Chapter 23

5.8K 139 1
                                    

Chapter 23

Samora Pov

"Mom! Dad!" Sabay nilang sabi at tumakbo papunta sa pwesto ko. Napalingon ako sa aking likodan at nakita ko ang dalawang mag-asawa na todo ang ngiti nang makita ang kanilang dalawang anak

Gaya nung batang lalaki ay malabo din ang mukha nung dalawa. Tanging ang mukha lang nang batang babae ang malinaw

Mom? Dad? Pinilit kong alalahanin kung anong itsura nang mga magulang ko, pero wala talaga akong maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay sina Tito Alex at Tita Yana na magulang ni ate Illiana at tumayong naging magulang ko since my mom and dad died.

"My Princess Jacquie!" Ang tanging narinig ko nalang at nagbago nanaman ang buong paligid

"Jacq! Gising na!" Ate Illiana...?

Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata nang magising ako. Nang tuluyan kong naimulat ang aking mga mata ay blurd pa ang paligid dahil sa liwanag pero nawala din ito nang masanay ang mga mata ko.

Una kong nakita si Elwood na sobra kung makangiti at si Dylan na seryosong naka-tingin saakin.

"Si N-nathan?" Sabi ko at dahan-dahang umupo. Inalalayan naman ako ni Dylan.

"Ayiiee!" Nakakabinging sigaw ni Elwood. Napa-iling nalang ako.

"Shut up El!" Iritang sabi ni Dylan pero tinawanan lang siya ni Elwood

"Ayan na ang hinahanap mo, Sammy" napataas ako nang aking kilay. Bigla kong naalala si Verg. Kamusta na kaya siya? *sigh*

Di ako makapaniwala na nagawa ko yun. Hayz. Nakaka-awa kasi ang kalagayan niya nung oras na yun.

"Gosh! Mabuti naman at gising kana!" Naiiyak na sabi ni Nathan sabay yakap saakin nang sobrang higpit.

"I miss you so much, Samora" naramdaman ko nalang ang pagpatak nang luha sa damit ko.

"Nathan, I'm perfectly fine now. Stop crying" pero di parin siya tumigil kaya hinayaan ko nalang siya at niyakap siya pabalik

Isang minuto pa ang lumipas bago niya ako tuluyang hiwalayan at pinunasan niya ang mukha niya na basang basa dahil sa luha

"Oa mo dude! Mukha kang bading" Pang-aasar sakanya ni Elwood pero tinarayan niya lang ito. Tsk

"Sobra mo akong pinag-alala, Samora" napa shrug nalang ako

"Wala namang araw na di ka nag-alala saakin. Tama si Elwood, ang oa mo" bigla namang tumawa si Elwood kaya napalingon kaming tatlo sakanya

"Hahaha. Kala ko bading, haha" saka siya humalagpak nang tawa. Napatigil nalang siya nang batukan siya si Dylan

"Can't you shut up just for a moment?" Nag peace sign siya sabay ngiti nang nakaloloko. Ang pasaway talaga nito.

"You look fine now. Congrats" lahat kami ay napatigil at napatingin sa may pinto.

Walang kagana-ganang nakatayo dito si Aiken at nakatingin saakin nang masama. Problema nito?

"Thanks" sabi ko sabay ngisi. Napa-irap nalang siya sabay alis

"Gosh! Di ako nakahinga nun ah!" Sabi ni Elwood habang hawak hawak ang puso niya.

Muli akong napatingin sa may pinto. Ano kayang problema ni Aiken? Gosh! Lagi nalang bang masungit saakin ang lalaking yun? Tsk. Bahala siya.

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon