Chapter 29
Third Person Pov
"La, si N-nanie. S-si Nanie p-patay na" nagulat ang matanda sa nasabi nang kanyang apo. Kaya hinarap niya ito.
"Bawiin mo ang sinabi mo Keith. Hindi maaari, impossible" pero umiling ang dalaga dahilan para maikuyom nang lola niya ang kanyang kamao
"Sino daw pumatay sakanya?" Nanlilisik na sabi nito
"S-si t-tito Wilson at ku-kuya Nathan daw po" mas lalo siyang nagalit.
Mga traydor. Valerie Janios, bakit mo hinayaang mapatay ka nang mga traydor!
"La, ipaghiganti natin si Nanie. Please, La" tumango ang kanyang lola at pinunasan ang luha ni Keith
"Humanda sila"
-*-*-*-
Samora Pov
Magdamag kong pinagmamasdan ang ceiling hanggang sa mag-umaga na. Goodness. I badly want to go to sleep pero kada isasara ko ang mga mata ko maaalala ko ang ginawa nang walanghiyang Aiken na yun! Curse him!
"Samora, gising ka na ba? Kain na tayo" napa-upo nalang ako nang tawagin na ako ni Dylan. Geez!
Nagtungo muna ako sa cr para maghilamos at para nadin hindi nila mahalata na di ako nakatulog.
Pagpunta ko sa dining area ay sina Elwood at Dylan lang ang nakita ko. Tulog pa ata ang Eyeless.
"Si Wein ba? Nagmamadali siyang umalis kanina" kahit na nagtataka ako ay napatango nalang ako.
Nagmamadali siyang umalis? Wala naman na siyang mapupuntahan dahil naka kulong kami sa school na ito pwera nalang kung nakakalabas siya
Geez. Umiling ako para alisin ang mga iniisip ko. Habang tumatagal ako dito mas dumadami problema ko ah.
Mabuti pa si Dylan parang walang prino-problema. Si El nga magang maga ang mata. Halatang umiyak siya buong gabi
Umupo na ako para inumin lang ang kapeng tinimpla niya. Bigla akong nawalan nang ganang kumain.
-*-*-*-
Oren Reinmann Pov
"Papadagdag pa ako nang magbabantay sa south and west Hassler's Black Forest para makasiguradong walang makakalabas. Lalo na't hindi nagtagumpay ang experiment isinagawa natin" napangiti si Wilson at nagpasalamat
"Siya nga pala. Si Samora Sazunne, gusto ko siyang maka-usap" biglang nawala ang mga ngiti niya at napalitan nang pagtataka.
"At anong kailangan mo sakanya?" Binigyan ko na lamang siya nang makahulugang ngiti.
Di mo na kailangan pang malaman Wilson, masyado ka nang mraming alam at nakakasama sa katawan mo kapag nalaman mo pa ang tungkol kay Samora. Baka ako pa mismo ang pumatay saiyo niyan.
Nakita kong bumubuka ang bibig niya at may balak yatang sabihin. Balak ko pa sana siyang hintayin nang tumunog ang cellphone ko.
"See you around Wilson" nakangiting sabi ko saka naglakad palayo sakanya at doon ko lang sinagot ang tawag
"Yes?"
(Boss, gaya nang dati deleted na talaga ang mga cctv dito sa mall sa araw na iyun)
Deleted? Papaano? Hindi kayang idelete nalang ni Jacq yun nang basta basta.
"Maghanap kayo nang paraan. Goodness, hawak hawak niyo na kasi pinakawalan niyo pa!" Sabi ko sabay patay nang tawag. Napahilot nalang ako sa aking sintido.

BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
AzioneShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...