Chapter 6

8.9K 258 2
                                    

Chapter 6

Napa 'yes' silang lahat.

Kailangan ko nang maghanda. Ang magiging problema ko nalang ay kung saan ang venue na sinasabi nila. Kailangan kong maka-isip nang paraan.

-*-*-*-

Pagkatapos nang unang klase sa hapon ay nawala na sila. Mamaya pa ako aalis dahil 5 pa naman mag-uumpisa.

Nang matapos ang pangalawang klase ay sumunod akong umuwi at nagtungo sa kwarto ko saka nag-ayos. Nagsuot ako nang black maxi dress at naglagay nang kaunting make-up.

Nagdala ako nang isang pouch at nilagay ko doon ang maskara ko at ang iba ko pang pwedeng gamitin. Nag lagay din ako nang dalawang gun pocket sa hita ko, dalawang dagger sa magkabilang bewang ko at needles na nakatago sa buhok ko.

Nang masigurado kong maayos na ang lahat ay binuksan ko na ang bintana at tumalon sa puno saka doon bumaba palabas nang mansiyon.

Sa likod ako dumaan dahil pag sa main gate useless ang effort kong pagtalon sa puno. Pagdating ko ay bumungad saakin ang aking black ferrari motorcycle na niregalo saakin ni tanda

Agad ko na itong pina andar patungong venue. Nakita ko mula sa monitor nitong motor na nandoon na silang apat.

Nang makatayo na silang apat ay tumayo nadin ako. Bago pa sila maka-alis nang room ay binangga ko na si Nathan

"Opps" saka niya ako sinalo dahil muntik na akong matumba

"Mag-ingat ka miss" sabi niya saba'y kindat.

"I'm sorry" ang nasabi ko nalang bago sila umalis

Nang maka-alis na sila at saka lumabas sa labi ko ang ngiting tagumpay. Dahil nakabit ko sa relo ni Nathan ang gps chip. Maliit lang yun at impossibleng makita pa niya yun.

Inihinto ko na ang aking sasakyang malayo palang sa venue. Mahirap na, baka makita niya pa ako. Lalo na si Nathan dahil kilala na niya ako

Tinignan ko ulit ang monitor at wala pa namang masamang nangyayari. Ang problema ko lang ay si Nathan lang ang nadikitan ko nang chip. Baka kasi humiwalay sakanya si Aiken.

4:34 na, ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang party. At kung isang trap ang party na ito sa tingin ko sa umpisa o dikaya sa huli nang party mag-uumpisa ang lahat.

Nang mag 4:59 na ay sinuot ko ang maskara ko saka pina-andar ang motor papunta sa venue.

5...4...3...2...1... at sunod sunod na putukan na ang narinig ko mula sa loob

Agad kong kinuha ang dalawang baril sa aking hita at pinagpuputukan ang mga guard sa gate.

Pinasok ko na ang mansiyon at lahat nang madadaanan ko ay pinatay ko

Agad hinanap nang mata ko si Aiken pero wala siya sa loob. Pati ang tatlo. Geez! Nasaan na sila?!

Tumago ako saglit at in-open ang cellphone ko. Napasabunot nalang ako nang makita kong nadisconnect na ang chip. Man! Man!

-*-*-*-

Third Person Pov

Hinihingal na silang apat pero hanggang ngayon ay di parin nauubos ang kanilang mga kalaban

"Kaasar! Nabubuhay ba sila ulit pagkatapos natin silang patayin?!" Naaasar na saad ni Elwood

"Czar anong plano?" Dylan

"Nix call for back-up. Die, El ilang bala nalang natitira sainyo?"

"Marami pa ako Czar" Elwood/El

"Anim nalang akin" napatingin silang tatlo kay Dylan/Die

"Sorry Czar. Anggulo kasi nung pinapatamaan ko kanina ei" sabay kamot sa kanyang batok. Napahilamos nalang siya sa kanyang mukha

"El, stay with Die"

"Aye Czar"

"Czar, after 5 minutes andito na sila" Nathan/ Nix

"Okay. Ready yourselves, we need to survive for 5 minutes, understand?"

"Yes Czar!" sabay sabay nilang sabi.

In the other hand...

"Hayaan mo na ang mga kasama niya. Ang mas mahalaga ay mapatay niyo si Aiken"

"Masusunod Mr. Reinmann"

Back to them...

Agad na sumugod ang apat. Kita sa mga mukha nilang tatlo ang pagtataka dahil wala ni isang sumugod sakanila. Lahat sila ay kay Czar sumugod

"Czar!" Sigaw ni Nathan. Agad naman nila siyang pinalibutan

"Anong ginagawa niyo?" Iritang sabi nito dahil hindi siya maka kilos

"Mukhang ikaw ang target nila" paliwanag sakanya ni El

"Hindi na kailangan" agad silang napalingon sa gilid ni Czar. Isang babaeng nakamaskara ang nasa tabi nito at may hawak na katana

"Ang plano ay plano. Ako na bahala sakanya" ayaw nilang umalis dahil wala silang tiwala sa babae. Ngunit nang tumango siya ay no choice sila kundi sumunod.

Nag-umpisa na silang magpatayan. Habang sa malayo naman ay inis na inis ang pinuno nang kabilang grupo dahil sa pagdating nang babae

"Paano nangyari ito?! Hindi maaari! Tawagin niyo ang Team H. Papuntahin sila dito, ngayon din!" Utos niya sa isa niyang alagad pero bago pa maka-alis ang alagad niya ay napugutan na siya nang ulo

"Juno Huang" agad siyang nanigas sa lamig nang boses. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos nang sampung taon na paghahanda niya ay mapupunta lang sa wala

"Juno Huang" pag-uulit nito

"Si-sino ka?" Kinakabahang sabi niya. Ngumisi lang ang babae saka niya sinaksak si Juno sa kanyang puso

Pagkatapos nun ay agad na siyang umalis sa lugar na yun. Sakto naman ang pagdating nang mga tauhan ni Aiken

Pagkatapos nang laban ay sinubukan pang hanapin nang apat ang babae pero hindi na nila ito mahagilap pa.

"Kilala mo ba siya Czar? May naiisip ka bang tao na pwede kang tulungan?" Tanong sakanya ni Nathan.

"Bukod kay tanda ay wala na" pati siya ay naguguluhan sa biglang paglabas nang babae

"Check all the cctv. Gawin niyo ang lahat mahanap lang siya" ma-otoridad na saad nito. Agad namang kumilos ang tatlo

-*-*-*-

Samora Pov

"Aww!" Napasigaw nalang ako nang lagyan nang alcohol ni Aandy ang sugat ko

"Sorry young lady. Pero saan ba kayo pumunta at ganito kalala ang sugat niyo?" Hindi ako sumagot.

"Young lady, sinisigurado ko pong magagalit si Madame kapag nalaman niya ang nangyari saiyo" tinignan ko siya sa kangyang mga mata

"Bakit, sasabihin mo ba? Ikaw lang ang nakaka-alam nang tungkol dito Aandy, kapag nalaman ito ni tanda ikaw ang sisisihin ko" napa sigh nalang siya

"Hindi ko sasabihin ang tungkol dito, young lady. Pero sa susunod mag-iingat na po kayo" wala sa sariling napatango ako.

Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko ay umalis na siya. Gabing gabi na, ginising ko lang siya dahil hindi ko alam maglinis nang sugat ko.

*sigh* may pasok pa pala bukas. Kailangan ko nang matulog. Pero kahit na anong pilit ko ay di ako dapuan nang antok

Naalala ko ang nangyari kanina. Kung paano ko patayin ang mga kalaban lalo na si Juno Huang. Di ko akalaing magagawa ko yun.

Kasalanan ito ni tanda. When she is still here, she trained me on how to be Samora. On how to leave Jacq. On how to be strong, brave, fearless, and heartless one

And honestly, I really want who I am now

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon