Chapter 24

5.9K 120 47
                                    

May mukha na si Valerie! Yehey! Di na tayo *wala palang tayo* mahihirapan na mag-imagine.

Comment lang kayo kung sino pa ang gusto niyong bigyan ko nang mukha na character. At magbigay narin kayo kung sino ang gusto niyong gumanap. Hahaha. Hirap mag hanap eii.

So, ayun lang po. Lovelots :)

Jian :)

Chapter 24

Third Person Pov

Napahinto ang lahat nang studyante nang makita nilang unti-unting bumubukas ang school gate. Nagtinginan sila sa isa't isa sabay takbo papunta sa gate para makalabas.

Sabay din ang pagdating nang mga guards at hinarangan sila.

"Palabasin niyo kami!"

"Nagmamaka-awa kami sainyo. Palabasin niyo na kami!"

"Gusto na naming lumabas!"

"Palabasin niyo na kami! Ayaw na namin dito!"

Sabay sabay na sigaw nang mga studyante pero parang wala silang naririnig kaya mas lalo nilang nilakasan ang mga boses nila at pilit nilang tinutulak ang ang mga guards.

Pinindot nang isang guard ang earpiece sa tainga nito para tawagan si Wilson. Parami na nang parami kasi ang mga studyante at baka hindi na nila makayanan pa.

"Master, naghihintay na ang bisita niyo sa labas. Hindi siya makapasok dahil sa mga studyanteng gustong makalabas nang school" napahilot nang sintido si Wilson.

'Mga pasaway talaga'

"Gamitan mo na sila nang dahas. Ang hindi susunod, patayin niyo" utos nito saka pinatay ang tawag.

"Narinig niyo ang utos ni Master" sabi niya sa kanyang mga kasamahan at sabay-sabay silang naglabas nang kanilang mga baril

Nagpaputok siya nang isang beses. Biglang nagsiyukuan naman ang mga studyante

"Ang hindi aalis, papatayin namin in the count of three" agad na nagsitakbuhan ang mga studyante palayo pero may iilan ang mas ginustong mamatay nalang.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa mabuhay sa impyernong school na ito!" Sigaw nang isang studyante. Sumang-ayon naman ang iba pang natira

"My pleasure" nakangising sabi nung guard at pinagbabaril silang lima.

Gulat na gulat ang mga nakakita sa pangyayari. Ang mga ibang studyante ay napasigaw at ang iba'y napaiyak nalang.

Pinalinis na nung guard ang kalat at pinapasok na nila ang kotse saka sinara na nilang muli ang gate.

Lahat ay nakatuon ang tingin sa kotseng itim at naghihintay kung sino ang bababa. Bumukas ang pinto sa driver seat at binuksan nito ang pinto sa back seat. Iniluwa nito ang isang lalaking medyo katandaan na. Biglang umingay ang buong paligid. Lahat sila ay nagtataka kung sino siya. Karamihan sa mga studyante ay nakatitig lang sakanya at mukhang sinusuri siyang maiigi

Nawala lang ang mga titig nila sakanya nang biglang dumating si Wilson kasama si Kristen at Hearon

Pagkalapit nila sakanya ay nakipag shake hands siya kina Wilson at Hearon at hinalikan naman nito sa pisngi si Kristen.

Kaunting pag-uusap lang ang ginawa nila at saka naglakad na sila papunta sa opisina ni Wilson.

-*-*-*-

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon