Chapter 9

8.3K 222 9
                                    

Chapter 9

"I'm warning you Samora Sazunne. Leave Nathan alone!" malumanay pero puno nang otoridad nitong sabi saka niya ako binitawan

Napa-upo ako at agad kong hinabol ang aking hininga.

Umupo siya na sakto sa level ko. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sakanya

"Continue to play with Nathan and the grave will be your future home, forever" saka niya marahas na binitawan ang mukha ko

Napangisi nalang ako nang maka-alis na siya. Sa mga sinabi niya, nasisigurado kong wala siyang kaalam-alam.

Tsk, muntik na akong mamatay doon ah.

-*-*-*-

Mang matapos ang lahat nang klase ko ay umuwi na ako agad. Ayaw ko munang makita ngayon kahit anino nang Phoenix. Binalaan na niya ako. At siguradong walang halong biro ang mga iyon.

Pag-uwi ko ay agad na lumapit saakin si Aandy.

"Young lady, can we talk for a while?" Tumango ako

Nagtungo kami sa garden na nasa likod nang bahay. Lumingon lingon muna siya sa paligid saka niya ako hinarap

"Nasa panganib ka Samora, umalis kana habang may panahon pa" napakunot ang noo ko

Anong ibig niyang--

"Tungkol ba ito sa foundation day? May mangyayaring hindi maganda sa araw nang iyon, tama?" Dahan-dahan siyang napatango.

"I want to surprise everyone about it. Lalo na si Mr. Hassler. And I want you to keep quite, don't tell anyone about it"

Sinasabi ko na nga ba't may masamang balak ang matandang iyon ei! Geez!

"Nagmamaka-awa ako saiyo Samora, umalis kana" umiling ako.

"Hinding hindi na ako tatakbo pa Aandy, haharapin ko kung ano mang panganib yan. Nangako ako kay tanda na pro-protektahan ko ang apo niya" napayuko siya

Hinding hindi ko na ulit uulitan pa ang pagkakamaling nagawa ko noon. Hinding hindi na ako babalik pa sa pagiging Jacquie

"If that is your decision, I respect it. But Samora, once na may mangyaring masama saiyo, sainyo. Wag kang magdadalawang-isip na sabihin saakin, okay?" Sabay hawak niya sa magkabilang balikat ko. Wala sa sariling napatango ako

"Mag-ingat ka Samora. Nasa paligid lang sila, laging nakamasid saiyo" kaya ba lagi siyang lingon nang lingon sa paligid?

May kinuha siya sa kanyang bulsa at nilagay agad sa kamay ko. Hindi ko na nagawa pang tignan ito nang ipabulsa niya saakin

Ngumiti siya saka ako iniwan. Dalawang araw nalang foundation day na. Napabuntong hininga ako

Patawad Aiken, mukhang kailangan kong balewalain ang pananakot mo.

I'll continue the play

-*-*-*-

Kinabukasan

Paglabas ko nang kwarto ay bigla nalang akong nagulat nang makita ko si Salvo na nakatayo sa tapat nang kwarto

"What are you doing here, Salvo?"

"I just want to ask you if there is something missing at your room, young lady" nagtataka akong umiling

"Is there someone enter my room?" Tumango siya

"Yes, young lady. Bumisita kahapon dito si Young Master Nathan, at pumasok siya sa kwarto niyo. Naisip ko na baka may kinuhang bagay si sir, o dikaya may nilagay"

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon