Chapter 33
Elwood Pov
4:00 palang nang umaga ay gising na ako dahil kahit na weekend ngayon ay may klase padin ako nang 4:30. Pagbaba ko nang building ay agad na bumungad saakin ang iilang nagsisitakbuhang studyante. Dahil sa curious ko ay sinundan ko sila hanggang sa huminto sila sa headquarters nang Bad Angels.
Nakipagsiksikan pa ako sa napakaraming studyante para lang makapunta sa harap. Di ko akalain na kahit ganito kaaga ay marami nang studyante ang nandito.
Naabutan kong seryosong nag-uusap si Wilson at isang lalaki. Don't tell me siya si Inspector Ralph
"Bibigyan kita nang isang buwang palugit para mahanap siya" rinig kong sabi ni Wilson nang lihim akong lumapit sakanila
"Sobra sobra na ang palugit na binigay mo saakin Mr. Smith baka wala pa sa isang linggo maibibigay ko na siya saiyo" at ano nanaman ang binabalak ni Wilson?
"Wag kang maging kampante masiyado Mr. Buck. Let see, if magkakaroon ka pa nang lakas nang loob oras na makaharap mo siya"
Napayuko ako nang humarap siya sa pwesto ko at naglakad paalis.
Malakas ang kutob ko na ang misteryosong babae na gustong patayin si Wilson ang tinutukoy nila. Tsk tsk. Ano nanaman kaya ang nagawa niya ngayon?
Aalis na sana ako doon nang mahagilap ko si Aiken sa malayo. Masama ang tingin na pinupukol niya sa lalaking kausap ni Wilson kanina habang nakakuyom ang mga kamao nito.
Lalapit na sana ako nang dumating si Dylan. Tinapik tapik nito ang balikat ni Aiken saka umalis na sila.
Nagtaka na ako kung ano talagang nangyari dito kaya nagtanong na ako sa studyanteng katabi ko lang
"Nagpakita nanaman ang babaeng sumaksak kay Wilson at pinatay daw si Janah habang sina Allison at Kristen critical daw" bigla akong nanghina sa sinabi niya. Allison
Anong nagawa sakanya ni Allison at pati siya ginalaw niya. Akala ko ba kakampi namin siya? Akala ko ba si Wilson lang ang kaaway niya?
Sigurado akong ngayon hindi lang si Wilson ang tataguan niya. Pati kami.
-*-*-*-
Amanda Pov
"Can you tell me what exactly happen last night?" Gaya nang una ay hindi nanaman ako sumagot. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa sahig.
Napabuntong hininga nalang ang Inspector. Hindi sa wala akong gana o ayaw ko kaya di ako sumasagot kundi para magsawa at tumigil na siya
Kinuha lang naman siya hindi para bigyan nang hustisya ang pagkamatay ni Janah kundi para mahanap ang babaeng may kagagawan nito. As far as I know, once na mahuli nila ang babae ay gagamitin nila ito bilang subject nila
"Last question, kahit ito lang sagutin mo. Close ba kayong lima?" Napakunot ako nang aking noo sa naging tanong niya.
"Bat mo natanon--"
"Just answer my question, please. Wag mong sagutin nang tanong ang tanong" ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Geez, kaya mas magandang manahimik nalang eii. Hindi na ako sumagot pa. Bahala na siya.
"Ganyan na ba kahirap sagutin ang napaka simpleng tanong ko Ms. Cabral?"
"That's my line Inspector" natatawang sabi ko. Napa-iling nalang siya sabay tayo.
"That's all for now. Hope to see you again because I'm not yet done with you" binigyan ko siya nang nakalolokong ngiti
"Same to you Inspector" napa tsk nalang at naglakad na paalis sa room ko.
Muli akong umupo at napahinga nang malalim. Hindi ako agad nakapag-isip nang isasagot ko kanina. Mabuti nalang may naisip akong paraan.
Paano nalang kung sinabi kong hindi? Pagbibintangan niya ba ako lalo na't hindi ako nagalaw at wala akong hawak ebedensiya dahil deleted na lahat nang cctv record. At paano naman kapag oo? Geez!
Napatigil ako sa pag-iisip nang muling bumukas ang pinto nang kwarto ko. Lisa Reuland, my dorm mate
"Amanda" hindi ako sumagot at hinintay ang sasabihin niya pero di siya nagsalita at nagtungo sa study table ko.
Dahil sa curious ko ay lumapit ako. Nagsusulat lang pala siya
It's not safe to have a talk here lalo na't nanggaling dito ang Inspector.
"Kung wala ka rin lamang sasabihin, pwede ba umalis kana" nagulat siya sa sinabi ko pero agad din niyang nagets
"Sorry, sige aalis na ako" saka sabay kaming lumabas nang kwarto at dumiretso sa terrace.
"Pinalabas ko sakanilang lahat na traumatized ka din para di kana masiyado tanungin. Okay ka lang ba?" Tumango ako
"Di pa daw siya tapos saakin. Mag-uusap pa kami"
"Hayaan mo nalang siya. Magsasawa din ang Inspector na yun" tanging tango nalang ang naisagot ko.
Ayokong masangkot sa mga ganitong bagay pero para kay Allison maski impyerno papasukin ko. Ako nalang ang meron siya.
"Sabihin mo lang saakin kung gusto mong hindi na siya sikatan nang araw" napalingon ako sakanya.
"Hindi na kailangan. Kaya ko na yang gawin mag-isa. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay bantayan si Alli sa hospital"
-*-*-*-
Third Person Pov
"Di ko pa masiyadong nakakausap ang dalawa. Na trauma nga talaga siguro sila" hindi na nagtaka pa si Wilson dahil inaasahan niya talaga ito.
"Ako na bahala sakanila. Btw, I want you to meet Samora Sazunne. Kausapin mo nadin siya kung gusto mo"
"My pleasure. Is she one of your disciple?" Umiling si Wilson
"Not yet" nakangising sabi niya. "Magiging akin din si Samora. Not now but soon"
-*-*-*-
Samora Pov
Hapon na nang magising ako dahil narin hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa nagawa.
Alam kong wala ako sa sarili kagabi, hindi ako iyun, I swear. Pero bakit naaalala ko parin lahat? Parang ako mismo ang gumawa.
At yun ang bumabagabag saakin ngayon. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako muling papatay pero nagawa ko ulit kagabi.
May problema ba saakin na di ko alam?
"Sammy, you okay?" Napabalik ako sa aking wisyo nang magsalita si Lindsy. Wala sa sariling napatango ako
"Sigurado ka? Simula kasi nang magising ka lutang kana" hindi nalang ako sumagot at pilit na ngumiti.
"Btw, bali-balita kaninang umaga na may nangyari sa headquarters nang Bad Angels. Patay na daw si Janah at critical naman daw si Allison at Kristen, habang si Amanda at Collin naman ay na trauma. Tsk. Di ko alam kung masisiyahan ba ako o maawa sa nangyari sakanila" napapikit nalang ako nang aking mga mata dahil sa narinig.
Anong nagawa ko? Balak ko lang silang takutin pero tila nasobrahan ko ata.
"Sammy" napabukas ako nang aking mga mata at medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang hawakan ni Lindsy ang kamay ko
"Wala kang kasalanan, tandaan mo yan"
-*-*-*-
Good morning everyone :)
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia King
ActionShe is Samora Sazunne She used to run for her life and for her sister But everything changed in just a blink From Running to Protecting Will she able to survive? -*-*-*- Warning: This story is not yet edited. Enjoy reading. Thank you! -*-*-*- Starte...