Chapter 46
Third Person Pov
Siniksik ni Samora ang mukha niya sa dibdib ni Emprey dahil sa takot.
"Shhhh. Stop crying now Samora. I'm already here, no one can hurt you" tumigil sa pag iyak si Samora at kinalma ang sarili
"You okay now?" Tumango si Samora at bahagyang ngumiti
"Good" saka niya inalalayang tumayo si Samora "Wag tayo dito mag-usap. Delikado at baka may makakita saatin"
Nagtungo sila sa garden at umupo sila sa isa sa mga bench doon
"Akala ko pinatay ka narin nina Wilson. Mabuti naman at buhay kapa" sabi ni Samora, ngumiti lang si Emprey
"Bago umalis si Old lady, binilin niya kayo saakin" napatingin sakanya si Samora saka umiling
"Patay na siya" walang kaemo-emosiyon na sabi nito "Pinatay siya nang mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan"
"Alam ko. Si Nathan, si Wilson, at si Aandy" gulat na gulat si Samora nang marinig ang pangalan ni Aandy
"Si Aandy?" Di makapaniwalang sabi nito. Tumango naman si Emprey
"Bago umalis si Old lady sa mansion ay narinig kong may kausap si Aandy. Akala ko normal lang ito pero nang marinig ko ang pangalan niya ay nakinig na ako"
"Plano nilang patayin si Old lady sa araw nang foundation day" nanghina si Samora. Di siya makapaniwala sa nasabi ni Emprey
"Kung ganun, papatayin ko siya. Kasama namin siya ngayon sa main hq kaya may chance akong patayin siya" hinawakan ni Emprey ang kamay ni Samora para pakalmahin ito
"No Samora, not now. Sumakay ka lang sakanya. Wag mong ipapahalata na may alam ka dahil baka pati si Aiken ay mapahamak" ngunut umiling si Samora.
"Pero---"
"Ako na ang bahala sakanya Samora. Wag kang mag-alala. Makukuha din natin ang hustisya sa pagkamatay ni Old Lady" napatango nalamang siya at nagpasalamat sakanya
"Mag-ingat ka Samora. Ikaw ang kailangan nila para matapos ang experiment nila at hindi sila titigil hanggang hindi ka nila nakukuha" nag-aalalang sabi ni Emprey
"Wag kang mag-alala saakin. Balak namin nina Aiken na sumama sa NOD para makalabas dito. At oras na makalabas kami ay tatawag sina Aiken nang pulis para mapakawalan ang mga studyante at mahuli si Oren" napangiti si Emprey sa narinig.
"Magandang idea yan. Tutulong ako. Pagbabayarin natin si Oren sa mga nagawa niya. Hihintayin ko ang pagpunta niyo sa NOD"
Napangiti si Samora na tila nabuhayan nang pag-asa. Sabay silang napalingon sa relo ni Samora nang tumunog ito. Naalala niya ang usapan nila ni Aandy
"Kailangan ko nang umalis. Mag ingat ka Salvo" paalam ni Samora saka naglakad na paalis
"Btw, Samora. Mag-ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Hindi lahat totoo" napahinto si Samora at muling lumingon kay Emprey
"I know"
-*-*-*-
Exactly 11:30 ay tumakbo na si Aandy papunta sa kwarto ni Aiken at sunod sunod siyang kumatok.
"Young master! Nawawala si young lady Samora" Sabi nito pagkabukas ni Aiken nang pinto
"What?!"
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
ActionShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...