Happy 500 reads PMKs hahahaha. Pa-party na this. Char! Thank you for reading. Maraming maraming thankies po talaga :)
Pahabol lang po. I want to dedicate this chapter to @Chartreuxxx . Thank you so much sa lahat! Hahahaha. Lovelots po saiyo :)
Enjoy reading guys! Please vote and comment. Thank you!
Chapter 18
"Dinner is ready!" Sabi ni Elvis na galing sa kusina.
"Yes!" Sigaw naman ni Ithan at pumunta sa likod ko. Naramdaman ko na medyo lumuluwag ang pagkakatali saakin hanggang sa makawala na ako. Tumingin ako sakanya na may pagtataka
"What? Haha. Don't tell me kakain ka gamit lang ang bibig mo?" Mapang-asar niyang sabi at nagtungo na sa dining area. Sumunod nalang ako.
Pagka-upo ko ay binigyan ako agad ni Ithan nang plato at nilagyan na ito nang ulam at kanin
"Eat well, Samora" nakangiting sabi niya at nagsimula nang kumain
Pinagmasdan ko lang ang pagkain ko. Hindi dahil sa busog ako o wala akong ganang kumain pero dahil nararamdaman ko ang mga titig na pinupukol saakin ni Zack. Kahit hindi ako tumingin sakanya ay ramdam kong tinitignan niya ako nang masama.
"Don't mind him, Samora. Ganyan lang talaga yan sa mga newbies. Kumain kana" sabi ni Elvis kaya kinuha ko na ang kutsara ko at nag-umpisa nang kumain
After naming kumain ay tinali ulit nila ako. Dumiretso silang apat sa sala at nanood nang tv at umabot ito hanggang 11:30 pm. Kaya kahit na gusto ko nang matulog ay di ko magawa dahil ang ingay nilang manood.
"Uwi na tayo" inaantok na sabi ni Hearon sa kanilang tatlo. Tumayo na silang lahat at nag-umpisa nang ligpitin ang mga kinalat nila.
Pagkatapos ay lumapit nanaman saakin si Ithan at balak sana akong yakapin nang bantaan ko siya
"Don't you dare, Ithan. I'm warning you" imbis na matakot ay tumawa siya nang tumawa
"Haha. You're so funny Samora. Anyway, aalis na kami, bye-bye. Hope to see you again!" Psh. Hope not to see him again
"Bye Samora!" Sabi din ni Elvis bago sila umalis.
Finally! Makakatulog nadin ako sawakas!
-*-*-*-
Lindsy Pov
Kanina pa ako nakatitig sa pinto nang dorm namin pero hanggang ngayon ay hindi padin siya dumarating. Nasaan na ba siya? Inaantok na ako
Pumipikit na yung mga mata ko kakahintay sakanya. It's already 11:50 pero bakit hindi padin siya umuuwi?
Nagising nalang ako bigla nang mag-ring ang cellphone ko. Nang nakita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot
"Sir Liam?"
(Andiyan na ba siya?) Muli akong napalingon sa may pinto. Saan kaya siya dinala ni Kristen?
"Wala pa po siya, Sir" narinig ko ang pagbuntong hininga niya
(Ganun ba. By the way, pwede ka bang pumasok sa kwarto ni Samora?)
"Yes, Sir" agad kong sagot at tumayo na para magtungo sa kwarto niya
(Halughugin mo lahat nang gamit niya. Hanapin mo ang sulat na binigay sakanya ni Edmond at ibigay mo saakin. Do you understand?) Edmond? That nerd? Psh. Ang hilig talaga nung maki-alam
"Yes, sir" sabi ko at pinatay na niya ang tawag. Geez! It's my first time to do this. Sana naman hindi ako mahuli
-Morning-
Bigla akong nahulog sa kama nang sunod-sunod na katok ang bumulabog sa dorm. Hindi ako kaagad tumayo dahil sobrang sakit nang pwet ko
Tumingin ako sa aking relos dahil parang kulang pa ang tulog ko. At laking gulat ko nalang nang 2 am palang. What the--?! Sinong taong gising pa nang ganitong ora-- wait. Hindi kaya si Sammy na yan?
Pinilit kong tumayo kahit na masakit pa ang pwet ko para lang mabuksan ang pinto. Nang nasa tapat na ako nang pinto ay inayos ko muna ang sarili ko at ngumiti nang todo-todo
"Samora! Mabuti naman at--" napahinto ako at biglang nawala ang mga ngiti ko nang pagbukas ko nang pinto ay ibang tao ang nadatnan ko
Tuloy-tuloy silang pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ni Sammy. Pipigilan ko sana sila nang biglang may humila saakin at nilagyan nang panyo ang kamay at bibig ko.
"Manahimik ka nalang Miss kung gusto mo pang mabuhay" sabi nung lalaking nagtali saakin. Tsk. Masiyado mo ata akong minamaliit mister
Nang nasa tapat ko na siya ay agad ko siyang sinipa sa maselang bahagi niya. Napa sigaw siya sa sakit na dahilan para lumabas ang ibang kasamahan niya galing sa kwarto ni Samora
Mabuti nalang at hindi pa masiyado mahigpit ang pagkakatali saakin kaya agad akong nakawala. Isa-isa ko silang kinalaban. Ang iba'y sinusuntok ko at ang iba'y binabalibag ko. Akala niyo ba kaya niyo na ako porket' babae lang ako? Phew!
Hanggang sa isa sa kanila ang naglabas nang baril at tinutok ito saakin. Dahan-dahan kong naitaas ang dalawang kamay ko
"Wala ka palang binatbat ei" mapang-asar na sabi niya. Napangisi nalang ako. Sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ako at hawak ko na ang baril.
"Sinong nagpapunta sainyo dito?" Nakatitig lang siya saakin at hindi nagsalita. Mas lalo kong inilapit sa mukha niya ang baril
"Sumagot ka, Mister. Dahil kung hindi, babaon sa utak mo ang bala nang baril na ito" pero hindi parin siya natinag at nakuha pang ngumiti
"I don't care" natatawang sabi niya. Kinasa ko na ang baril at balak na sanang kalbitin ang gatilyo nang may maramdaman akong malamig na metal na dumampi sa ulo ko
"Wanna die too Lindsy?" Mas lalo akong nagalit nang makita kong si Kristen ang may hawak nang baril
"Ano pa bang kailangan mo? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo na ang kaibigan niya?!" Pero hindi niya ako sinagot
"Put down your gun" naiyukom ko nalang ang kamay ko. May araw ka din Kristen. May araw ka din
Pagkababa ko nang baril ko ay agad na kumilos ang mga kasamahan niya at kinuha ang baril saakin saka tinali nilang muli ang kamay ko.
Wala na akong nagawa pa. Pinasok na nilang muli ang kwarto ni Samora at ang tanging naririnig ko lang ay ang pagbagsak nang mga gamit niya.
(Halughugin mo lahat nang gamit niya. Hanapin mo ang sulat na binigay sakanya ni Edmond at ibigay mo saakin. Do you understand?)
Bigla kong naalala ang sinabi ni Sir Liam saakin. Hindi kaya hinahanap din nila ang sulat? Teka, anong bang meron sa sulat na iyon at pati si Kristen ay may interest dito?
Ilang oras pa ang lumipas at sawakas ay lumabas nadin sila. Lihim akong napangiti dahil halata sa mga mukha nila at inis at disappointment. Wala naman talaga sa kwarto niya ang sulat na hinahanap nila. Wala rin kasi akong nahanap.
"Wala po talaga, Master. Nahalughuhan na po namin lahat. I'm so sorry, master" at nang namatay na ang tawag ay bigla niyang tinapon ang cellphone niya at nagka wasak-wasak ito
"Halughugin niyo ang buong dorm! Kailangan nating mahanap ang sulat ngayon din!" Umaapoy sa galit na sabi nito.
Psh. Baka pinagalitan nang Master niya. Hahahaha, karma nga naman oh.

BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
ActionShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...