Chapter 10
Buong umaga ay kasa-kasama ko sila. Naging advantage ko din ang pagiging girlfriend ni Nathan dahil mababantayan ko si Aiken. Habang kasama ko sila ay naghahanda na rin ako sa pwedeng mangyari bukas.
Pagkatapos naming mag lunch ay pumunta kami sa tambayan nila na malapit sa music room.
Pagpasok namin ay nagkanya-kanya silang punta sa pwesto nila. Si Elwood pumunta malapit sa bintana at nag gitara, si Dylan naman ay umupo sa isang rocking chair habang nagbabasa, si Aiken ay na-upo sa sofa at natulog, habang si Nathan at ako ay umupo lang dito sa sala nila. Okay...
Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Maluwang siya at kumpleto na sa gamit, parang nasa bahay kalang. At ang mas nakaka bilib ay malinis siya.
Nang mapalingon ako kay Aiken ay tulog na tulog na siya kaya napakihab narin ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil nag training ako kasama si Salvo.
"Inaantok kaba?" Tanong ni Nathan, tumango ako
"Want to sleep in my room?" Tumaas ang kilay ko. May kwarto din dito?
"I love it kapag tinataas mo na ang kilay mo. Minsan ka lang kasi magmaldita, kadalasan amazona" sabay tawa niya. Sinamaan ko siya nang tingin.
"Can you just lead me to your room?" Naaasar kong sabi
"Fine fine! Come on"
Pagdating ko sa room ay humiga ako agad.
"Okay lang ba?" Tumango ako
"Pwede kanang umalis" nabigla siya sa sagot ko pero agad ding naka bawi
"You're so grateful, Samora" yes, so ungrateful.
Nang maisara na niya ang pinto ay ipinikit ko na ang aking nga mata.
Mula sa malayo ay may bumulong saakin.
"Umalis kana. Ako na bahala dito. Iligtas mo na ang iyong sarili. Please, Jacquie please"
"Ate Illiana?" tawag ko pero walang sumagot
"Umalis kana habang may oras pa at wag ka nang bumalik pa! Mamamatay kalang! Mamamatay lang kayo!" Boses naman ngayon nang isang matanda.
Napa-urong ako. Bumalik ang takot at kaba na naramdaman ko nang mamatay si ate Illiana.
"Nasa panganib ka Samora, umalis kana habang may panahon pa"
Napatakip na ako nang aking tainga nang muli nanamang may bumulong. Mas lumakas ito nang lumakas. At habang tumatagal ay napapalitan ito nang halakhak
Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa takot hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagtulo nang aking mga luha. Hindi... hindi... layuan niyo ako... layuan niyo ako...
Napatigil lang ang lahat nang may isa pang kamay ang tumakip sa tainga ko. Unti-unti ko binuksan aking mga mata ko. Pero di ko makita ang mukha niya dahil sa dilim
"Shhhh, stop crying now Samora. Andito na ako"
Nawala ang takot at kaba na nararamdaman ko nang marinig ko ang boses niya. Feeling ko secured ako at walang makakapanakit saakin
Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko saka niya ako hinalikan sa noo.
"Everything will be fine, Samora. Maybe not now, but soon"
-*-*-*-
Someone Pov
Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa nakikita ko ngayon. Hindi naman kami. Hindi totoong may relasyon kami.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
AcciónShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...