Chapter 58

3.4K 84 9
                                    

Chapter 58

Elwood Pov

"Elwood bumangon ka na diyan. Ilang araw ka nang di kumakain" pilit ni Aandy pero tinalikudan ko lang siya.

"Wala akong gana" yan ang lagi kong sinasabi sakanya.

I still can't forgive myself from what happened to Samora. I am so f*cking weak!

"El, please" pero hindi na ako sumagot pa at pinikit ang mga mata ko.

It's been a month simula nang gabing iyun pero para saakin ay parang kahapon lang ang lahat

Lagi ko siyang napapanaginipan. She's crying because of so much pain. She's crying for help

"El anuba?! Pinapatay mo lang ang sarili mo! Akala mo ba natutuwa si Samora sa ginagawa niyo?!" Napamulat ako nang aking mata nang marinig kong umiiyak na siya

"Si Aiken, hindi na siya maka alis sa monitor kakahanap kay Samora. Dahil naniniwala siyang hindi pa siya patay. Habang si Dylan naman laging tulala, hindi na siya maka usap" pati din pala sila...

Hindi na rin kasi kami nagkikita kita.

"Isipin niyo naman kaming nag-aalala sainyo. Andito pa kami, buhay na buh--" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya nang hinila ko siya para yakapin. Mas lalo naman siyang naiyak

"Shhh. I'm sorry. I'm sorry"

-*-*-*-

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo kami nang garden para daw makalanghap ako nang sariwang hangin. Ilang weeks din kasi akong nakakulong lang sa kwarto ko

"May nahanap na ba kahit isang clue si Aiken kung nasaan si Samora?" Tanong ko. If Aiken believes that Samora is still alive then me as well

"Hindi ko alam dahil maski ako ay hinahanap siya at wala ni isa akong idea kung nasaan siya" malungkot na sabi nito.

Kung hindi lang sana kami nahuli, di sana nailigtas pa namin si Samora.

"Sorry Wein, we failed you" sabi namin sakanya pero umiling siya

"I'll save her" sabi nito at dire-diretso siyang tumakbo papunta sa lab pero hinarangan siya ni Emprey at mga tauhan nito.

Binitawan narin kami ni Mr. and Mrs. Forsell para sugudin si Aiken

Aiken, no...

Wala kaming nagawa nang pinagsusuntok at pinagsisipa siya nilang lahat. Hindi parin siya sumuko kahit na padami nang padami ang mga kalaban niya.

Hanggang sa ginawa na siyang punching bag habang pinag papasa pasahan siya.

"Tama na!" Sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.

Mabuti nalang ay sinuway nadin sila ni Hearon at nilayuan na nila si Aiken.

Hindi ko mapigilang mapaiyak nang makita ko ang itsura ni Aiken. Nakahiga na siya sa sahig at walang malay. Puno nang pasa ang mukha niya at duguan nadin siya

Mga hayop kayo! Humanda kayo! Tatandaan ko ang pagmumukha niyong lahat! Papatayin ko kayo!

Akala ko tapos na ang lahat nun pero hindi pa tumigil si Emprey. Pinakulong niya kami at pinahirapan kaming lahat.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Bigla akong umiling at pinunasan ang luha ko.

"Tutulungan kitang hanapin siya. Buhay man siya o..." hindi ko maituloy ang sasabihin nang bumuhos nanaman ang luha ko.

Protecting The Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon