapan mo. Tandaan mo yan Samora"
-then all went black-
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
ActionShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...