Chapter 28

5.5K 150 8
                                    

Chapter 28

"Urgh! Ang sakit nang ulo ko" napahilot nalang ako sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Goodness. Para siyang pinipiga na ewan.

Napa-upo nalang ako sa sahig at napapikit nang biglang umikot ang paligid ko. What the fudge?!

Hanggang sa makarinig na ako nang mga boses na parang nag e-echo sa buong paligid. Malakas ito nang pahina nang pahina hanggang sa marinig ko ang aking pangalan

"Jacq!" pilit kong binuksan ang aking mata para tignan kung sino ang tumawag saakin pero wala akong nakita.

"Jacquie!" Mas lalong sumakit ang ulo ko nang tawagin nanaman niya ang pangalan ko. Sino siya? Bakit kilala niya ako?

"Samora?" Hindi ko alam pero biglang tumigil ang lahat. That voice. Familiar saakin ang boses.

Napatigil lang ang lahat nang may isa pang kamay ang tumakip sa tainga ko. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Pero di ko makita ang mukha niya dahil sa dilim

"Shhhh, stop crying now Samora. Andito na ako"

Nawala ang takot at kaba na nararamdaman ko nang marinig ko ang boses niya. Feeling ko secured ako at walang makakapanakit saakin

Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko saka niya ako hinalikan sa noo.

"Everything will be fine, Samora. Maybe not now, but soon"

Tama, siya nga. Pinakalma niya ang lahat gaya nang ginawa niya dati. Pero hindi ito isang panaginip. Sigurado ako, hindi ako nananaginip.

Binuksan ko ang aking mga mata para tignan kung sino siya pero sobrang labo nang paligid.

Naramdaman ko nalang ang pag-angat ko sa sahig. Muli kong pinikit ang aking mga mata pero agad ko din itong binuksan dahil iba't ibang mukha ang nakikita ko. Hindi ko matukoy kung sino sila dahil sobrang bilis nang pangyayari

Nang maihiga na ako sa kama ay doon ko lang naramdaman ang pagod na parang buong araw akong nagtrabaho. Unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata. It's a goodnight then.

-*-*-*-

Aiken Pov

Pinilit ko ang sarili ko na makatulog dahil medyo nahihilo ako dahil sa mga nainom kong alak pero wala talaga. It's already 11:54 in the evening and here I am, gising na gising ang diwa ko

Tumayo ako sa pagkakahiga at nagtungo nalang sa terrace. Bumungad agad saakin ang malamig na simoy nang hangin. Napayakap nalang ako sa sarili ko. Grr.  Nakalimutan kong magdala nang jacket.

Naglakad ako papalapit sa may railing at pinagmasdan ang baba. Madami pa pala ang gising at lahat sila ay nagtutungo sa gym. Tinuloy pa pala nila ang NOD despite sa lahat nang nangyari. Tsk. Curse this life, curse this school

"You still awake?" I arch my brows while staring at her.

"That's my line, lady" napa shrug nalang siya sabay abot saakin nang kumot at tasa nang kape.

"Hindi naman siguro nakakabawas nang pride mo kapag kinuha mo ito noh?" I-smirk. This girl always hit a nerve! Geez!

Kinuha ko ang kumot at pinalibot sa katawan ko at kinuha ko nadin ang kape saka umiwas nang tingin sakanya.

Ilang minuto ding tahimik ang paligid hanggang sa mapag-isip isip kong magsalita na. Nabibingi na kasi ako sa katahimikan and that's new to me. Everytime kasi na kasama ko ang babaeng ito ay sobrang daldal niya. She will ask everything she want to know without thinking if she will hurt the feelings of the person she's asking.

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon